RYLP 21

82 4 1
                                    

Chapter 21

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, nang matapos iyong sabihin ni Cian ay wala ng nagtangka pang magsalita ulit. Kumalat ang init mula sa aking dibdib hanggang sa aking sikmura, ilang beses lang kaming nagkita dati, pero nang magtama ang mga mata namin ngayon ay para akong nakaramdam ng pamilyaridad.

Parang ang tagal ko na siyang kilala, parang ilang taon kong hindi nakita ang isang taong malapit sa akin. Sa ilang minutong iyon, nakaramdam ako ng kapahingahan sa gitna ng nakakapagod at magulong paligid.

"Huh? Anong sinasabi mo Van?" sa wakas ay nagsalita na ulit si Ross.

Ngunit parang hindi ito narinig niya Cian, tumuloy ito sa paglalakad at ganun na lang ang pagkabog ng puso ko nang lakbayin nito ang pagitan namin. Nanlaki ang mata ko nang huminto siya sa harap ko, ni hindi nito tinanggal ang sulyap sa akin simula kanina. Para akong lang ang nakikita niya.

"C-Cian?" kabado at nahihiwagaan kong sabi.

Imbis na sumagot ay sumilay ang munting ngiti sa labi nito, biglang nawala ang pagkaseryoso niya na nagpakaba sa akin kanina.

"Cian? Cian? Kilala ka niya Vander?" komento sa gilid namin ni Ross, naguguluhan na.

"Yes this is Cian, Lyra..." tugon nito sa akin, at hindi pa rin pinansin ang kaibigan. Parang may kung anong nabuhayan sa akin, at lumiwanag ang mukha ko. Tumuloy sa pag ngisi ang labi nitong naka ngiti, ngunit nawala rin iyon agad dahil lumapit pa sa amin si Ross.

"Ano 'to? Anong nangyayari? Childhood sweethearts ba kayo na ngayon lang ulit nagkita?" singit niya sa amin, pinang mulahan ako ng mukha kaya umiwas na ako ng tingin.

Doon lang bumaling sa kanya si Cian, at parang napipikon na sa kakulitan ni Ross.

"Will you stop Xanross?" sita niya rito, salubong na ang kilay. Umiral na muli ang pag susungit nito, umatras naman agad ni Ross at nanahimik na.

Nilingon niya ako ulit at halos malaglag ang puso ko nang hawakan niya ang pulso ko. "Let's talk outside," saad niya sa akin, malayo ang tono sa pakikipag usap kay Ross. Tumango na lang ako, dahil nagsimula na siyang hilahin ako palabas ng silid.

Pinapanood kaming maglakad ng lahat ng tao roon, napalunok ako at yumuko na lang. Ramdam ko ang init ng paninitig nila, bigla tuloy akong ginapangan ng hiya. Siguro ay naguguluhan na sila, at bigla na lang akong hinila ni Cian palabas.

Hindi niya ako binitawan ng makalabas na kami, tuloy-tuloy lang ang lakad namin hanggang sa makaabot kami sa isang balcony sa gilid ng hallway. Hinila niya akong muli para pumunta roon, tahimik at walang tao.

Doon niya lang ako binitawan, hinarap ko siya at ganoon rin siya sa akin. Nagwawala ang puso ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o pagkagulat pa kanina. Ilang taon ko siyang hinanap, ilang beses kong hiniling na magkita na kami ulit. Pero mailap ang pagkakataon, kaya ngayon na nasa harapan ko na siya ay para akong nananaginip. Parang dala ni Cian lahat ng kasagutan ko sa buhay, na sobrang saya ko ngayon na nakita ko na siya.

"K-Kamusta ka na?" bungad ko, kinakabahan pa rin.

Umangat ang gilid ng labi nito, at lumambot ang ekspresyon ng mata. "I'm doing good, how about you? How's two years of living alone?" balik niya sa malalim at buo na boses.

"A-Ayos naman, kinakaya naman. Hindi ko inasahan na dito ka rin nag aaral, a-ang tagal na kitang hinahanap. Matapos iyong paghatid sa akin ng security rito, wala na akong nabalitaan tungkol sayo." tuloy-tuloy kong turan, kahit tahip-tahip ang puso ko ay hindi ko mapigilan ang magsalita ng magsalita. Ang dami kong gustong sabihin.

Tumaas ang kilay niya, "Hinanap mo ako? Matagal na?" bakas ang pagkamangha sa boses niya, parang hindi iyon inaasahan.

"Oo! Hinanap kita sa internet, sa social media pero wala akong nakita. Puro mga fake accounts lang..." nanghina ang huli kong sinabi nang mapangtantong nadulas ang lahat sa dila ko. Napalunok ako at kinagat ang ibabang labi, mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now