CHAPTER 9

1.4K 50 1
                                    

“HALA, Ma’am. Kailangan ko na po pa lang umalis! Masyado po yata akong nalibang dito,” pagpapaalam ko sa Mama ni Qen. Nakita ko kasi sa aking relo na pasado alas tres na ng Hapon. Ang sabi ko kay Sam, saglit lang, e. Magalit pa yun sa akin.

Galit na nga sa akin nung isang araw, dadagdagan ko pa.

“Hindi ba pupwedeng mag-extend ka pa?” Ayan! Ayan ang dahilan kung bakit tumagal pa ako ng ilang oras dito! Papano naman kasi, bukod sa nanay siya ni Qen, ang hirap hindi pagbigayan ang idol mo. Hay.

“Sorry Ma’am, hindi po talaga ako pwede—”

“Drop the formality, Laura. Call me Tita Mela na. Wala namang masama at magkakilala naman kayo ni Qen.”

Bahagya naman akong pinamulahan do’n. “T-Tita Mela… ano po kasi— kailangan ko na pong umuwi. Masyado nang extended ang uwi ko. Mapapagalitan na po kasi ako, e.” Mapapaglitan ni Sam.

Tita Mela sighed. “Okay. Maybe you’re right. Masyado ka nang matagal dito. Kailangan mo nang umuwi, but before that, may I ask you something?”

“Ano po ‘yon, Tita?”

“My son—Qen—do you like him?”

Kamuntikan pa akong masamid sa kanyang tanong. Ano raw? Bakit niya natanong? Masyado ba akong obvious kanina?

Pinamulahan ako pero pinilit kong itinago. “A-Ano ho?”

She smiled. “I saw you how you stare at him while playing at his brother. So… do you like him?” Ano ba ‘yan! Napansin pala ni Tita ‘yon? Nakakahiya!

“Ahm…” Umiwas ako ng tingin. Should I tell her?

“‘Wag kang mahiya, Hija. If you like him, hindi ko naman sasabihin sa kanya.”

Sasabihin ko ba? Kung tutuusin, na tempt na rin ako dahil sinabi niyang hindi niya sasabihin kay Qen pero iba pa rin. Medyo nakakahiyang umamin lalo na at nanay pa ‘to ni Qen. “Nagkakamali lang po kayo, Tita. Mukha lang po akong may gusto sa kanya, pero ang totoo magkaibigan lang kami.”

“You already caught in the act, tatanggi ka pa rin?”

“E, Tita… totoo naman po. Tsaka kung sakaling may gusto nga ako sa kanya, e di sana hindi po kami magkaibigan ngayon.”

Ganoon lang ang ekspresyon ng mukha niya. Plain and parang hindi naniniwala. Then seconds passed, Tita smiled. And I swear, there’s something weird by the way she smiles. Bakit parang may binabalak na masama?

Marahas kong ipiniling ang ulo. Baka nasanay lang siya na marami nga talagang may gusto sa kanya.

Napatingin akong muli sa relo. “Sige po, Tita. Uuwi na ako.”

“Ah, Hija… pakitawag muna si Qen. Nasa kwarto lang iyon ng kapatid niya. Yung gitna sa tatlong kwarto? Ayun lang ‘yon. After that, makakauwi ka na,” saad ni Tita at ngumiti ulit.

Sinunod ko na lamang si Tita. Pagkapunta sa kwartong sinasabi ay unti-unti ko ‘yong binuksan. Pilit na hindi gumagawa ng ingay. Bumungad naman sa akin ang baby blue color sa buong paligid. Hinanap ko si Qen at hindi naman ako nag fail. I saw him sitting beside his sleeping brother. Hinahaplos haplos niya ang ulo nito then what he did next made my heart melt.

He kissed his brother’s forehead.

Eto. Eto ang dahilan kung bakit iba ako makatitig kanina nang magkasama silang dalawa. Iniimagine ko kasi na siya yung tatay tas nakikipaglaro siya sa anak niya. Tas syempre ako na nanay, tuwang-tuwa na makitang sweet sa isa’t isa ang imagined mag-ama kuno ko. Syempre hanggang imagination lang dahil alam kong imposibleng mangyari.

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now