RYLP 12

71 3 1
                                    

Chapter 12

Nang muli kong iminulat ang mata ko ay isang puting kisame at ilaw ang sumalubong sa akin. Hindi pa ako gumagalaw, sadyang mata ko lang ang dilat at pinapakiramdaman ang paligid.

Ano nga ulit ang nangyari?

Pumikit ko muli upang alalahanin ang nangyari. I had an allergic reaction, I saw Cian then I blacked out. Iyon lamang ang naaalala ko.

Sinubukan kong gumalaw, ginala ko ang paningin sa paligid at nahaligap ng mata ko ang remote para sa hospital bed. Inabot ko iyon, at inangat nang kaunti para makaupo ako.

Doon ko napansin ang dextrose na nakakabit sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyon, baka gamot para sa allergy ko. Lumipat ang mata ko sa malaking bintana, maliwanag na sa labas, ibig sabihin ay umaga na.

Hindi ko na kailangan pang isipin kung nasaan ako, dahil pamilyar ako rito. Nasa isang vip room ako sa Inieno Medical Center. At hindi na rin ako magtataka kung paano ako napunta rito, malamang ay si Cian ang nagdala sa akin.

Cian....

Asan siya? Iginala ko muna ang paningin, at nahagilap muli ng mata ko ang isang lalaking nakaupo sa dulo ng couch, nakakrus ang braso sa dibdib habang nakayuko. Tulog ba siya?

Dito siya natulog? Hindi siya umuwi?

Hindi pa ako nakakaisip ng gagawin nang bumukas na ang pinto at pumasok roon si Stacey. Lumiwanag ang mukha niya nang makitang gising na ako.

"Miss Lyra! Buti nagising ka na!" salubong niya sa akin, lumapit siya sa dextrose ko para tignan iyon.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Wala ka raw malay nang dalhin ka dito kaninang madaling araw." patuloy niya.

Tumango naman ako. "Ayos na ang pakiramdam ko, Stacey." sagot ko, pero ang mata ay nakay Cian pa rin na natutulog.

Sinundan ni Stacey ang tingin ko, bago ito ngumisi nang makita kung sino ang tinitignan ko. Muli siyang bumaling saakin.

"Siya raw ang nagdala sayo, nang dumating raw po kayo kaninang madaling araw, galit na galit siya." tukoy ni Stacey kay Cian.

Nanlaki naman ang mata ko, galit? Bakit siya magagalit? "B-Bakit daw?" hindi ko mapigilan ang mag tanong.

Nagkibit balikat lang si Stacey. "Kasi wala kang malay? O na pa bayaan ka po ata ng attending doctor mo. Iyon ang usap-usapan sa station." paliwanag nito.

Napalunok ako, nagalit ba siya kasi tama siya na may allergy ako at hindi ako nakinig? Dahil hindi naman sinabi sa akin ng doctor ko? At umabot na sa ganito ang nangyari.

"Hindi po 'yan umuwi simula dinala ka niya rito, sabi namin kanina kami na ang bahala sayo. Ayaw pa rin, ayan nakatulog na sa sofa." nilingon niya muli si Cian.

Kumunot ang noo ko, at parang may kung anong init ang dumaloy sa puso ko. Bakit hindi siya umuwi? Hindi niya naman ako responsibilidad. At mas lalong, hindi niya kasalanan ang nangyari, dahil ako ang hindi nakinig sa kanya.

"Galit pa rin ba siya kanina?"

Umiling naman ito. "Noong nasaksakan kana ng dextrose, at sinabi ng doctor na ayos ka na, kumalma naman po. Tapos nun, ayos na rin siya. Ayaw lang talaga umuwi."

Hindi makapaniwala ko itong tinignan. Mahimbing pa rin ang tulog kahit nakaupo, mukhang sanay na siya sa ganyan. Baka ganyan sila sa trabaho niya.

Huminga ako ng malalim. "I think we should wake him up, and tell him to go home. Wala pa 'yang tulog."

"Oo nga, pwede na awardan ng friendship of the year award. Ayaw ka iwan," natatawang komento ni Stacey.

Napa iling-iling na lang ako at kinagat ang ibabang labi.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now