CHAPTER 27

1K 30 1
                                    

NAG-HA-HALLUCINATE LANG AKO, ‘DI BA?

Kasi imposibleng nasa harap ko ngayon ang yumao kong Ina! Kaya nga yumao, e. Patay na. Hindi na humihinga at mas lalong wala rito sa mundong ginagalawan ko! Kaya no wonder, hallucination lang talaga ‘to. Ttuth to life hallucination. Wala lang itong nasa harap ko. Panaginip lang ito. Kaya mas mabuting—

“Won’t you give your Mother a hug, Laura? I’ve missed you so much...” Mas mariin kong ipinikit ang mata. Hallucination lang siya, Laura. Hallucination lang kaya ‘wag mo na pagtuunan ng pansin. Nababaliw ka lang...

“Laura? Anak?”

Anak... it’s been years when I last heard that from that voice. Mas na-miss ko tuloy siya... pero hindi! Hallucination ko lang ‘to after kong mabaliw dahil sa pagkawala at pagnakaw ng cellphone ko. hindi ‘to totoo. Purely hallucination lang.

“Laura?”

‘Wag mo pansinin, Laura. ‘Wag...

“Are you... okay?”

‘Oo,’ sagot ko sana kaso baka may madaan dito at mapagkamalan akong baliw dahil nag-sasalita ako mag-isa.

“Laura...”

Aalis na sana ako nang maramdaman kong humawak sa akin. Nang makita ay halos mawala ang kaluluwa ko sa katawan. Bumungad kasi sa akin ang anyo ni Mama. Takang-taka ang mukha habang nakatingin sa akin. Pero ang mas ikinagulat ko talaga ay nahawakan niya ako. Nahawakan niya ako! Nahawakan ako ng isang hallucination! How is that even possible?! Dapat kapag nasa isip lang, nasa isip lang. kaya paano nangyaring nahawakan niya ako?!

Lumayo ako sa kanya. Tila ba ay may nakakahawa siyang sakit. “W-Wag kang lumapit! Hallucination ka lang. Hindi totoong ikaw si m-mama!”

“But I’m really your Mom—”

“Hindi!” pailing-iling na sigaw ko. “Hindi ikaw si mama kasi si Mama, patay na. Wala na sa mundong ‘to at hindi na namin kasama. B-Basta wala na siya! Kaya ikaw,” duro ko sa kaniya. “Hallucination ka lang na gawa ng utak ko kasi miss ko na siya.”

Lumamlam ang mga mata niya. “Pero, Anak, ako talaga ‘to. Hindi ko lang mapaliwanag kung ano ako ngayon, pero totoo talaga akong nasa harap mo.” I flinched when she caress my face. It was warm. Just like any normal temperature of a person. Sa di malamang dahilan ay napapikit ako. “Ramdam mo ako, ‘di ba? May hallucination bang kaya kang hawakan nang ganito?” pinunas niya ang kanina pa lang tumulong luha sa aking mata. Hindi ko pa mapapansin kung hindi nito pinunas. “At kaya rin ba ng isang hallucination ang magpunas ng luha?”

Nangilid ang aking luha. Muntikan nang bumigay pero hindi pa rin ako maniniwala. Kasi nga, ‘di ba? Patay na si Mama! Imposible ang makita siyang muli! Well, unless minumulto niya ako pero... nahahawakan ako, e!

Mas marahas kong ipiniling ang ulo. “Hindi! H-Hindi ikaw si Mama! Kung sino ka man na kamukha ni Mama, please lang, ayaw na kitang makita!” Pagkasabi’y umalis ako roon. I don’t know where. Basta ang hindi makita uli ang mukha niya. Yun ang gusto ko. I just wanna escape this dream or whatever this thing called. Ayoko nang may gumulo sa akin... ayaw ko na.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. May mga tao akong nadaanan ngunit hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Basta ang ginawa ko ay tumakbo habang umiiyak. Sa nanlalabong paningin, ipinagpatuloy ko ang pagtakbo hanggang sa hindi ko napansin ang paparating na sasakyan patungo sa akin. The lights of the car made me stop. It got closer and closer...

And the next thing I knew? Everything turned black.

“MAMA? GAGALING PA PO KAYO, ‘DI BA?” pagkausap ng pitong taong gulang na si Laura sa kaniyang Ina. Ang Ina naman niyang nakaratay sa kama ay ngumiti lang.

The Man Of My ImaginationWhere stories live. Discover now