RYLP 40

120 3 0
                                    

Chapter 40

I was already six months pregnant, halatang-halata na rin ang paglaki ng tiyan ko. I promised Cian that this is my last month of working, dahil pag nag pitong buwan ako ay hihinto na ako. Mapilit talaga siya at paulit-ulit niyang pinapaalala sa akin.

Kaya sa huli ay pumayag na ako. Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko, pero ang sabi ni OB ay tuloy-tuloy na rin at baka mabigla ako mahirap na akong gumalaw.

Hindi na nga ako nag pasundo kay Cian ngayon dahil maaga ang uwi ko. Tumawag na lang ako ng driver dahil sigurado busy ang isang 'yon ngayon.

Habang papalapit ako sa elevator ay naging dahan-dahan rin ang paglakad ko, nang makita ang isang babae na nakatayo sa harap lang rin ng elevator ng penthouse. Bakit siya nandito? At may access ba siya para makapasok sa loob?

Maybe my presence made her look in my direction. Her eyes widened the moment it reached mine. But all I gave her was cold and nagging stares.

Kumalas ang pagkakrus ng braso sa dibdib nito at gulat akong hinarap, bumaba ang mata niya sa tiyan ko at lalo hindi na maipinta ang mukha nito.

"L-Lyra..." gulat niyang bungad.

Huminto ako sa harap niya, ilang dipa pa ang layo. "Penelope." malamig kong balik. "May kailangan ka?" bahagyang tumaas ang kilay ko.

Ano naman ang sadya niya sa asawa ko ng ganitong oras? At paano kung hindi ko siya naabutan? Didiretso siya sa bahay namin ng ganun-ganun lang?

She gulped and tried to compose herself. Halatang hindi inasahan ang nakita, o sadyang huli lang siya sa balita?

"N-Nice to see you again... By the way, I just want to meet up with C-Ci,"

Kusang kumunot ang noo ko, wala akong nagustuhan sa lahat ng sinabi niya. Una ang una't huling beses na nag kausap kami, college pa kami. Pangalawa, siya palagi ang laman ng mga rumors kay Cian, pero ni isa wala siyang itinanggi kahit wala namang katotohanan. Pangatlo, 'Ci?'. Talaga lang ha?

Humugot ako ng malalim na hiningi. "Wala si Cian rito. At kung may gusto kang sabihin sa kanya na tungkol sa trabaho, sa opisina ka niya pumunta. Hindi 'yong didiretso ka sa bahay."
Mabilis na nag iba ang timplada ng mukha niya dahil sa sinabi ko, she looked somehow offended.

"We're close so I can come by, that's why. Pero kung wala siya rito aalis na lang rin ako." dumaan na ang lamig sa boses nito, at akmang aalis na nang hawakan ko ang braso niya.

"Sandali.." pigil ko sa kanya.

Bumaba ang mata niya sa hawak ko kaya binawi ko rin ito agad.

"May access ka sa penthouse?" diretso kong tanong.

Natigilan siya at mukhang hindi handa sa naging tanong ko. Hindi ko alam kung paano siya naging artista, pero basang-basa ko ang bawat reaksyon na meron siya. She looked offended, nervous and annoyed.

"S-So, what if meron? I-I mean tatayo ba ako sa harap ng elevator kung hindi lang rin naman ako makakapasok?" she tried to laugh it out.

Nanliit ang mata ko at umigting ang panga ko.

Tumaas ang kilay niya sa akin at buong loob akong hinarap. Ako ngayon ang hindi makapag salita. Parang nakagat ang dila. Pinagkrus niyang muli ang braso sa dibdib at mangha akong tinignan.

"Hindi niya sinabi sayo? O, baka matagal na kasi 'yon. Huling balik ko rito... noong wala ka pang naaalala."

Pakiramdam ko naputol na ang pisi ko. I felt my blood boiling up until my head. My heart was pounding so hard because of anger. Walang pinipiling lugar 'tong babaeng ito. I knew it, the first time I met her I didn't like her guts. Now I know why.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now