CHAPTER 19

588 29 12
                                    

[ C H A P T E R 19 ]

LATISHA VALENTINE

Even if he won't tell, he is scared. Napapansin ko 'yon nitong mga nakaraang araw. He is always busy, distracting himself from thinking about something that he sure knows he can never escape. He always tried to hide that from me, but I'm not insensitive. Parati kong napapansin ang pagkakabahala niya kahit nakangiti siya sa akin.

As much as I wanted to talk to him about it, we don't have time. Parang ngayon ay parati kaming nauubusan ng oras. Mabilis lumilipas ang araw at lumalaki lamang ang pagkabahala namin sa sitwasyon.

Malapit ng matapos ang taglamig. Kung inaasikaso ng Duke ang mga problema na kinakaharap ng Duchy, inaayos ko naman ang kaarawan ni Annika. My pregnancy wasn't advertised, as per the Duke's order. Tanging ang mga Four Clover Knights, ang Commander at Vice-Commander, pati na rin si Erwan ang nakakaalam.

I haven't seen Blessime since my wake, but I was told that she's just around the Duchy. Hindi siya pwedeng magpakita dahil maraming pwedeng mangyari kung malalaman nila na kasabwat ko ang dalawa. Nagparamdam si Magnus ng isang beses gamit ang paghuni katulad ng mga ibon, at dahil din don ay may alam ako sa nangyayari.

Since the election of the new Lord of the State is just around the corner, politics has been involved in the rebellion. We managed to deplete the number of alliances for the past months, but it's not enough to think we're winning. I had told Roshan about the possible routes to corner the rebels, and it has been occupying his time since.

"Tish!" Napako ang aking tingin sa kararating lang na bruha. "Special delivery para sa mga maganda o gwapo kong pamangkin. Wala akong pakialam sa pinsan ko."

Umikot lang ang mata ko sa sinabi niya at inamoy ang dala niyang bagel. Napangiti ako saglit at agad kumuha ng isa para kainin. Blessime just gape her mouth for a second and she sat on a chair across mine while shaking her head.

"Ang bakulaw lumalamon na parang katapusan na ng mundo. Hindi ka naman deprived sa pagkain dito pero kung makalamon ka, parang ilang araw kang hindi pinakain," saad niya muli bago kumuha ng isang piraso at kinagat. "Bawal sa buntis ang tinapay dahil lalabas na mataba ang bata."

"Wala talagang kwenta naririnig mo sa tabema," saad ko habang ngumunguya. "Bakit ka ba namamalagi ron? Akala ko ba good terms na kayo ng Commander? Hindi mo na kailangan ng ibang magpapainit sa 'yo dahil tingin niya pa lang, lumiliyab ka na."

"Ang sarap mong i-baon sa lupa, Tish." She flared her invisible darks at me using her eyes. "Pumunta lang ako dito dahil namimiss kita, pero parang nagsisi agad ako."

Ngumisi lang ako. "Ang arte mo. Kung ayaw mong sitahin kita, huwag kang pumunta na may kiss mark, Gaga!"

Tinuro ko ang leeg niya na agad nitong kina-alarma. She immediately put all strands of her hair forward and acted like it didn't happen. She even bit her forefinger and looked around the garden as if she's concealing something I know she did. Blessime darted her eyes at me and her cheeks gleamed pink.

"Arte nito, bakuran mo na lang baka iba pa ang gagawa, magsisisi ka," nakangisi kong saad sa kanya.

"Wow, nahiya naman ako sa 'yo. Binakuran ka nga, ang labo naman ng feelings niya sa 'yo," banat niya.

"Ang sarap mong iuntog, lumapit ka nga," pag-aaya ko at suminyas din ang aking kamay na palapitin siya pero hindi niya ginawa. "Hindi mo alam ang nangyari kaya huwag kang assumera na malabo ang feelings niya."

"So, crystal clear na ba?" saad nito. "Wala na bang doubt? Naka-move on na ba talaga? Paano kung hindi tapos ginamit ka lang pala?"

"Itanong mo sa sarili mo 'yan kung ganyan ba si Cyan sa 'yo," agad na saad ko. I swallowed the entire bagel in my mouth to prevent myself from pissing her off.

✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book Two]Where stories live. Discover now