RYLP 36

99 3 0
                                    

Chapter 36

"I told you this is going to happen..." ngisi nito sa tenga ko.

Humarap ako at natatawang tumango sa kanya. Pumayag ako sa gusto niyang magpakasal kami matapos ang graduation ko. Intimate lang. Tutal wala naman kaming ibang kamag anak o kakilala dito kaya konti lang rin ang dadalo.

Tapos na ang kasal at sa maliit na simbahan lang ginanap. Sila Mama at Papa, ang mga magulang lang rin ni Cian at ibang mga kaibigan nila ang dumalo. Mas gusto ko rin ng ganito, hindi magulo at tahimik.

Sayang lang wala si Inah, hindi siya makakahabol.

Nasa reception na kami ngayon at ginanap iyon sa isang hotel. Nakapag palit na rin ako sa simpleng puting dress. Nilagay nito ang kamay sa bewang ko habang nakatayo kami.

Pinag uusapan namin ang pwedeng gawin nila Mama at pagdedesisyon sa kasal. Sila ang nag ayos ng lahat at ayaw nila ng basta-basta lang. Kaya kahit konti lang ang bisita, hindi ko maisip ang gastos dahil sa five star hotel pa ginanap ang reception and naka renta ang buong hall.

"My Mom and your Mom won't agree on any simple themes." aniya pa.

Ngumuso ako at patuloy na pinapanood ang mga bisita na nagkakasiyahan. "Alam ko, wala namang kaso sa akin kaya ayos lang." sagot ko.

I felt him pull me closer to him, feeling the warmth of his body. "Me too. I am already thankful they let me marry you this early." he whispered in my ears again. "They are very strict when it comes to you... I didn't expect they would agree that easily." patuloy niya.

Ngimisi ako ng palihim at bumaba ang mata sa sahig. "Mas nakakatakot nga 'yon... kilala mo ang mga magulang ko."

His lips were against my hair. "I know. They'll snatch you away from me if I do something bad."

Natigilan ako at humarap muli sa kanya. "Gagawa ka ba? Ng mali?"

He softly chuckled and cupped my face. "Not in this lifetime." he said before kissing me thoroughly.



My lower back slammed against the counter. He quickly wrapped his arms around my waist and bent over, his nose was on my ear and his hot breath against my cheek.

Sa condo niya na ako tumuloy matapos ang event sa reception kanina. Halos madaling araw na kami nakauwi. Ang ibang mga gamit ko ay nauna nang dinala dito nung nakaraan pa. I bit my lower lip to suppress my laughter.

"There's nothing funny..." he muttered in my ears, I giggled and I felt him inserting his hands under my shirt.

"It looks cute. Hindi naman ako tumatawa." pilit kong pinipigilan ang tuluyang pag tawa.

Hinarap niya ako at pinanliitan ng mata. We almost played hide and seek when I saw his old photo albums. His baby pictures. It looks decent naman, ayaw niya lang ipakita sa akin. He looks so tiny and vulnerable in those, so cute and rare.

"It's just a picture, ba't ayaw mo ipakita?" hamon ko pa, may isa akong naitago sa likod ko kaya hinabol niya ako.

Wala pa kaming tulog dahil nag aayos kami ng gamit at pinagpawisan na ako kakatakbo palayo sa kanya.

"Caden used to laugh at that."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Imbis na sumagot ay hinalikan niya lang ako. I was quick, he is just trying to distract me and take the photo away from my hands.

"You wouldn't want to know..." he uttered against my lips.

Bumaba ang mata ko sa labi niya bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Ang mysterious mo," saad ko.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now