CHAPTER 16

896 29 0
                                    

MATAGAL na naglapat ang labi namin. Hindi ko alam kung segundo o minuto na 'yong magkadikit lang pero nasisiguro kong hinahalikan ko ngang talaga si Sam ngayon. Wala mang gumagalaw, medyo kuntento na rin ako dahil hinahalikan ko si Sam.

Actually, I have no regrets na sa kanya napunta ang first kiss ko. At least naman na napagbigyan ko ang taong alam kong mahal ako at kaya ko ring mahalin balang araw, hindi sa taong imposibleng kong makuha at makamit sa reality.

Anyway, going back to the kiss, it felt I was kissing a marshmallow. Ang lambot kasi ng labi niya at ang gaan nun sa pakiramdam. Para bang dinuduyan ako sa alapaap? Basta, hindi ko ma-explain yung pakiramdam habang magkalapat lang ang labi namin. Ang alam ko lang, malambot sa aking labi ang kaniyang labi.

Ganito pala talaga pakiramdam ng humahalik ng labi? Malambot, mainit, at nakakapigil hinga? So, meaning, ganito rin ang nararamdaman nila Qen at Apple habang hinahalikan ang isa't isa?

Pinilit kong inialis 'yon sa aking isipan. What matters now is Sam. Not Qen, not Apple, even anybody else is not I should mind. Dapat ang mga eksenang ganun ay inaalis na sa aking isip lalo na at pursigido na talaga akong mag-move on.

Ang kaso, kahit anong pilit ko sa sariling kalimutan ang eksenang iyon, bumabalik pa rin sa akin. Umabot pa nga sa puntong ang ini-imagine kong kahalikan ngayon ay si Qen at hindi si Sam.

Hindi naman yata fair 'yon. Si Sam ang nandito tapos ang gusto kong isipin ay si Qen 'tong nasa harap at kalapatan ko ng labi. No! Hindi. Hindi 'yon fair. Kailangan ang nasa isip ko ngayon ay si Sam at hindi si Qen.

Mali. Maling-mali 'tong ginawa ko na hinalikan ko siya nang hindi nag-iisip. Dapat mag-move on muna ako kay Qen bago ko ito ginawa!

Lalayo na sana ako nang hawakan ni Sam ang baywang ko saka mas inilapit sa katawan niya. Ang kaniyang labi ay nagsimulang kumilos sa malamyang galaw. Mabagal at madiin. Na para bang may sinusunod na ritmo ng musika.

Sandali pa ay tila nalimutan ko ang balak na umalis. Nalasing at nabihag na kasi ako sa pag-galaw ng kanyang labi sa akin kung kaya't ang nangyari, kusa nang nakisama ang akin sa kanya. Nakikisayaw, nakikisabay, at nagpapa-gabay sa agos ng kanta.

Ganun lang ang set-up ng halikan namin hanggang sa di ko namalayang mas uminit ang paligid dahil sa pagiging intense ng pagsasayaw ng labi namin. Bukod kasi sa labi ay nakisama rin ang kamay niyang parang gustong halukayin at kilalanin ang buong katawan ko. Hindi ko naman siya magawang pigilan. Tanging nagawa ko lang ang ilagay ang braso sa kanyang leeg at mas idikit ang katawan sa kanya.

Hingal na hingal na ako pero di ko magawang ilayo ang sarili sa kanya. Di ko rin alam kung bakit basta every moment passes by, I'm enjoying and loving it as much as I love his warmth on mine.

Yes, we're obviously making out and I have nothing to do but to response at his dance.

Walang katapusan pa kaming naghalikan. Tila wala nang bukas. Para bang anumang oras ay gugunaw ang mundo kapag hindi pa namin 'to pinatagal.

"Laura?"

Para akong tinakasan ng dugo dahil sobrang kilala ko kung kanino ang boses na yun. At mas masaklap, nanggaling sa ibang parte ng kwarto ko ang boses, hindi sa kaharap ko.

Gulong-gulo ang aking isip. Kung narinig ko ang boses niya sa malayo at hindi sa aking harap, ibigsabihin lang yung nakahalikan-I mean, naka-make out-an ko ay si...

"Q-Qen?" Ang kaninang nakatingin sa ibang direksyong mga mata niya ay bumaling sa akin. Mas dumagdag ang kaba ko sa dibdib. Hindi. Hindi 'to pwede. Nananaginip lang ako, right? It wasn't really Qen that I kissed. It was Sam! Not him! Balak ko na ngang mag-move on tapos ganito pa?

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now