BOOK 2

994 44 5
                                    

PROLOGUE

I WOKE UP with the light hurting my eyes. Nakita ko agad ang ceiling na kulay puti. Sinubukan kong tignan ang paligid. Nagtataka ako. Bakit nasa Ospital ako? Nakita ko kasi ang mga nakadikit sa aking kamay. Ano ito? Anong nangyari? Wala akong naalala na nangyari sa akin...

“Doc, wala po ba talagang kasiguraduhan na magigising ang anak ko?” A voice I heard from a distance. That sounded like Papa...

“Pasensya na ho, Sir. At hindi pa namin made-determine ang ganyan. Sa ngayon po, ang hilingin lang po natin ang magising na siya.”

“...at kung hindi?”

“Pasensya na ho talaga, Sir...” I heard faint cries after what the Doctor said. And I'm still in my unconscious state dahil parang hindi ko pa matagpi-tagpi ang aking isip. Nawala lang nang pumasok si Papa sa kwarto.

“Anak? Anak! Jusko, gising ka na! Salamat sa Dios!” Tumatakbong nilipat ako ng distansya ni Papa para yakapin. “A-Ano, anak? May masakit ba? Sabihin mk sa Papa para malaman natin kung okay na talaga...”

“P-Papa?” Ngayon, parang naliliwanagan na ako sa nangyayari.

“Yes, anak. Ako 'to. Ang Papa mo. May masakit ba sayo? Okay na ba?”

“Ano pong nangyari? Bakit po ako nasa Hospital?”

“Naaksidente ka, Anak. Saktong araw ng 16th birthday mo, naaksidente ka dahil nabunggo ka ng kotse.”

“16, 'Pa? Pero... I'm already 26...” That's what I know. May naalala na ako na cinelebrate namin na pamilya iyon. At iyon din ang... araw kung san nagpakita na rin sa akin si Sam.

“26? Anak, you're just 17...” Dito na ako napadilat nnag mata at may naalala. 16th birthday ko nung humilimg ako sa shooting star para kay Sam... wait...

“'Pa, anong taon na ngayon?”

Nagtataka man, sumagot pa rin siya. “2011, Anak... isang taon kang comatose.” 2011?! Pero... 2021 nung nagkita kami ni Sam. Teka, ano ba talagang nangyayari?

I have a hunch, pero pilit kong dinedeny ito.

“'Pa, nasaan si Sam?”

“Sam? Wala akong kilalang Sam, anak. Kaibigan mo ba?” More than just a friend, 'Pa!

“'Pa, anong di mo kilala? Y-You knew him. Kasi... nalaman mo na siya yung boyfriend ko.”

“Boyfriend? May boyfriend ka?”

“Yes, pero, 'Pa... where is he?! Imposibleng wala siya. Kasi... winish ko siya, eh. Paanong... Dapat nandito siya...asaan...”

Kinulob ako sa yakap ni Papa. “Shh... it's okay, Anak. Baka panaginip mo lang nung na-comatose ka. Sabi ng Doctor ay palaging nananaginip ang na-coma. Kaya baka panaginip lang, anak.”

Panaginip?

Panaginip lang ba ang lahat?



A/N:

Leaving comments to give your thoughts is much appreciated. You can vote para na rin maganda. Thanks for supporting me!!

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now