CHAPTER 4

2.1K 51 3
                                    

“AISH, BWISIT! Ang lagkit-lagkit ko na tuloy! Bwisit ka kasi Sam, e!” maktol ko nang tuluyang makapasok sa bahay. Ang putik kasi ay hindi lamang maliit. Para nang binuhusan ako ng putik. Ang lagkit tuloy sa pakiramdam! Bwisit kasi na Sam yun, nantitrip!

“Your fault; not mine.”

“Ah, so ako pa may kasalanan? E, ikaw nga ‘tong nag-simulang putikan ako, e!”

“May sinabi ba akong gumanti ka?” nakataas niyang kilay na tanong.

“Pa’nong hindi nga gaganti, e, ikaw ‘tong nagsimula na putikan ako!”

He shrugged his shoulders. “Meh.” I frustratedly brushed my hair. Bahala nga siya riyan! Maliligo na muna ako nang matanggal ‘tong lagkit na ‘to.

Kumuha na ako ng damit sa taas at nagmadaling bumaba sa CR. Pero ang pagmamadali kong ‘yon ay mas bumilis nang makitang si Sam ay nagmamadali ring pumasok sa CR.

Hindi! Hindi niya ako pwedeng maunahan!

“Sam! Sam! Umalis ka diyan. Ako naunang nag-balak pumasok diyan, hoy!” sabi kong kinakalampag ang pinto ng CR. Bwisit talaga siya! Ako ‘tong lagkit na lagkit tapos siya pa ang mauuna? Asaan ang hustisya?!

“Well, didn’t you know the term, "first come first serve?”

“Bwisit ka, Sam! Bwisit!” frustrated kong sabi habang sinisipa ang pinto.
Nagulat ako nang buksan niya ang pinto. Dumungaw ang kanyang ulo sa unting awang.

“Wait, you want to get showered, too, right?”

“Tinatanong pa ba ‘yan? Ang lagkit ko na nga, oh!”

“Well, ever heard of the term, "let’s shower together to conserve water"?” Nang unti-unti kong ma-realize ang sinabi niya ay siya namang unti-unting pag-init ng mukha ko. Hinampas ko siya—I mean yung pinto—pero ako rin ang nasaktan.

Nevertheless, I screamed: “MANYAK!!!” sabi ko sa mariing mata. I just heard him laugh.

“But it’s pretty tempting too, right? Saka ayaw mo nun? Bukod sa ma-pe-preskuhan ka, you’ll get to see my body—”

I screamed while covering my precious  virgin ears. “Itikom mo na nga ‘yang bastos mong bibig at kapag hindi pa talaga ako nakapagpigil, I’ll choke you to death!”

“Choke to death? Why not choke me to pleas—” Hindi na ako nakapagpigil at susugudin ko na sana siya ng sakal at suntok nang bigla niyang sinara ang pinto. Ang ending, ang pinto na naman ang natamaan ko. (Kawawang pinto). Rinig ko ang pag-tawa niya nang malakas sa loob. Binubwisit niya talaga ako, e!

“Sana mawalan ka ng hininga sa kakatawa mo. Bwisit!” saad ko at sinipa nang malakas ang pinto bago umalis doon.

Now, what? Mag tiya-tiyaga na lang ba ako sa punas-punas lang?

I groaned at kumuha na ng pamunas at tubig. Pumunta na sa kwarto at doon ginawa ang lahat bago magbihis. Habang nag pupunas ay napansin ko ang bracelet na bigay sa akin ni Sam.

“Wala; bwisit pa rin ako sayo,” saad ko bago itapon na lang basta sa kama ang bracelet.


“WHY aren’t you wearing your bracelet?” Kaagad naman akong napabaling sa nakakunot noong si Sam pagtapos ay sa pulsuhan ko.

“Ah, nakalimutan kong isuot uli pagkatapos kong mabihis.” Though I lied, I don’t actually care. Amoy na amoy ko pa ang shampoo at sabon sa kanya!

E, di siya na kamo nakaligo!

“Then wear it again.”

“Ay, wow, ha? Now na agad? Ano ka, si Starla na may tagline na "now na!" sa dulo?” natatawa kong saad. When he send me a glare, I stopped and groaned. “Mamaya na kasi. Masyado ka namang atat.”

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now