RYLP 39

84 2 0
                                    

Chapter 39

"What you did earlier..." bulong sa akin ni Papa.

Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi. Alam ko wala sa lugar o plano ang ginawa ko, pero hindi ako naguguilty.

Patapos na ang event at tapos na rin kaming kumain. Sa isang private room kami pumunta dahil hindi na ako tinigilan ng media. Ibinaba ko ang babasaging baso bago ito hinarao. Si Mama ay panay lang ang pagmamasid sa amin.

"I needed to do it." sagot ko.

"Pero hindi sa ganoong pagkakataon!"

"Will my announcement affect your company's business? Hindi naman Pa, tutulong pa nga iyon para maging relevant tayo! Bakit ba ayaw niyong ipaalam ang tungkol sa amin ni Cian? He didn't cheat on me!"

"Alam ko! Alam namin! It's just that... Kami ang may kasalanan nito Lyra, hayaan mo kami ang umayos." pinilit nitong maging mahinahon.

Kumunot ang noo ko at napa iling-iling sa kanya. "No... this is my marriage so I'll fix this. Hindi na ako bata at wala na akong sakit. Kaya ko na ang sarili ko." buong loob kong sabi.

He narrowed his eyes at me, seeing my father like this made me feel upset about myself. Ayoko siyang saktan, ayokong may masabi akong pagsisisihan ko. Pero walang nangyari noong pinili kong manahimik.

"We are just protecting you as much as we can!"

"Kanino at sa paanong paraan?! Prinoprotektahan niyo ako kay Cian? Asawa ko siya for pete's sake!"

Lumapit na si Mama sa amin dahil panay na ang pagtaas ng boses naming dalawa.

"You two! Stop—"

"He promised me!" his voice thundered around the room, his eyes were dripping like acid but there's a hint of pain.

Parang sinasaksak ang dibdib ko.

"He promised me he will never hurt you! I-I spent half of my life blaming myself because of what happened to you! Kung hindi lang kita sinama ng araw na 'yon! Kung hindi lang ako naging pabaya! K-Kung sana naging mabuti akong a-ama... hindi ka sana nawala..." his voice almost broke, mabilis na tumulo ang luha ko.

Tumalikod na si Mama at pilit na pinipigilan ang pag iyak.

"I resented myself! Wala araw na hindi pumasok sa isip ko kung makikita pa kita o buhay ka pa ba! Noong nalaman ko lahat ng pinagdaanan mo, it crushed me into pieces! You were my princess, I could give you the world!" he stopped mid way, his chest was already moving up and down because of the intense emotion. "Pero kabaliktaran ang dinanas mo!"

Patuloy ang pagtulo ng luha ko, bumukas ang pinto at mabilis na pumasok si Cian. He stopped behind me, lost with what was happening.

"Kaya noong bumalik ka sa amin, I promised myself wala nang mananakit sayo. Wala ng magsasamantala ng kabaitan mo. I would kill if I needed to, wag ka lang masaktan! I appreciate Cian! I really do! Hindi ko nakalimutan na dahil sa kanya kaya tayo nagkita! Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng ginawa niya para sayo dati! But it won't change the fact that he is the reason you almost lost your life!"

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ni Cian. Hindi ito kumibo at nanatili lamang sa likod ko. This is the first time Papa burst in tears like this, ngayon ko lang siya nakitang masaktan ng ganito. O baka hindi niya pinapakita. I always look at him as someone who's strong, inevitable.

Minsan naiisip ko na kung nakakaramdam pa ba siya. May mga kahinaan pa ba siya. Or he just does everything like he pleases.

So seeing him like this is breaking me apart.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Onde histórias criam vida. Descubra agora