RYLP 18

76 3 0
                                    

Chapter 18

"Y-Yes... I'm okay." nalilito kong sagot. Humugot ako ng malalim na hininga at umayos ng upo.

Hindi niya ako binitawan at pinanuod lang ako sa ginagawa. Binasa nitong ang ibabang labi at parang problemadong-problemado. Ang dami niya pang gusto itanong, pero wala na siyang masabi.

"Your memories..." alangan niyang bulong, napa tingin ako sa kanya. May pagtatanong sa mga mata. Hindi ko alam, kung gusto niya bang makaalala na ako, at parang hinihiling niya ngayon na may naaalala na nga ako.

"No. Wala pa." sagot ko, halos hanginin ang sinabi ko. Kakaunti pa lang ang ala-ala na bumabalik sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito, kapag sinabi ko baka umasa siya. Paano kung hindi ko pa rin siya maalala?

Mas mabuti ng ako pa lang ang nakakaalam, ito na rin siguro ang paraan para malaman ko kung sino ang nagsasabi ng totoo, o sino ang hindi. Ito na ang pag protekta ko sa sarili ko.

Marahan itong tumango. "Okay. Let's go home then. You need to rest." mapasensya niyang saad, tumango na ako at tumayo na rin.

Hindi niya na ako binitawan hanggang makarating kami ng sasakyan. Huminto na kami at hinarap ako.

"Ihahatid na kita pauwi, hindi mo kayang magmaneho ng ganyan." paliwanag niya, para lang akong batang oo ng oo sa kanya. Siguro ay wala na akong lakas makipag matigasan pa, at totoo namang pagod na ako.

Kaya siguro ako naka tulog sa waiting area. Bakit ba ako naroon? Inantay ko ba si Cian? Kaya naabutan niya ako doon? Ganoon ko ba kagusto na makita at maantay siyang dumating? Sa waiting area pa talaga ako tumambay?

Umiling-iling na lang ako sa sarili, na balik lang ako sa huwisyo nang hilahin na ni Cian ang kamay ko at dinaluhan ako sa pag sakay sa sasakyan niya.

Ito ang unang beses na sumakay ako sa bently niya. Mas malinis lang ang ayos nito kesa doon sa isang sports car niya, at mas maluwag rin. Siya na ang nagsara ng pinto, at umikot na rin para makapasok.

"Why were you there? Are you that tired? Dapat ay umuwi ka na agad." tanong niya habang nasa daan na kami.

Tinignan ko ang oras sa screen ng sasakyan, 10:00 pm na pala. Kagagaling niya lang sa trabaho?

"Inaantay kita." dumulas iyon sa bibig ko. Bago ko pa mapagtanto ang sinabi ay nilingon niya na ako agad. Nanlaki ang mata ko sa gulat, dahil sa sariling sinabi.

Tinatraydor na rin ako ng sarili ko!

Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi nito, ilang segundo pa itong naka tingin sa akin bago ibinalik ang mata sa daan. Para akong tuod na hindi maka tingin sa kanya, nag init ang pisngi ko at gusto ko nalang lamunin ako ng upuan ngayon!

Kinagat ko ng mariin ang labi. Wala ako sa sarili pag bagong gising, hindi ko dapat siya kinakausap pag ganito!

Napa iling-iling ito, at kinagat ang loob ng pisngi niya para pigilan ang pag ngiti. Lalong namula ang pisngi ko, hinarap ko ang katawan sa bintana at itinuon ang atensyon roon.

"You can just text me, so I will not visit the hospital if you're not there anymore." he answered in an amused tone.

Inamin niya rin na ako nga ang sinasadya niya sa ospital? Kahit malalim na ang gabi at pagod galing sa trabaho? Bakit?

Wag mo sabihing nag invest siya sa ospital dahil rin sa akin?!

"O-Oo, sige..." nahihiya ko pa ring sagot.

Pumikit na lang ako ng mariin, para labanan ang nagwawala kong puso. Hindi ko alam kung dahil sa kilig, hiya o kaba. Ang alam ko lang, ayokong tumingin sa kanya ngayon dahil para niya akong nahuli.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now