RYLP 19

73 3 0
                                    

Chapter 19

Iyon na ang huling pagkikita namin ni Cian, natapos ang bakasyon na hindi na ulit nag krus ang landas namin. Ang nabalitaan ko ay umuwi sila agad, at biglaan iyon. Kaya siguro bigla na lang siyang nawala matapos ang araw na 'yon. Ni hindi ko na siya nakita sa plaza para maglaro o sa dagat.

Napaka bilis lumipas ng panahon, at ang napag usapan namin ni Cian ay magaganap na nga. Muling gumapang sa akin ang takot at kaba na ilang taon ko nang tinatago. Sa harap nila Nanay, ay hindi ko ipinapakita na hindi ko ito gusto. Pero, sa loob-loob ko, kung pwede lang akong tumanggi ay gagawin ko. Kung pwede lang na takasan na nagbabadyang responsibilidad sa akin ay tatakbuhan ko.

Hindi ko ito gusto, ayaw kong sumunod sa gusto nila. Eighteen lang ako, pero ako ipapakasal sa lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakita? Hindi ko man lang kilala. Paano ang pag aaral ko? Mag cocollege pa lang ako, paano kung ikulong lang nila ako sa bahay at hindi payagan paaralin? Paano ako makakapag tapos? Paano ko mahahanap ang mga magulang ko?

Iniisip ko, mas mahalaga ba talaga kaysa sa akin ang mga lupain? Ipamimigay nila ako dahil wala silang maipangbabayad, pero bakit ako? Wala ba akong sariling buhay at mga desisyon?

Pinaka mahigit sa lahat, natatakot ako. Natatakot ako sa lalaking ipapakasal sa akin, bata pa ako at hindi ko alam kung ilang taon na siya. Paano kung maabuso siya? Hindi ko kayang isipin kung ano ang pagdadaanan ko sa kanila.

Humugot ako ng malalim na hininga, masakit ang nakabara sa aking lalamunan. Pinilit kong pigilan na tumulo ang mga luha, baka mapansin nila na umiiyak ako at magtaka ang mga tao bigla. Inayos ko na ang mga gulay na nabalatan at nahiwa na, handa na ito para isahog at iluto.

Naghahanda na sila Nanay Tere at Tatay Karyo para sa kaarawan ko bukas, dahil pagsapit ng kaarawan ko ay hindi na ako menor de edad. Magkakaroon ng medyo malaking salo-salo bukas, inimbita nila ang halos lahat ng kakilala nila sa Astalier. Dahil debut ko nga raw ito, kaya ang ibang mga malalapit sa amin, mga kamag anak at kapit bahay ay tumulong sa paghahanda ng mga pagkain bukas.

Nagpakatay pa nga sila ng baboy at baka, para lamang sa kaarawan ko. Pinaghandaan at ginastusan talaga nila ito, bulto-bulto rin ang mga gulay na gagamitin sa mga ulam. Tradisyon na rito na pag may salo-salo, tulong-tulong ang mga taong maghanda.

Kaya ngayon at tumutulong rin ako sa paghihiwa ng mga gulay at iba pang isasahog, bukas bago pa nga sumikat ang araw ay magsisimula na raw silang magluto ng mga putahe. Iba't–ibang mga luto, hindi ko lang alam kung gaano karami iyon dahil sila Nanay ang nagplano.

Basta kakayanin na akumudahin ang halos isang daan katao, na maaaring pumunta bukas. Kaya maraming tao ngayon dito sa bahay, nagkalat sila sa bakuran. Mayroon pang malaking tent, na inilagay kanina para bukas. Dapat ay excited ako, o natutuwa man lang, pero wala akong maramdaman na kahit anong ganoon ngayon.

Ang tanging bagay na nag papa bagabag sa akin, ay ang takot. Na sa bawat pag lapit ng oras, sa handaan bukas ay darating na ang mga Adente. At bukas na bukas ay susunduin na nila ako, pagkatapos ng handaan. Iuuwi na nila ako sa kanila, para ikasal sa anak nila.

Kaya wala akong nararamdaman kahit anong saya, sobrang bigat ng loob ko. Na kahit sa paghihiwa ng gulay ay naiiyak ako. Ayoko nito, ayoko ng lahat ng ito.

"Lyra." natigil lahat ng pag iisip ko nang tawagin ako ni Nanay sa likod ko, lumingon ako sa kanya.

Pinilit kong ngumiti man lang, pero nag mukha lang iyong pilit. Hindi ko kayang itago sa mukha ko, ang pagkabalisa ko sa mga nangyayari. Bumuntong hininga siya, at tinignan ako ng nakakaawa. Hindi alam, kung naiintindihan niya ba ang kalagayan ko, at naaawa siya ngayon.

Lumapit siya sa akin. "Anak, wag ka nang mag pagod rito. Magpahinga ka na sa kwarto mo, hayaan mo na sila Tiya Maris mo diyan." tukoy niya sa ginagawa ko.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now