RYLP 9

89 3 2
                                    

Chapter 9

"Mr. Tonjuarez... if you want to get a contact from the hospital, ask Chairman Inieno's secretary." mahinahon kong sagot at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Pinaandar ko na iyon at umalis na, hindi ko na inantay pa ang isasagot niya.

Bakit kailangan pa? Pinaglalaruan niya ba ako? Sa lahat ng itatanong niya number ko pa talaga, kung gusto niya ng updates about the hospital hindi niya sa akin makukuha iyon.

Maliban doon, wala na akong ibang alam na dahilan para hingin niya ang number ko.

Kinabukasan ay nagtaxi lang ako papasok dahil coding ang sasakyan ko, medyo malalate na nga ako dahil hindi ako masyadong nakalaan ng mas mahabang oras.

Sa ground floor ako dumaan. Sakto naman na pag pasok ko ngunit kusa akong napahinto sa paglalakad, nang makita ko ang kumpulan ng mga tao sa gitna. Kumunot ang noo ko, ang aga-aga bakit may commotion rito?

Lumapit ako para makita mabuti kung ano ba iyon. Nanliit ang mata ko, nang maaninag na ang pinagkakaguluhan ng tao ay isang babae.

Matangkad at payat, nakasuot ito ng asul na bistidang hapit na hapit sa katawan. Mukha siyang pamilyar. Natigil ako sa paglalakad nang mapagtanto sino iyon.... Penelope?

'Yong artista, ang girlfriend ni Cian?

Hindi ko namalayan na kusa na pala akong nadala ng mga paa ko papalapit sa kanya. Ngayon na nakita ko na siya ng personal, mas mukha siyang pamilyar. Parang hindi ito, ang una naming pagkikita.

"Penelope?" I called her unconsciously. I think I said it louder than I expected, because when she heard my voice she quickly froze.

Mabilis niyang nahanap ang mata ko, at nang magtama nang tuluyan ang mga mata namin ay parang huminto ang mundo ko. Parang may dumagan sa dibdib ko. Parang kahit ako, ay natuod sa kinatatayuan ko.

Nanlaki ang mata niya, at umawang ang bibig nang makumpirma niyang ako iyon. Kilala niya ba ako?

Why would she react like that, if she doesn't?

She was about to call me, or say something.

"L-Ly—"

"Penelope." A familiar baritone voice cut her off.

Mabilis na nabaling lahat ng atensyon kay Cian, ni hindi ko namalayan na nandito pala siya.

He is standing outside the crowd, opposite of my direction. His voice was so cold, but his eyes right now are burning, like something triggered him. And he is trying to control his reaction.

"C-Cian!" utal na tawag ni Penelope, mukhang kinabahan nang makita si Cian.

Cian clenched his jaw, and I saw how he tightened his fist. "Follow me." he said with so much authorization, before walking out.

Sandaling bumaling sa akin si Penelope, bago naglakad at sinundan si Cian. Naiwan ako roon at pinanood silang makalayo, hanggang maglaho sila sa paningin ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko, na hanggang ngayon ay mabigat pa rin.

What was that? Who is she? Bakit mukhang kilala niya ako?

At bakit siya nasa Pilipinas? Akala ko ba nasa New York siya? Sabay ba silang umuwi si Cian? At sabay rin pumunta rito ngayon sa ospital?

Baka gusto niyang ipakita sa girlfriend niya ang ospital, pero bakit mukha siyang galit? Dahil ba nagkagulo ang mga tao?

Hindi ba dapat sanay na siya, kung artista ang girlfriend niya?

Matapos ang kaguluhan kanina sa ground floor, bumalik na rin sa normal ang lahat. 'Yon nga lang ay usap-usapan na ang pagpunta rito ni Penelope. At dahil nakita silang magkasama ni Cian, mas lalong naitriga ang mga tao.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now