RYLP 15

82 3 3
                                    

Chapter 15

I even had to put make up just to cover my swollen eyes. Ni hindi ako kadalasan na nag mamake up ng ganito, kapag may events lang. Pero iba ang araw na ito. Nagising ako na namamaga ang mata ko, at ganoon rin ang buong mukha ko.

Hindi naman ako pwedeng pumasok na ganito ang itsura, lalo na't nabalitaan namin kahapon ang issue ni Cian at Penelope. Malamang ay makukuha nila agad ang dahilan kung bakit namamaga ang mata ko. At hindi ko hahayaang mangyari iyon. Magkatalo-talo na, pero hinding-hindi ako aamin.

Inikot ko ang ulo para maunat ang leeg, medyo nangangawit na ako sa pag yuko rito sa test na ginagawa ko. Naglabas ako ng malalim na hininga, nangangalahati pa lang ang araw ay nakakaramdam na ako ng pagod.

Hindi ko alam pero simula kaninang umaga, ay parang may kakaiba sa pakiramdam ko. Wala naman akong sakit, kaya hindi ko maintindihan pero parang nahihigop ang lakas ko.

"Lyra? Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Manzi, tumango naman ako sa kanya.

Oo ayos lang, ayos na ayos.

"May nararamdaman ka ba? Magpahinga ka kung pagod ka." abiso niya sa akin, alam niyang hindi pwedeng nasasagad ako sa pagod.

"Ayos lang Manz, medyo mabigat lang ang pakiramdam." sagot ko at nagpatuloy na sa ginagawa.

Narinig ko ang pag buntong hininga nito, nagpatuloy na rin ito at hinayaan na ako. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba siya, pero kung oobserbahan niya ako ay malamang malalaman niya agad ang dahilan kung bakit ako ganito.

Natapos na ang shift ko, at nakayanan ko namang tapusin lahat. Isa lang sa maganda pag ganito ang pakiramdam ko ay nakakapag pokus ako sa trabaho. Dahil mas gusto kong may ginagawa ako, para hindi natutuon doon ang isip ko.

Halos hilahin ko na ang sarili palabas ng changing room, nang makalabas ako ay kusang napako ang paa ko sa kinatatayuan nang makita kung sino ang nag aantay sa labas.

Nakapamulsa itong nakatayo sa may hallway, parang may inaantay. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay nilingon niya agad ang direksyon ko. Mabilis akong umiwas ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa doorknob at nagtiim bagang ako.

Inipon ko lahat ng natitirang lakas at naglakad na para lampasan siya. Wala akong lakas para makipag usap sa kanya ngayon, at pakinggan lahat ng mga palusot niya. Wala ako sa mood para makipaglaro ngayon.

"Lyra." mahinahon niyang tawag sa akin nang lampasan ko siya, pumikit ako ng mariin nang kusa rin na huminto ang paa ko.

Ano? Akala ko ba gusto ko ng umuwi at wala akong lakas para harapin siya. Bakit gusto ko pa atang marinig ang mga sasabihin niya?

"Are you going home?" tanong niya, ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Kaya tinuloy ko na ang paglalakad para iwasan siya.

"Oo." malamig kong sagot.

Pumasok na ako sa elevator at sumunod ulit siya, wala talaga siyang ibang sadya rito sa ospital kundi ang pag laru-laruan ako ano?

"I couldn't call you for the past three days, I'm sorry." panimula niya ng magsara ang pinto ng elevator, nasa tabi ko lang siya at hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Hindi naman ako nagtatanong.

"I know I said I will call you." tuloy niya, alam niya sigurong hindi ko siya kikibuin.

Alam mo pala, o ngayon mo lang naalala dahil hindi mo na kasama si Penelope?

"I was in Palawan." Humalukipkip ako, malamang alam ko hot trending kayo. "It was for work, I didn't know that Penelope was there. I was in a hurry that I didn't even check that there's a typhoon when I arrived."

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now