CHAPTER 2

1.1K 53 25
                                    

Note:  Happy April Fools! Hindi ko na kayo lolokohin kasi matagal ko na kayong niloloko HAHA. Joke lang, baka 'di pa ako makabalik sa original updating schedule kasi busy lang (literal na busy talaga ang person). Malalaman niyo lang kung may update kapag may notification. Hindi ako mawawalaaaa, magiging estudyante muna ako for a while hehehe.  Sa ngayon, eto muna, enjoy reading!

••••••

[ C H A P T E R 2 ]

LATISHA VALENTINE

I roam my eyes around the yard to look for Erwan's figure. Marami ang nagkalat na mga Knights at mga mamamayan ng Benura kaya't nahihirapan akong hanapin siya. I was told that Erwan is helping the Kitchen with regards to the ration for the evacuees. Sa araw na ito, napagpasyahan namin na magluto ng lugaw para makakain ang buong mga tao. I already approved the papers to double the deliveries for the month because of how massive the amount of people we have here.

Nagbigay pugay lamang ang mga tao nang dumaan ako, at isang matamis na ngiti na lamang ang aking naitugon. I spotted Sir Hasan, and I bet he knew where Erwan was. That's why my feet marched towards his direction.

"Sir Hasan!" I greeted him. Agad siyang lumingon at nagbigay pugay. Agad na lumantad ang pagtatanong sa kanyang mukha. "Bago ka magtanong, gusto ko lang sabihin na wala akong nilabag na utos ng asawa ko."

He nodded slightly. "I hope you're not violating any rules just because the Duke went to Benura. Ayaw ko sanang utusan kayo, Madame. Subalit, kailangan niyo po na bumalik sa loob."

Napasimangot ako. "Naglalakad lang ako, Sir Hasan. Nakakaumay humilata buong araw. Wala akong kausap sa loob kundi si Hana at mamamatay lamang ako sa katahimikan doon. Isa pa, hinahanap ko si Erwan. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Agad niyang hinahanap ang bulto ng taong hinahanap ko. "I saw him with Wince earlier. I think they are on the training ground."

"Okay," I said and I was about to march away when his hesitation halted me. "I swear, Sir Hasan. Kakausapin ko lang si Erwan at babalik ako sa loob. I know the Duke told everyone if ever someone sees me out of his room, they have to force me back in. But, I've been summoning Erwan to the chamber yet he's not coming."

"Then we must make sure you are back inside before he comes home from Benura," he said.

Isang tugon lamang ang binigay ko bago ko nilandas ang daan papunta sa training ground. Every person I pass by greets me and I do the same. Nakaabot ako sa training ground at napatigil nang makita kong nag-eensayo ang ilan sa mga Knights, at tama ang sinabi ni Sir Hasan na magkasama sina Wince at Erwan.

The two idiots sat on a wooden bench looking at the Knights sparring and some were even using wooden weapons. My feet marched again and as I approached them slowly, my movements were discreet.

"It's really boring these days," Wince said as he latched his palm on the bench and took a deep sigh. "We are not allowed to see the Duchess, we can't go out of the Duchy, nor are we free from Hasan's order. Kailangan ba matatapos 'to?"

"Puro ka na lang reklamo, Wince. Hindi mo ba itatanong kung ilang dokumento ang binasa ko ngayon sa dalawang oras lamang? Labindalawa, potangina talaga! Mas malala 'to dati at lalo pa ngayon na hindi pwedeng mabinat ang Dukesa, edi halos hindi na rin ako natutulog!" asik ni Erwan.

Napataas ang kilay ko. Are these two complaining about their own work or how boring their day is? Iniwasan kong magbigay ng ingay nang mapaismid ako sa narinig ko. Pinagkrus ko ang aking mga braso habang nakatayo sa likuran nila at tahimik na nakikinig.

✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book Two]Where stories live. Discover now