RYLP 23

62 3 0
                                    

Chapter 23

Pinanood ko ang bawat mga puno nadadaanan namin. Pabalik na kami ng Maynila ngayong araw at pilit kong pinagmamasdan ang tanawin ng Astalier. Baka kasi matatagalan pa ang muli kong pagbalik dito. Mamimiss ko ulit ito.

Ngayon makakaalis ako ng matiwasay at magaan ang dibdib, dahil hindi na ako tumakas, kundi nagpaalam na rin kanila Nanay Tere at Tatay Karyo. Naiiyak pa nga ako kanina habang nagpapaalam. Sobrang gaan ng loob ko, dahil nasigurado ko na ang kalagayan nila Nanay at naayos na ang gusot sa pagitan namin.

Nilalaro ko ang daliri sa salamin ng bintana ng sasakyan, habang abala sa mga tanawin sa labas.

"Did you have fun?" naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Cian, nang ibulong niya iyon.

Nilingon ko siya ng may malawak na ngiti sa labi, hindi ko alam kung nakikita niya iyon pero abot hanggang mata ang saya ko. Sana nakikita niya, kasi sobra rin ang pasasalamat ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako rito. Hindi ako makakabalik, at hindi kami ulit magkikita nila Nanay.

Tumaas ang gilid ng labi nito at sumilay ang munting ngiti, bago ito tumango. "Good, you deserve that happiness Lyra. We can go back here, when the semester break starts." aniya sa malalim na boses, lalo lang lumawak ang ngiti ko.

"Talaga? Salamat Cian! Salamat talaga! Hindi mo ito kailangan gawin, at hindi mo rin obligasyon na tulungan ako pero s-salamat..." naiiyak kong turan sa kanya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Lyra, don't you want to find your biological parents?" pag iiba niya ng usapan, natigilan ako. Nakila Nanay Tere lang ang usapan, umabot na kami ngayon sa mga tunay kong magulang.

Iniwas ko ang tingin. "G-Gusto, pero wala pa akong pera pang hanap sa kanila ngayon... Siguro pag may trabaho na ako." nilingon ko siya. "Hahanapin ko sila."

"We can do that right now, I can help—"

"Cian... sobra-sobra na ang nagawa mo para sa akin. H-Hindi mo ako obligasyon tulungan..." putol ko sa kanya. Gustuhin ko man makita na ang mga magulang ko, ayokong abusuhin ang kabaitan ni Cian.

"I am happy to help, it doesn't need to be an obligation." mariin na sagot nito, alam ko naman iyon. Likas na mabait lang ata talaga si Cian, simula't simula. Kaya minsan pakiramdam ko rin, inaabuso ko na ang kabaitan niya. Pero matalino naman siguro siya para hindi niya hayaang maabuso siya diba? Baka ganito lang talaga siya sa lahat.

"Alam ko naman iyon... pero ang dami ko ng utang na loob sayo. Hindi ko alam paano kita babayaran Cian..."

Lumalam ang mata nito, hindi niya tinanggal ang tingin sa akin at binasa ang ibabang labi niya.

"Just live your life Lyra... live your life freely. That's what I need from you." bakas ang pagkaseryoso ng tono niya, pati ang klase ng titig niya sa akin, alam kong hindi siya nagbibiro. Napalunok ako, ramdam ko ang panginginig ng mga mata ko sa pagtitig ko sa kanya. Habang patagal ng patagal, mas lalong nahuhugot ang buong katauhan ko. Mas lalong lumalalim...

Nagsimulang magwala ang puso ko, hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikasaya o hindi. Dahil sa bawat bilis ng tibok nito, kasama ang paninikip ng dibdib ko. Katulad ng saya na nararamdaman ko ngayon, may kasamang takot at pangamba. Kasi bakit masaya ako ngayon? Alam kong hindi lang ito dahil nakauwi ako ng Astalier, kundi dahil sa lalaking katabi ko ngayon.

Bakit ang simpleng pagtitig ko sa kanya ngayon, nagdadala ng iba't-ibang pakiramdam sa akin? Gusto kong magdiwang... pero may kasabay iyon na takot. Kasi hindi pwede... hindi dapat. Dito lang dapat ako kung nasaan ako ngayon, hindi na ako pwedeng mas lumapit pa.

Dapat alam ko ang posisyon ko, dapat alam ko kung saan ako lulugar. Dahil si Cian, ay malayo ang estado sa akin. Magkaiba ang mundong kinagisnan namin, at kailanman hinding-hindi ko siya maaabot.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum