RYLP 27

68 3 2
                                    

Chapter 27

"Lyra? Lyra!" I opened my eyes abruptly when I heard Manzi's voice from my sleep and reality hit me.

Para akong nakipag habulan at hingal na hingal pagbangon. Taas baba ang dibdib ko at damang-dama ko pa rin ang lakas ng kabog ng puso ko. Katulad ng nasa panaginip ko.

Bumangon ako agad dahilan upang umikot ang paningin ko. My intense dream was brought to reality and I can still feel everything I felt from there. I can still Cian's lips and arms in me.

Pumikit ako ng mariin at napakapit sa gilid ng sofa. Nag tayuan ang mga balahibo ko habang pinoproseso ang lahat ng naalala ko

My body was reacting so much that I couldn't find the strength to think about every memory I've had.

Lumapit sa akin si Manzi at umupo sa harap ko. Bakas ang pag aalala sa mukha nito. "Lyra? Kanina pa kita ginigising! Ayos ka lang?"

Tumango-tango ako habang hawak ang ulo ko. Halos dadaing ako sa sakit na gumuhit doon. Napa awang ang bibig ko sa sakit at nahigit ko ang hininga. Muntik na akong mapa sigaw kung hindi ko na naisip na malalaman ni Manzi ang pagbabalik ng ala-ala ko, kapag nakita niya akong ganito.

Humigpit ang kapit ko sa upuan at doon itinuon ang tinitiis na sakit. Halos maiyak ako sa sakit.

"L-Lyra..." nag aalalang tawag nito. Hinawakan niya ang braso ko para hindi ako tuluyang matumba. "Nagulat ata kita? Sorry." aniya.

Hinila ko siya at ipinatong ang ulo sa balikat nito, mabilis naman niya akong niyakap. H-Hindi ko kaya, sobrang sakit. Sa dami ng pagkakataon na bumabalik ang ala-ala ko, ito ang pinaka malala.

"Lyra sorry..." ulit niya, puno ng pagsusumamo. Hindi ko alam kung para saan 'yon, pero alam kong totoo ang paghingi niya ng tawad.

I was too weak to process everything. How I manage to find my parents. How I admit to my younger self that I like Cian. He liked me too. We've been together...

That explains it. That explains everything he knows about me. How my parents knew about his existence. Kasi siya ang nakahanap sa kanila. Tinulungan niya ako. Simula pa dati, nandyan na siya.

Ilang minuto kaming na tahimik at hinayaan ako ni Manzi na magpahinga at makabawi. Nang bumalik na sa normal ang paghinga ko ay umayos na rin ako ng upo, pinakawalan niya na ako at pinanood ako. Umiwas ako ng tingin at inipon na ang lakas para tumayo.

Nang tumawag ako kay Cali kanina ay nagpahinga lang ako sandali. Hindi ko alam kung nadadalas lang ba na nakakatulog ako sa trabaho, o sinasadya kong matulog para magbakasakali na may maalala ulit ako.

"M-May kailangan ka ba sa akin? O may gagawin ba sa lab? Sorry nakatulog ako." patay malisya kong saad nang makatayo na.

Inayos ko ang uniporme at buhok na nagulo. Tumayo na rin siya sa tabi ko. "Hinanap talaga kita... nag alala ako sayo." sagot niya.

Kumunot naman ang noo ko, ayos naman ako.

"Bakit? Matagal ba akong nawala? Natulog lang talaga ako."

Umiling-iling ito at biglang naging problemado. "Akala ko nakita mo na." bulong niya, pero dahil malapit lang siya ay narinig ko iyon.

"Ang alin?"

Yumuko siya at hinilot ang sintido. "Lumabas na tayo." pag iiba niya at kinuha na ang kamay ko para makalabas kami ng changing room.

Nagsalubong ang kilay ko at naguguluhan siyang tinignan. "Ano nga Manz? May dapat ba akong malaman?" tanong ko pa rin hanggang makalabas na kami.

Wala na siyang kibo, lalo lang tuloy akong nakuryuso. Magsasalita pa sana ako nang salubungin kami nila Arin at Stacey. Katulad ni Manzi ay hindi rin maipaliwanag ang mukha nila. Ano ba ang nangyayari? Natulog lang ako parang may masama ng balita?

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now