CHAPTER 18

1K 37 0
                                    

LAURA's

"PARANG TANGA ANG ANAK NG PUSA!" Bigla kong sigaw habang mariin na nakakapit sa aking cellphone. Nakakagigil talaga!

Frustrate na frustrate ako. Hindi niya ba maintindihan? Kung hindi niya maintindihan, e, di bwisit pala siya! Pangit niya ka-bonding! May pinaglalaban pa nga!

Busy ako sa panggigigil na naka-display sa cellphone nang kumalabog papabukas ang pinto. Nagulat naman ako roon. Lumabas ang humahangos na si Sam. His eyes searched for me until he finally found my eyes.

I glared at him. "Hoy, wag ka ngang basta-basta papasok nang hindi kumakatok!"

But he didn't even noticed my question. "What happened?!"

"Hoy, ikaw!" Dinuro-duro ko pa siya. "Nakakagulat kapag may biglaang pumapasok kaya susunod, matuto kang kumatok, ha?!"

"I came all the way here nung marinig ko yung sigaw mo. Ano ngang nangyari?"

Sumimangot ako. "Eto kasing comment na nabasa ko sa story na binabasa ko ngayon, nakakainis! Magalit daw ba kay Jacob dahil sa ginawa niya?! E nasaktan din naman yung tao, ah! It doesn't make any sense! Tingin mo may kakayanan ka pang pakinggan nung tao after mapagod sayo? Hindi naman, 'di ba?!"

He threw a glare at me. "Akala ko naman kung ano. Tumakbo pa ako nang mabilis papunta rito."

I threw him a glare too. "Bakit, sinabi ko ba sayong puntahan mo ako? Hindi naman, 'di ba?!" I hissed. "At saka, wag mo ngang ipamukha na ang simple lang ng problema ko!"

He rolled his eyes. "Simple naman talaga."

"Simple ka diyan?! Basta, naiinis ako sa opinyon niya!"

"Hayaan mo na lang. Wala ka namang mapapala diyan kung patuloy ka lang maiinis sa kanya."

"Pake mo ba? At saka paanong hahayaan, e, yung opinyon niya one sided! Hindi manlang alamin ang nararamdaman ni Jacob! Parang tanga talaga ang anak ng buset."

"Hayaan mo na lang nga kasi. Sasakit lang ulo mo niyan dahil sa frustration."

"Wala akong pake sa sakit ng ulo. Gusto ko ipaglaban na hindi dapat kinaiinisan si Jacob kasi nasaktan lang din naman siya tulad ni Lily!"

"You're fighting for him like as if you love him that much."

"Syempre love ko yun! Siya yung bida- Aba, may panibagong comment pa siya! May pinaglalaban amposa! Napaka talaga!" At hindi na ako nakatiis. Naghanda na ako ng reply habang sinasabi yon nang malakas. "Ikaw... loko ka ba? Writer ka lang din naman tapos hindi ka marunong umintindi both sides? Ano, tanga lang? I-consider mo naman kahit papano feelings ni Jacob kasi nasaktan din naman siya tulad ni Lily!" Sabi ko pa habang gigil mag-type. Nang matapos ay isesend ko na sana nang inagaw sa akin ni Sam ang phone. Iritadong binalingan ko siya ng tingin. "Akin na 'yan! Rereply-an ko lang 'yang bwisit na one sided na 'yan!"

"Tumigil ka na. Sumasakit na ulo mo dahil sa frustration."

"At anong alam mo sa nararamdaman ko sa katawan ko, aber?!"

He shrugged. "I just know. Kaya kung ako sayo, gumawa ka ng ibang bagay na makakapag-palimot sayo ng frustration mo kung ayaw mong lumala sakit ng ulo mo."

"Kulit mo rin, 'no! Hindi nga masakit ulo ko!"

"Yes it is."

"No it's not!"

"It's a yes."

"No!" Bigla niyang pinitim noo ko. "Aray!"

"I told you, masakit nga."

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now