RYLP 3

122 3 1
                                    

Chapter 3

Matagal niya akong tinitigan, parang hindi alam ang isasagot sa sinabi ko. He looked offended with what I've said. Mali ba? O, feeling close ako agad para sabihin iyon?

Baka nainsulto siya?

"K-Kung gusto mo lang naman..." bawi ko.

He licked his lower lips and looked away. Ipinatong nito ang kamay sa malaking salamin at itinuon muli ang atensyon sa mga bata.

"Wag mong hawakan 'yan." sita ko sa kanya.

Mabilis niya naman iyong binawi na umayos na ng tayo, rinig ko pa ang iilang malalalim na hininga nito.

"Ayos na ba ito, para ngayong araw? Bukas na ulit." tanong ko sa kanya, kanina pa ako nagsasalita dito pero parang wala naman akong kausap.

Marahan lang siyang tumango, hindi ko alam kung may nasabi o nagawa ba akong hindi niya nagustuhan.

Bukas, hindi na lang ako magsasalita ng hindi tungkol sa ospital. Baka imbes na matulungan ko siyang makumbinsi, mas makulitan lang siya sa akin at hindi na tuluyang mag invest.

"Yeah..." tipid niyang sagot.

"Sige, uuwi ka na ba? Kailangan ko na rin umuwi." paalam ko, at tinignan ang oras sa relo sa aking palapulsuhan.

His brows furrowed and intently looked at me, I stiffed. Did I asked something offensive again?

"Why? You have other meetings after this?" he asked in a cold voice.

"Ha? Wala na. Uuwi na ako at magpapahinga." paglilinaw ko. Bakit niya tinatanong?

Tumango naman ito at parang nagustuhan na ang sagot ko, nanliit ang mata ko sa kanya. Pero dahil ayokong may iba siyang isipin ay hindi ko na lang sinita at nagsimula nang maglakad.

Sumakay na ako sa elevator para bumalik ng sixth floor, si Cian naman ay bumaba na sa parking. Gusto niya pa akong ihatid, ang sabi ko ay wag na dahil bababa rin naman ako agad.

I changed to my usual attire and grabbed my things, nang makarating ako ng parking ay hinanap ko agad ang sasakyan. Uwing-uwi na rin ako.

Sa di kalayuan ay natanaw ko si Cian na nakasandal sa sasakyan nito. Habang papalapit ako ay napagtanto kong magkatabi lang pala ang sasakyan namin.

Bakit nandito pa siya?

His eyes darted on me as I walked closely, but his gaze went down on my body and eyed me from head to toe. I saw him clenched his jaw and looked away as if he is staring on some intense subject.

I am just walking casually and wearing my usual clothes. A red skirt and white oversized polo dress, and a white sneakers. I also let my long hair down, dahil tapos na rin naman ang trabaho.

Anong problema niya? May problema ba siya pati sa suot ko?

Nakita niya lang ako, nabadtrip na ulit? Baka pati ata paglakad ko at paghinga ko naiinis na siya?

His biceps strained because he is crossng his arms while his left hand was on his chin. His aura became darker as I walked by.

"Mr. Tonjuarez, akala ko umuwi ka na?" bungad ko sa kanya, even if I am annoyed by his little actions I still need to be friendly to him.

Umalis na ito sa pagkakasandal sa sasakyan niya at umayos na ng tayo.

"I was about to." malamig niyang sagot.

"May inaantay ka pa?" I am being nosy again, I can just nod and wave goodbye but I couldn't help but ask.

"Wala na." naglakad na ito at umikot sa driver's seat.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now