RYLP 10

96 3 3
                                    

Chapter 10

Inilagay ko ang napiling prutas sa push cart ko, kanina pa ako namimili rito at hindi ko alam kung saan ba ang mas maganda. Wala naman kasi akong experience sa mga ganito, kung ano lang ang makita ko, ay 'yon lang ang kukunin ko.

Sa hectic ng trabaho ko, parang nasanay akong nagmamadali lagi. Pati tuloy sa pag gogrocery, naaapply ko na.

Sabado ngayon, at nang makita kong wala ng laman ang ref and pantry ko ay dumiretso na ako para mamili ng pagkain. Ayoko palaging nagpapadeliver, ang sabi ng doctor ko ay mas maganda para sa akin ang laging lutong gulay.

Nakayuko ako dahil medyo mababa ang lagayan nila ng prutas, nang makuha ko na ang lahat ng gusto ay umayos na ako ng tayo. Ngunit bago ko pa man maitulak ang push cart, ay may isang kamay ng lalaki na ang tumulak noon.

Nanlaki ang mata ko, at mabilis na nilingon ang lalaki. Mas lalo lang akong nagulat, nang makita kung sino iyon.

Bakit siya nandito?

"Wag mo sabihing mag iinvest ka rin sa groceries? Mall?" sita ko sa kanya, nginisian niya lang ako at patuloy na tinulak ang cart ko.

Sinundan ko siya at sinubukang bawiin ito pero pinigilan niya lang ako. "Ako na Cian, bakit ka ba nandito?"

"I'll do it." pagmamatigas niya.

"Bakit ka nasa groceries? May sadya ka ba rito?" hindi niya naman ako sinusundan ano?

"I was about to do some groceries." sagot niya at busy sa pagtitingin ng mga tinda.

Kumunot ang noo ko, bakit siya ang bibili ng groceries nila? Hindi ba trabaho iyon ng mga kasama nila sa bahay?

"I live alone." saad niya pa na para bang nababasa niya ang isip ko.

"Condo?"

"Yeah."

Make sense, kung mag isa niya ang nakatira, hindi malabong siya rin ang gagawa ng lahat, katulad ko. Napahinto ako ulit at tumingin sa kanya.

"Asan pala ang basket mo? Bakit hindi ka pa bumili ng sayo?" pagtataka ko, dahil ayaw niyang bitawan ang akin.

Tsaka malapit lang ba ang condo niya rito? Bakit sa lahat ng mall at grocery, dito pa kami nagkita?

"I'll just do it next time,"

Huh? Mas lalo lang gumulo ang isip ko sa kanya. Hindi ba iyon ang sadya niya? Bakit bigla nalang nagbabago ang isip!

"Anong sinasabi mo? Nagpagod ka pang pumunta rito, tas hindi ka pala mamimili. Akin na ito, kumuha ka na ng basket mo." binawi ko na sa kanya ang push cart.

Akala ko susunod na siya dahil nanahimik siya, pero hinabol niya lang rin ako at kinuha ulit sakin ang cart. Naaasar ko siyang binalingan, bakit ang kulit ng lalaking 'to?

"I'll do it next time, I'll help you with this. It's heavy." pamimilit niya.

"Kaya ko iyan! Itutulak lang naman!"

"It's still heavy, not good for you. Let's go," katwiran niya, wala na akong nagawa ng hilahin niya ang palapulsuhan ko at naglakad na paalis.

Hay Cian Evander!

"Which do you prefer? Full cream or low fat?" tanong niya habang nakaharap sa mga gatas.

Seryosong-seryoso siya habang namimili doon. Hindi ako sumunod sa kanya, sa huli ay siya rin ang namili ng gusto niya.

Naka krus ang braso sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya. "Sigurado ka bang may sadya ka dito? Hindi mo ako sinundan?" may paghihinala sa boses ko.

Binalingan niya ako at tinaasan ng kilay. Inilagay niya muna ang gatas sa cart bago ako sinagot. "Why would I follow you?" he asked in a sassy way.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now