RYLP 8

87 3 1
                                    

Chapter 8

I was not expecting that.

Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig. Hindi ako nakapag salita agad dahil hindi rin naproseso agad ng utak ko ang sinabi ni Daddy. I felt hallucinated by his powerful and manipulating gaze. My world suddenly stopped as I tried to stare back at him.

"Lyra?" Dad called me.

"You met Ceo Tonjuarez right? Just call him... Cian..." habol niya pa.

Naiyukom ko ang kamao at pilit na hinigit ang hininga.

"Yes, I know him... Dad." sagot ko nang makabawi.

Pinilit kong lumingon kay Daddy para lang maputol ang tinginan naming dalawa. Tahip-tahip pa rin ang tibok ng puso ko, nag tagis ang bagang ko at yumuko para itago pag sikip ng aking hininga.

Muli, hindi dahil sa kung anong ibang dahilan, kundi dahil sa inis at mga emosyon na ilang araw kong naipon dahil kay Cian.

"That's good, I called you to meet him already. Kailangan niyo na rin, magkalapit..."

Kumunot ang noo ko, pero hindi ko na rin pinansin si Dad. I don't know what he meant by that, but that's not important to me right now. Ramdam ko ang panonood at pagbantay niya sa mga galaw ko, at pakiramdam ko nasosuffocate na ako.

Pasimple akong tumingin sa relo sa aking palapulsuhan. "Dad, can I go already? I have things to do." paalam ko.

Gusto ko nang lumabas.

Ilang segundong napa tingin sa akin si Dad, mukhang hindi inasahan ang mabilis kong pagpapaalam. Ngunit tumango rin kalaunan.

Tumayo na ako agad. "Thank you Dad, I'll go now. Mr. Tonjuarez..." baling ko sa kanya.

Sinalubong niya ang tingin ko at tumango lang rin, hindi na ako nag sayang ng oras at naglakad na palabas.

Habang naglalakad palayo ay rinig ko ang pagbukas at sara ng pinto sa office ni Daddy. Kinagat ko ang pang ibabang labi, ramdam ko ang pag sunod niya sa likod ko. Hindi ko siya nilingon o tinapunan manlang ng tingin. Diretso lang ang lakad ko, kahit alam kong alam niyang ramdam ko ang pag sunod niya sa likod ko.

Hindi rin naman siya nag salita, kaya bakit ko pa siya lilingunin. Isa pa, kailangan ko munang iproseso ang mga nangyari. Ilang araw kong tinatak sa utak ko na hindi na siya babalik, at hindi na kami magkikita ulit. Na sayang rin ang mga oras na nilaan ko para sa kanya. Tapos ngayon ay babalik siya, na parang wala lang. Nagbago ulit ang isip niya tapos ay ganun-ganun na lang?

Tapos na ba siyang magbigay ng oras sa girlfriend niya at umuwi na siya?

Dumiretso na ako sa elevator at sumunod pa rin siya sa akin. Nang sumara ang pinto ay parang nagsisi akong pumasok ako agad ng elevator. Sana ay nag hagdan na lang ako!

Nakatayo ito sa gilid ko, ang matapang na pabango nito ay dumapo sa ilong ko. Napa pikit ako ng mariin. Hindi naman kami ganoon kalapit, pero nabalot pa rin ang pang amoy ko ng kanyang panlalaking pabango. Ilang beses lang kaming nagkasama, pero saulo ko na ang amoy niya. Parang kahit nakapikit ay pamilyar na sa akin iyon.

I feel like I already mastered and familiarized it.

Napa dilat ako agad sa naisip, what did I just say?

Naiyukom ko ang kamao, at tiniis na lang ang ilang minuto na magkatabi kami.

Pagtunog ng elevator ay mabilis akong naglakad para makabalik agad sa lab. Iniwan ko siya roon, pero dahil mas mahahaba ang binti niya sa akin ay kahit anong bilis ng hakbang ko ay madali niya akong nahabol. Ayoko namang tumingin sa likod kaya hindi ko makumpirma kung siya pa nga ang naglalakad sa likod ko.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Место, где живут истории. Откройте их для себя