RYLP 30

97 3 1
                                    

Chapter 30

Ngayong araw ang graduation ni Cian. Sayang lang at hindi ko siya mapapanood mag marcha. Umuwi rin sila Tita Anica at Tito Wancho para samahan siya, pero ang alam ako ay mauuna rin silang umuwi dahil hindi pwedeng maiwan ng matagal si Caden.

Baka susunod na lang si Cian ng balik dahil may mga aayusin pa siya sa Pilipinas. Diretso na rin ata ang internship niya sa J Prime. Tuloy-tuloy ang trabaho niya kahit katatapos mag graduate. How I wish madala ko man lang siya sa isang bakasyon kahit ilang araw lang.

Nag unat ako sa pagkakaupo habang nakikinig ng klase. Next week ay finals ko na at gagraduate na rin ako. Sana lang tuloy-tuloy na ang pag recover ko, at ganun rin si Caden para makauwi na kaming lahat.

Nawala ang mga iniisip ko nang biglang umilaw ang cellphone ko, binuksan ko ito at agad akong nagtaka kung bakit biglang nag text si Adder ng ganitong oras. Kaibigan ko pa rin naman siya at nangangamusta rin paminsan-minsan. Nakakapagtaka lang dahil gabi na doon ngayon.

Adder:

Lyra may nangyari ba sa inyo?
Tapos na ang graduation namin btw
Nakita ko kasi na sabay umalis ng campus si Cian at Penelope
Are they together now?

Kusang napa bangon ako sa pagkasandal habang paulit-ulit na binabasa ang text ni Adder. Si Cian at Penelope? Mabilis akong nag check kung may mga messages ba sa akin ni Cian. Wala.

Biglang kumabog ang puso ko. Sa dami ng estudyante sa Monroane malamang gabi na talaga matatapos ang buong event. Sabay silang umalis? At bakit walang update sakin si Cian kung tapos na pala?

Huminga ako ng malalim bago nag isip ng marereply kay Adder.

Lyra:

Pwedeng paki update ako kung makita mo sila?
At oo, kami pa.

Sinubukan kong tawagan si Cian kahit nasa gitna ako ng klase. Hindi siya sumasagot. Patay ang telepono. Bakit nagpapatay ng telepono?!

Inulit ko ulit, hanggang sa maka limang missed calls na ako. Wala pa rin. Pinasada ko ang daliri sa buhok habang panay ay tapik ko ng paa sa sahig. Hindi ako mapakali, natataranta ako.

Sinubukan ko siyang itext at baka mabasa niya.

Lyra:

Tapos na pala ang graduation niyo?
Kamusta?
Tired?
Call me back kapag nakita mo 'to.

I don't usually demand things from him. Kahit sa mga ganitong bagay hindi ako maselan. Pero iba ngayon. Iba ang pakiramdam ko ngayon at kailangan ko siyang makausap ASAP. Ayoko siyang pag isipan ng mali, pero tuwing nadadawit si Penelope hindi ako mapakali.

Hindi na ako halos nakinig sa klase. Hati na ang atensyon ko. Buong araw ay para akong may kailangan habulin na hindi ko mahabol-habol. Hanggang pag uwi ko ay iyon ang nasa isip ko. Nakabihis na ako lahat-lahat ay panay pa rin ang bantay ko sa cellphone ko.

Mariin ang titig ko dito habang nakaupo ako at nakapatong iyon sa mesa. At halos mapa igtad ako nang umilaw iyon ulit. But the anticipation died down when I saw that it was just Adder.

Adder:

Sure! No prob Lyra I got you!

Pinatay ko na ang cellphone at hindi na siya nireplyan. Padabog ko itong binalik sa mesa.

Time check. 10:00 pm.

Lyra:

Are you home?
Gising ka na ba?

I tried to call again pero walang kahit anong sagot. Ten missed calls.

Humiga na ako sa kama habang nakatitig sa kisame. I shouldn't suspect him. Ayokong hayaan na malason ang utak ko ng mga naiisip ko. Sinusubukan kong labanan. Cian has been good to me all this time. Mag aapat na taon na kami. Wala naman siyang ginawa na ikakahinala ko.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now