RYLP 29

73 3 0
                                    

Chapter 29

Isa sa natuklasan ko tungkol kay Mama, kapag nakapag desisyon na siya sa isang bagay hindi mo na mababago ang isip niya. Sa isang iglap, bigla ko na lang iniwan ang buhay ko sa Pilipinas. Nakapag paalam naman ako kela Manzi, at syempre kay Cian. Pero ang hirap pa rin talaga mag adjust. Lalo pa't unang beses ko itong gagawin. Kasama ko naman sila Mama at Papa, pero iba pa rin talaga. Tapos ay naiwan pa ang kapatid ko. Parehas siguro kami ng nararamdaman.

Cian:

How are you? It's evening, are you already sleeping?

Napa bangon ako sa kama nang mabasa ang text ni Cian.

Lyra:

Hi, ayos lang ako. Bukas ay magpapa enroll na rin ako.
Ikaw?

Mabilis siyang nag reply. Wala atang ginagawa ito.

Cian:

Okay, are you going with Tita?
Take care.
I'm okay baby.

Napa ngiti ako sa sagot niya. Hindi pa ata magandang timing ang alis ko, dahil stress si Cian ngayon at maraming pinagagawa sa kanya. Tapos ay wala ako sa tabi niya.

Kinabukasan ay natuloy na nga ang pagpapa enroll ko. Sinamahan ako ni Mama dahil wala naman akong alam dito. Pero hatid sundo naman ako pag papasok kaya ayos lang. Sa weekend ay ang check up ko, tuloy-tuloy na rin ang session ko pagkatapos nun. Hindi ko alam kung gaano katagal, dahil physical trauma raw ang meron ako. Pero sana madali lang. Sana gumaling ako agad.

"May gusto ka bang puntahan? O bisitahin dito sa New York?" tanong ni Papa habang kumakain kami ng hapunan.

Tumingin ako sa kanya. "Wala naman po. Ayos lang na dito muna ako sa loob ng bahay."

Bumuntong hininga ito. "Alam kong nalulungkot ka pa rin. Kailangan mong magliwaliw para hindi mo maisip na malungkot ka rito anak. Mabilis lang naman ito... at para sayo rin kung bakit tayo nandito." sagot niya, natigilan ako at tumango.

Yumuko ako sa plato ko, naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa kamay kong nasa mesa. Pinilit ko siyang ngitian. Tama naman sila. Para naman sa akin kung bakit kami nandito, gusto lang nila akong gumaling. At bilang magulang ko alam kong gagawin nila lahat para mangyari 'yon.

Hindi lang naman ako ang may naiwan. Iniwan rin nila ang ospital sa Pilipinas para lang samahan ako rito. Malaking sugal rin na narito sila. Pwede naman nila akong ipadala na lang dito, pero sinamahan pa rin nila ako. Kailangan kong maging matatag, at maging mapasensya.

Gagalingan ko para gumaling na ako. At maka uwi na kaming lahat.

Lumipas ang dalawang linggo at iyon ang naging dahilan ko para magpatuloy dito. Nagsimula na akong pumasok at ganoon rin ang check up at therapy ko. Sa totoo lang, pakiramdam ko wala naman akong sakit, kaya hindi ko alam kung mas maganda ba 'yon o dapat akong kabahan, dahil hindi ko malalaman kung gagaling talaga ako.

Nakauwi na ako galing university. Tatlong oras lang ang pasok ko, at dahil wala naman akong ibang pinagkakaabalahan dito ay umuuwi rin ako agad. Dagdag pang may driver ako para ihatid sundo ako. Pag pasok ko ng bahay ay hindi ko inasahan na maaabutan ko sa sala sila Mama. Kadalasan kasi nasa office room sila para magtrabaho.

Online lahat ng gawa nila dahil nasa Pilipinas ang trabaho nila. Ngunit nangunot ang noo ko nang makita ko ang mga reaksyon nila. Dalawa silang nakatutok sa tv, si Mama ay pabalik-balik ang lakad habang ni Papa ay problemadong nakaupo. Ni hindi nila napansin ang pag dating ko.

Bigla akong ginapangan ng kaba. Sa pagkakataon na 'to, alam ko nang may nangyari.

Binaba ko ang bag sa mahabang sofa bago dahan-dahan na lumapit. "Ma? Ano po ang nangyari?" kinabahan kong tanong.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now