RYLP 20

97 3 2
                                    

Chapter 20

The sunlight hit my face, causing me to open my eyes and the familiar ceiling welcomed me. I blink a couple of times to process everything that happened. Sa paulit-ulit na pagbabalik ng ala-ala ko, nalilito na ako ano ang realidad at hindi. Kailangan ko pang siguraduhin na wala ako sa panaginip ko.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni, alam ko nang gising na ako mula sa mahaba at mabigat na panaginip. Ngunit napa tayo ako agad, nang mapagtantong nasa condo ko na ako. Ang huli kong naaalala ay nakatulog ako sa kotse ni Cian!

Paano ako nakapasok rito?

Naglakad ba ako habang tulog? Tinulungan niya akong umakyat? Napa hawak ako sa ulo dahil wala talaga akong maalala na naglakad ako papasok ng condo. Masyado na bang okupado ang isip ko, at mayroon na akong nakakalimutan habang unti-unti rin bumabalik ang mga ala-ala ko?

This is so weird, pero mas gugustuhin ko pang isipin na naglakad nga ako kagabi at hindi ko lang maalala, kesa binuhat ako ni Cian papasok ng condo, dahil hindi niya naman alam ang passcode ko.

Bumangon na ako para kumuha ng tubig sa kusina, ngunit napa tigil ako sa paglalakad nang may pumasok ulit sa isip ko. H-Hindi naman siguro niya alam ano? Imposibleng alam niya. Paano niya malalaman ang passcode ko? Imposible.

Nagpatuloy na akong naglakad patungong kusina habang tinatanggal iyon sa aking isipan. Nagsalin ako ng tubig sa babasaging baso, nang matigilan ako ulit. Ngayon ay tuluyan ng tumayo ang mga balahibo ko. Tulala akong napa tigil sa pag inom.

Bumaba ang mata ko sa suot, parang nanghina ang kamay ko at halos mabitawan ko ang baso. Napa lunok ako, nakasuot na ako ng nightgown at robe. Mabilis kong binitawan ang baso at niyakap sa sarili ang roba, p-paano?

Hindi ko maalala na nagbihis ako kagabi! Sobrang pagod ko ba para hindi maalala ang mga ginawa ko kagabi?! Imposible namang si Cian ang nagbihis sa akin?! Mas lalong tumaas ang mga balahibo ko, at para akong pinawisan ng malamig.

Hindi, hindi mangyayari iyon! Una hindi niya alam ang passcode ko, pangalawa hindi naman siguro niya ako gagawan ng masama lalo na't wala akong malay? Imposible, baka hindi ko lang maalala na umuwi ako kagabi! Mas kapani-paniwala 'yon!

Halos masunog ang pisngi ko sa init, pinaypayan ko ang sarili nang biglang may mag doorbell sa labas. Natigilan ako at nagtatakang nilingon ang pinto, sino ang bibisita ng ganito kaaga? Ala syete naman na, at kung may pasok ngayon ay paalis na ako. Pero dahil sabado, maaga ito para sa akin.

Naglakad na ako papalapit sa pinto at walang dalawang isip na binuksan ito, ngunit halos isara ko ulit nang makita kung sino ang nag aantay sa labas. Nanlaki ang mata ko at hindi ako agad nakapagsalita, halos mahigit ko ang hininga.

Sa harap ko ay nakatayo si Cian Tonjuarez, sa kamay nito ay may hawak na iilang supot ng prutas. Ang lalaking pinag iisipan ko ng kung ano-ano kanina ay nasa harap ko na ngayon.

"A-Anong..." kabado kong sabi, hindi ko pa naituloy iyon.

Itinaas niya lang ang supot at ihinarap sa akin, matapos ay nginitian ako. Nagdala iyon ng kakaibang pakiramdam sa aking dibdib at parang may paru-parong nagwala sa aking tiyan. Pinagdikit ko ang dalawang labi upang pigilan ang mapa ngiti.

Ano ba Lyra? Kanina lang pinag iisipan mo siya, ano nakalimutan mo na lahat? Ngumiti lang?

"I brought you fruits, sure you don't have any more stocks?" paliwanag niya, nilipat ko ang mata sa dala niya bago marahang tumango.

"H-Hindi ka na dapat nag abala... pero nandito ka na sige. Pasok ka..." mabilis kong pag payag.

Tumango naman ito, binuksan ko ng mas malaking ang awang ng pinto para makadaan siya. Naintindihan naman niya iyon at naglakad na papasok, isinara ko na ang pinto at sumunod sa likod ko. Tuloy-tuloy itong naglakad papunta sa kusina at ipinatong ang supot sa island counter.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now