RYLP 11

80 3 0
                                    

Chapter 11

Another week went by at simula na ulit sa trabaho, dumating ako ng tama sa oras at maaga rin na nagsimula sa mga gagawin.

I was smiling brightly when I entered the hospital, ang liwanag na nang gagaling sa labas at ang sikat ng araw sa aking balat ay nagpabuhay sa akin. How come I only noticed these things right now? Even the clouds looks perfectly in placed in the sky.

My day was bright unlike before, dull and suffocating. I don't know what happened, or what happened to me, but I feel refreshed and energized. It felt like a new beginning.

"Miss Lyra, kanina ka pa naka ngiti, may maganda ata na nangyari?" tanong sa akin ni Arin, I am fixing some papers here at the counter.

"Talaga ba? Kanina pa ako naka ngiti?" napatigil ako sa pag bubuklat ng papel.

Tumango ito sa akin at pumalumbaba sa counter. "Ang blooming mo po," mangiti-ngiti niyang sagot.

I bit the insides of my cheeks, and looked away. Maybe I looked too happy? But what is my reason to be happy?

Pero kailangan ba may dahilan? Hindi pwedeng magaan lang ang araw ko?

"Wala namang nangyari Arin, baka nagbago lang ang ihip ng hangin." sagot ko.

"Balitaan mo na lang kami Miss Lyra, pag may good news na." makahulugan niyang sabi, kumunot naman ang noo ko.

Parang may ideya siya sa nangyayari, pero hinahayaan lang akong magsabi noon.

"Wag mo nang guluhin si Miss Lyra, bumalik kana sa trabaho mo Arin." lumapit sa amin si Stacey.

"Wag na nating i-jinx! Go with the flow lang!" natatawa niyang sabi.

Lalo akong naguluhan sa kanilang dalawa, umiling-iling na lang ako. Are they talking about me and Cian? Nothing's going on between us though.

"Morning," nilapitan kami ni Manzi sa likod ko, na kararating lang rin.

"Morning Manz!" balik ni Stacey.

"Late ka ngayon." sita ko sa kanya, ngunit bumaba ang mata ko sa kamay niyang may hawak na helmet.

"Nag motor ka?" hindi ko napigilan ang magtanong.

Tumango ito, "Oo, kakakuha ko kahapon."

Kumunot ang noo ko sa kanya, hindi naman siya hasa mag motor. "Bakit naisip mo mag motor? Delikado 'yan, ang layo pa ng bahay mo."

"Mas madali mag motor papasok, kesa mag commute." sagot niya at inangat ang helmet na hawak niya. Mukha iyong mabigat, matapos noon ay naglakad na siya papasok ng changing room.

"Alam mo, parang may nagbabago kay Manzi. Pansin niyo ba?" si Stacey, napatingin naman ako sa kanya.

"Miss Lyra, hindi pa ba nagkaka girlfriend si Kuya Manzi kahit noong college? May itsura naman siya, pero wala akong nababalitaang meron." nahihiwagahang tanong sa akin ni Arin.

Kahit ako ay hindi ko alam, kaya wala rin akong masasagot. "H-Hindi ko maalala, pero pansin ko rin may pagbabago kanya ngayon."

"Baka naman may jowa na siya? Kaya ilang na siyang gumalaw ngayon."

Napataas naman ang kilay ko doon, girlfriend? Wala naman siyang binabanggit sa akin, at baka hindi niya sasabihin sa akin kung meron?

Nagsimula na ang araw namin, at dahil lunes ngayon ay medyo busy sa trabaho. Ang break lang namin ay literal na lunch break tapos ay diretso na agad ulit sa trabaho.

Tinawagan lang ako ni Daddy kanina para mangamusta, dahil rin siguro hindi ko sila masyadong nakakausap at hindi na rin ako nakakabisita sa bahay.

I said I am fine, tinanong ko ang kapatid ko kung kailan balak umuwi at ang sagot niya lang ay wala pa siyang balak. Ilang taon ko lang siya nakasama, kung hindi siya ang nasa Pilipinas ay kami naman ang nandito at siya naman ang nasa ibang bansa. Hindi ko alam sa batang iyon kung anong balak niya, at ayaw pang umuwi.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now