RYLP 26

73 3 1
                                    

Chapter 26

Mabilis na lumipas ang mga pangyayari. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ko. Nakita at nakausap ko na rin ang kapatid ko. Ang cute niya. Siya ang nagpapangiti sa akin at nagbibigay ng kulay sa araw-araw ko. Puri siya ng puri sa akin na maganda raw ako, pero magkamukha lang naman kami. Namana niya lang ang mata niya kay papa.

Binalikan lang namin ang mga gamit ko sa apartment, nagpaalam na rin ako sa part time ko dahil ayaw na akong pabalikin doon nila mama. Noong nakaraan nga ay dinala nila ako sa ospital, hindi ko alam saan ilalagay lahat ng gulat na kailangan kong iproseso.

Kilala ko ang Inieno Medical. Bilang isang estudyante na nag aaral ng medtech, pangarap ko rin na makapasok sa tanyag na ospital na ito. Wala akong kaalam-alam, anak pala ako ng may ari.

Nalaman ko na rin ang pangalan ko. Hindi na lang ako si Lyra. Dinala ko ang apelyido nila Nanay Tere dati para makapag aral ako. Wala akong ideya sa totoong pangalan ko. Kaya tinanong ko agad kay mama kung ano ba talaga ang buong pangalan ko.

Lyanah Raili Inieno.

Ako ang panganay na anak ni Lyandre at Devana Inieno. At ang kapatid ko ay si Eanah Devon Inieno.

Isang linggo na akong nag aadjust sa buhay ko. May driver na rin ako papasok. Ayaw akong payagan mag commute nila mama. Kung may pupuntahan ako ay dapat magpaalam muna ako. Naiintindihan ko kahit college naman na ako, dahil alam kong natrauma na sila.

Sinilip ko ang cellphone bago ito ipinatong sa kama. Sabado ngayon at walang pasok. Isang linggo na rin kaming hindi nakikita o nag uusap ni Cian. Ang huli kita naminay ang sinamahan niya akong makita sila mama.

Hindi pa ako nakakapag pasalamat sa kanya ng personal. Sa lahat ng tulong niya. Kung hindi niya ako pinilit tulungan baka hindi ko pa rin kilala ang pamilya ko. Habang buhay ko itong tatanawin na utang na loob sa kanya, at lalo sa Panginoon. Wala na akong mahihiling.

Tinignan ko ulit ang messages ko, kahit ang text ko kela Nanay Tere ay wala pang reply.

Lyra:

Nay, nakita ko na po ang tunay kong pamilya. Tinulungan po ulit ako ni Cian.
Ang bait niya no?
Kinekwento ko po kayo sa mga magulang ko, kapag may oras na raw po ay dadalaw kami sa inyo.
Miss ko na po kayo. Ingat ko kayo ni Tatay diyan.

Si Cian ang nagbigay sa akin ng cellphone number ni Nanay, tinuruan niya raw itong mag cellphone dati. Kaya lang ang baka busy siya kaya hindi niya nababasa.

"Lyra? Ano 'yan?" lumapit sa akin si mama. Binabalot ko ang nabake ko na cupcake. Simula wala na akong part time, kung ano-anong naiisip kong gawin dito sa bahay dahil hindi ako sanay na walang ginagawa. Natuto na tuloy akong magluto at magbake.

Ngumiti ako sa kanya. "Cupcake po. Ibibigay ko sana kay Cian. Hindi pa ako nakakapag pasalamat sa kanya ng pormal." paliwanag niya, bahagyang tumaas ang kilay nito ngunit nginitian nalang ako.

"Ganun ba? Ihahatid mo ba sa kanya 'yan?"

Natigilan ako. "P-Pwede po ba?" alinlangan kong tanong.

"Oo naman, pahatid ka nalang kay Manong. Basta umuwi at wag papalipas ng gabi ha?" pag payag nito, lumapad ang ngiti ko.

"Opo. Salamat po! Papaalam rin ako kay Papa!" sagot ko bago inilagay sa paper bag ang box ng cupcake.

Nakarating na ako sa condo ni Cian. Sabado kaya sigurado akong walang pasok 'yon at baka nasa condo lang. At dahil alam ko naman ang unit niya, tuloy-tuloy lang ako sa pagpunta. Hindi na ako nagpasama kay Manong, at naiwan na lang ito sa sasakyan.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now