Chapter CVI: Garden

2K 66 28
                                    

MANANG LINDA’S POV:

Kumain kami lahat nang magkakasama ng almusal dahil yun ang sabi ni Gregorio sa aming lahat para aliwin ang anak nya.

Hindi pala makakauwi si Irene ngayon dahil nag-extend daw ito ng panibagong dalwang araw sa Cagayan.

Hindi sang-ayon si Gregorio dahil alam nyang masasaktan ang naghihintay nilang anak na si Thirdy na kay kulit din nitong batang ito.

Laging hanap ang Mommy nya at nagtatampo pa sa aming lahat paghindi napagbibigyan ang kanyang gusto.

Okay lang sana kung pagkain or mga laruan ang hinihingi kasi kaya namin at lalo na ng Daddy nya na ibigay yun sa kanya, pero hindi eh.

Gusto nya puntahan ang nanay nya o di kaya ay tawagan minumunuto at pagdi namin ginawa dahil alam naming hindi talaga pwedeng puntahan ng ganun ka dali ang nanay nito, ayun nagkukulong sa kwarto nya.

Bawal din namin na basta-bastang tawagan si Irene dahil busy ito sa trabaho nya at pag-oorganisa sa mga batang kasama nito.

Simula ng umuwi itong Chanak ay di nya ako pinapansin dahil napagsabihan koi ‘to, eh gusto ko lang naman linawin sa kanya na may mga bagay na dapat di nya ginagawa lalo na ang pagtakas.

Nang nalaman naming nasa critical na kondisyon na pala ang sakit ng bata ay mas hinigpitan na namin sya, pero ewan at bakit natatakasan parin kami.

Sa pagkain nya kontrolado na, sa mga activity nya limit na, yung oras ng tulog nya dapat di lalagpas ng alas nwebe, bawal na din muna sya sa mga matatamis, at mga karne.

Ang daming binawal sa bata nakikinig naman sya pero yung about sa Mommy nya nako ang hirap ipaintindi sa kanya, yun ang problema namin.

Magluluto sana ako eh sinabi ni Gregorio sya nalang daw kaya tumango lang ako kasi tinatamad pa ako ngayon at maglalaba at maggagarden ako mamaya.

Pinaupo lang ako dito kasi daw matanda na ako eh trabaho ko naman ang sa kusina talaga pero relax lang daw ako eh, kaya paupo-upo nalang ako.

“Yung bata gisingin nyo na at kakain na”, sabi ko at nakikita kong patapos na si Gregorio.

“Yeah, call Thirdy now and tell her I cooked her favourite”, ani pa ng tatay nyang tuwang-tuwa.

Si Harry na ang umakyat doon sa bata dahil close naman sila, bali lahat naman close na ng bata pero si Harry may pagka-strikto kasi kaya sya nagpapaamo don sa masungit.

“Everyone have your seats now para pagpasok nya is complete na tayo”, dagdag pa ni Gregorio at naupo na din sa kanyang upuan.

Di naman nagtagal at andito na din ang bata at tuwang-tuwa sa adobo kaya umupo agad ito pero pansin ko sa mata nya na malungkot parin ito.

Naging maingay ang lahat at mukhang tumalab talaga ang plano ng tatay nya dahil naging magiliw ito habang kumakain.

Pumayag din itong magpunta ang tatay nya sa kompanya kasi kinakailangan ng tulong ni Gregorio doon na agad naman itong babalik para sa anak nya.

Nang matapos si Berto ay pumunta muna ito sa garahe para icheck ang sasakyan na araw-araw nyang ginagawa para sa kaligtasan nilang sasakay.

Naghahanda na din si Gregorio at nagpaalam ang anak nito na babalik na sa kwarto nya at dahil tapos na itong kumain.

Ubos naman lahat ng nasa plato nya kaya kampante kaming maayos na ang bata at humalik at yumakap muna ito sa Daddy nya bago umakyat.

Nagpaalam na sila Berto at Gregorio at si Mona na ang maghuhugas kasama nila Hannah at Kath para magawa ko na yong mga ibang awain dito sa bahay.

STAR GAZING AT HER MOONWhere stories live. Discover now