RYLP 34

88 4 4
                                    

Chapter 34

The articles spread like wildfire. Parang paborito na ng mga journalist si Cian at buwan-buwan ata siyang laman ng mga balita. Even the tabloids are talking about him. But I am not even surprised anymore. Based on what I heard from last night, totoo nga na may problema. I was just too afraid to ask him.

He was raging mad. Hindi ko alam kung sino iyong kausap niyang lalaki kagabi, but he is brave enough to piss Cian in that way.

Ang hindi ko lang inasahan ay kakalat agad ang mga balita kinabukasan. I felt so sorry for him. He already had so much on his plate, tapos ay dadagdag pa itong mga walang kwentang balita.

"Miss Lyra, totoo ba 'yong nabasa ko? May problema daw ang J Prime. May nababanggit ba sa'yo ni Sir Cian?" usisa ni Stacey habang kumakain kami.

Natahimik lahat at bumaling ang mga atensyon nila sa akin.

Pasimple kaming nagkatinginan ni Manzi, bumaba ang mata ko sa kinakain at bumuntong hininga. "Wala naman siyang nababanggit." sagot ko.

"Grabe ang mga lumalabas sa social media ngayon, sobrang stress siguro nun. Pero in fairness may oras pa siyang bumisita dito sa ospital kahit hindi niya alam ang gagawin niya."

Napahinto si Arin at pinasadahan ako ng tingin. "Mabuti at magkaibigan pa rin kayo Miss Lyra? Kahit may asawa na pala si Sir Cian." singgit niya, muntik na akong masamid sa sinabi niya. Bahagya akong nataranta bago ito binigyan ng pekeng ngiti.

"Y-Yeah... w-wala namang kaso sa asawa niya." I said under my breath. Bakit naman ako magagalit sa sarili ko?

I also wanted to tell them, but I think this is not the best time.

Making our marriage public at this moment will not be helpful at all. Dadagdag lang iyon sa mga maibabato nila tungkol kay Cian.

Ngumuso si Arin at nilapag ang kutsara, "Ganoon? Ayos lang sa kanya? No offense po ha, pero kung ako ang asawa ni Sir Cian hindi ako papayag na may iba siyang sinusundo na babae tuwing gabi." komento niya pa. Napa tikhim si Manzi bigla.

Pinandilatan ko siya ng mata at hinilot ang sintido ko.

"Wala naman kaming ginagawang masama."

"Kahit na Miss Lyra! Ang luwag naman masyado ng asawa ni Sir Cian! Tapos nasa New York pa siya, hindi niya nababantayan ang asawa niya." balik nito.

Binasa ko ang ibabang labi, nakatuon ang atensyon sa kanya. "Maybe she trust Cian that much,"

"Sus! O baka hindi niya talaga mahal? Baka arrange marriage lang sila? Hindi ba uso 'yon sa mga mayayaman?"

Kumunot ang noo ko sa kanya, humigpit ang hawak ko sa kutsara na gamit.

"Kawawa naman si Sir Cian kung ganun! Hindi man lang siya mahal ng asawa niya tapos hinihila pa siya pababa—hmp!" hindi na natapos ni Arin ang sinasabi niya nang takpan na ni Manzi ang bibig niya.

Natigilan ako at nagtiim ang panga ko. Muling bumaba ang mata ko sa pagkain. Hindi na alam kung saan ilalagay ang tingin. I don't know if I should be embarrassed or mad. If people can clearly see that I am not taking care of Cian that much as his wife, then it must be true...

Wala akong pakialam? Hindi siya mahal?

I mockingly laughed in my head.

"Ang bibig mo! Dapat siniselyuhan!" pigil ni Manzi kay Arin.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo na. Mabilis silang napa tingin sa akin. "Mauuna na ako." paalam ko.

Nagtataka akong sinulyapan ni Stacey. "M-Miss Lyra—"

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum