RYLP 38

90 3 0
                                    

Chapter 38

He finally convinced the board of directors. Hindi ko alam paano niya iyon nagawa sa loob ng isang linggo. At his level pwede na siyang maging sales man. And as he promised uuwi kami after one week, hindi lang dahil gusto ko pero kailangan na talaga.

It's the Inieno Medical's Anniversary. Hindi pwedeng wala ako. Lalo pa't nauna pa akong pagawan ni Mama ng gown kesa sa kanya. Gusto niya handang-handa ako, kaya hindi pwedeng wala ako roon. Kung kailangan pang bumalik ni Cian sa New York, pwede ko naman siyang samahan na lang ulit.

I hitched my breath when Mr. Tanerro pulled the cloth behind me. Nawala ang mga iniisip ko at muling napa tingin sa sarili sa salamin. I stared at my body in the full sized mirror. Bumalik na ako sa boutique para sa fitting ng gown na susuotin ko.

"We can adjust it and make it more fitted, gusto mo ba?" tanong nito sa aking likod.

I wet my lips and shook my head. "No, paki luwagan po sa lower part." I answered.

He stopped and looked at me in our reflection in the mirror, nagtataka. "Are you sure? Mas maganda kung hapit sa katawan mo ang buong gown." alangan niyang sabi.

"I am more comfortable with this. Actually paki luwagan pa po." pamimilit ko.

Problemado niya akong tinignan, makalipas ang ilang segundo ay labag sa loob rin itong tumango. Bumuntong hininga siya at binitawan na ang likod ng gown ko.

I held the upper part para hindi ito malaglag dahil bukas ang likod.

"Utos ba 'yan ni Mr. Tonjuarez? Siya naman ang namili ng cuts ng gown mo ah. By the way, mag isa ka lang ngayon?" usisa niya habang may hinahanap na pins sa gilid.

I watched him in the mirror. "Wala siyang sinabi, desisyon ko rin ito. At busy siya, kaya ko naman pumunta mag isa."

He shrugged his shoulders and called for his assistant already. "Good to know hindi siya masyadong mahigpit, itsura niya palang parang hindi ka na palalabasin ng bahay," pagbibiro niya.

I just laughed with him and let him continue his work.

Nag antay pa ako ng ilang oras bago ulit naisukat ang gown. When I already agreed with the fitting and design ay umalis na rin ako.

Cali called me and she wants to talk to me in person. I couldn't help but obliged to everything that she said, dahil siya naman talaga ang tumutulong sa akin palagi. At sa pagkakataong ito mukhang may impormasyon na naman siyang nahanap.

I walked inside the restaurant. The interior was very classy and also a hint of vintage, black and brown. The big glass call made the whole place bright, because of the natural sunlight.

Ngumiti ako sa kanya nang mahanap ko siya. Nang makalapit ako ay doon ko lang napansin na wala siyang dalang kahit na anong pang trabaho niya, hindi rin siya naka formal attire.

Wearing a sage green sleeveless flowy dress, she waved her hand at me. Ipinatong ko ang handbag sa mesa at umupo sa harap niya. Ginawaran niya lang ako ng matamis na ngiti.

"Hi, no work today?" bungad ko at inayos ang upuan.

Umiling siya. "No. I resigned from the firm."

Nanlaki ang mata ko sa kanya at hinarap siya ng mabuti. She worked hard to be in that firm, bakit siya umalis?

"What? Why?" hindi makapaniwala kong sabi.

Bumuntong hininga siya at pinaglaruan ang menu sa mesa. "Babalik ako ng Astalier."

Lalong nangunot ang noo ko. "Babalik? Galing ka doon?"

Umiwas siya ng tingin, para bang may tinatago sa akin. "Y-Yeah... six months. Last year." halos ibulong niya ang sagot.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now