CHAPTER 24

958 54 19
                                    

NAGISING akong may yumuyugyog sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mata at nasalubong ko ang malamlam na mga mata ni Sam. Ang kanyang mukha at nasisiniagan ng araw habang direktang nakatingin sa akin. Nung una ay hindi ko pa maintindihan ang sinasabi niya pero nang maglaon ay naintindihan ko rin.

"Hey, bangon ka na diyan. Pupuntahan mo pa si Arlyn sa Ospital, 'di ba?" I groaned saka iniba ang pwesto ng pagkakatulog.

"Ang aga pa yata masyado. Mayamaya muna."

"Maaga? It's already 1 in the afternoon."

"Ako pa niloloko mo. E sinasabi mo lang 'yan para magising ako agad."

"I'm serious, Laura. It's already 1 PM. Bumangon ka na diyan para makapunta ka na kina Arlyn."

"Hindi pa nga kasi 1 PM. OA ka lang talaga."

He handed me my cellphone. "Oh. Look at the time and tell me if I'm still kidding you around."

Hinawi ko ang hawak niyang cellphone. "Maya na. Inaantok pa ako."

"Just look at it."

Groaning, I took my cellphone out of his hand at tinignan ang nasa screen. Noon una ay hindi pa makapag-adjust ang paningin ko. Nang maglaon at luminaw sa akin ang paningin ay saka nanlaki ang mata ko sa gulat.

It's really 1 PM!

Napabalikwas ako ng bangon bago sinamaan ng tinginsi Sam. "Bakit ngayon mo lang ako ginising?! Halos hindi na ako nakapag-umagahan at tanghalian, oh!"

"I did. I tried. Pero mukha kasing ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising."

"Sam naman! Dapat ginising mo pa rin ako!" he just shrugged his shoulders. Hinampas ko siya ng unan. "Alam mo, ikaw talaga ang may kasalanan, e!" pagbulyaw ko. "Kung hindi mo ba naman ako pinuyat kagabi, edi sana maaga akong nagising!"

"What, it's my fault now? Hindi ko naman kasalanan na gusto mo pang pumunta sa imagination mo para mag-enjoy pa sa fireworks, ah."

"Fine. Okay. May kasalanan din ako. Pero kasalanan ko rin ba na kailangan pilitin ka nang sobra bago mo ako ihatid sa imagination ko?"

"It's not my fault, too, for being tired after the long day we've had at Amusement Park."

"Pa'no ba naman kasing hindi mapapagod after sakyan ang lahat ng rides sa Amusement Park? Hindi mo na sana sinakyan lahat ng rides kung mapapagod ka lang naman pala."

"I just want to spend my la-" natigil siya. Pagkuwan ay umiling din. "Fine, fine. Kasalanan ko na. Happy?" kahit pa na ang weird niya bigla, pinagsawalang bahala ko na iyon saka umismid.

"E di inamin mo rin sa wakas! May pasisi-sisi pa sa aking nalalaman..."
Pailing-iling na lang ang ginawa niya.

"Ang mabuti pa, gumayak na riyan para sa pagpunta mo kay Arlyn. Hindi mo naman siguro gustong makita ka niyang parang kinaladkad sa kalsada, 'di ba?"

"Kinaladkad ka riyan sa kalsada! Sige, mang-asar ka pa! Ganyan gustomo, e. Inisin ako palagi."

"Well, it's not my fault that you look cute when you're pissed."

"Cute?! Ang sabihin mo, gusto mo lang ako asarin! Yun'yon."

"Cute ka nga."

"Hindi. Nang-aasar ka lang!"

"Cute nga."

"Hindi nga! Pang-asar mo 'yon. Period. Palusot mo lang 'yang sinasabi mong cute."

"Sinabihan ka na ngang cute, ayaw mo pa?"

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now