Simula

1.8K 86 8
                                    

Happy Reading!



"Ayaw ko ngang kausapin ang lalaking 'yon!" Patuloy na pagpupumiglas ko sa paghatak nila sa akin. Hindi talaga nila ako titigilan 'no?!

"Mala, gusto ka lang naman daw niyang kausapin. Sige na, tara na!" Pamimilit pa nila.

E sa ayaw ko siyang makausap! Ayaw pakinggan ano man ang mga sasabihin niya.

"Wala akong maisip na kailangan naming pagusapan! Ano ba, Raea!  Ayoko nga kasi, e!" Bakit ba ayaw akong pakinggan ng mga 'to? Nakakainis na ha!

Hanggang nang makarating kami sa tapat ng isang silid ay sinusubukan ko pa rin na kumawala ngunit sadyang mas malakas ang pwersa ni Raea at ng iba ko pang mga kaklase.

Nagiisa lang kaya ako. Ano namang palag ko sa makukulit kong kaibigan? Nakakainis talaga!

Napatigil ako sandali at nilibot ang paningin sa paligid. Anong lugar 'to? Bakit parang ngayon lang ako nakarating sa silid na ito? Tagal ko na sa school na 'to pero ngayon ko lang napuntahan ang kwartong 'yon. Kumunot pa ang noo ko nang makita ang mga estudyanteng nagkumpulan sa paligid, mayroon na nakasilip sa bintana, mayroon din sa kabilang pintuan ng silid.

Trip ng mga 'to? Akala mong may inaabangan. Ano bang nangyayari?

"Anong mayroon? Bakit parang ang dami naman ng tao? Raea, ba't ganito?" Sunod-sunod ang tanong ko dahil naguguluhan na talaga ako. Bakit dito nila ako dinala kung mag-uusap kami ng dagang 'yon?

Oo daga, daga ang bansag sa kaniya. Mukha naman kasi talaga siyang gano'n.

Brian Matthew Armaciga. Dati ko lang naman siyang crush, noon lang 'yon kaya tapos na. Kaya nga hindi ko magets kung bakit pilit na gusto ako nitong makausap ayon sa mga kaibigan ko. Wala naman kaming dapat pag-usapan.

Kahit pa naging mutual ang feelings namin noon ay hindi naman naging kami. Para lang din klaro, mabuti na lang din at hindi naging kami. Siraulo ba naman, dami kong nabalitaan na naging kasintahan nito ang ilan sa mga kaibigan kong babae noon. Gawin ba namang barbeque.

At isa pa, wala pa sa isip ko ang pumasok sa kahit anong relasyon sa kahit kanino man. Ang bata ko pa kaya, jusko kahit nga ngayon.

Nang matapos naman ang school year ay nawalan na rin kami ng komunikasyon sa isa't-isa. Siguro ay nakahanap agad siya ng bagong natitipuhan. Lakas kasi ng dating ng dagang 'yon. Kumbaga heartthrob sa eskwela.

Paanong hindi. E, athletic na tapos academic achiever pa. Idagdag pa na madalas siyang student leader ng mga clubs. Lakas makapogi points no'n.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang pagpasok niya sa silid na kinaroroonan namin. Agad na napuno ang paligid ng bulungan galing sa mga estudyanteng naroroon din.

Bakit ba kasi narito ang mga estudyanteng ito? May film showing ba?

Kalmado lang siya habang naglalakad papunta sa silyang nasa tapat ko na may isang dipa ang agwat sa pwesto ko. Aba ang loko hindi man lang magtapon ng tingin sa akin, siya kaya ang dahilan kung bakit ako nandito. Ano ba kasing trip ng dagang 'to?

"Oy, hayaan niyo na kasi akong umalis. Please naman oh!" Hawak pa rin nila ang braso ko at talagang pinalibutan pa ako.

Wala akong kawala gano'n? Tsk!

"Nandito ka na e, mag-usap na kayong dalawa," saad lang ng isa kong kaklase.

Napairap na lang ako, kaunti na lang aakyat na lahat ng dugo ko sa ulo sa inis. "Ano nga kasi ang pag-uusapan?!" Gigil na tanong ko.

"Aba'y malay ko sa inyong dalawa." Si Raea naman ang sumagot at inungusan pa ako. Wala talagang makukuhang maayos na sagot sa babaeng 'to. Paano ko nga ulit siya naging kaibigan?

Bumuntong-hininga na lang ako at tumigil na sa pangungulit. Bahala na nga kung anong mangyari.

Pagkatapos nitong kausapin ang kasama niya ay nagsimula na itong maglakad papunta sa gawi ko. Sige lumapit ka, para mabigyan kita ng sample strike sa mukha dahil sa trip mo. Siguraduhin mo lang na handa ka sa init ng dugo ko sa'yo.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na namang may humila sa braso ko kaya napasunod ako dito. "Teka naman! Kanina pa ako hinihila ha! Masakit na!" Masama ang tingin kong binaling sa humatak sa akin at nagtaka dahil hindi naman siya pamilyar sa akin. "Hoy lalaki! Sino ka ba?!" sigaw ko dito. Hindi ito kumibo at patuloy lang sa paglalakad hawak ang braso ko. Aba talaga naman!

Mukha akong batang hindi pinayagan bumili ng laruan na gusto ko mula sa isang store at hinihila paalis sa lagay ko ngayon. Hindi naman kasi ako nainform na hilaan day pala ngayon.

"Hoy!" Pinilit kong alisin ang hawak nito sa braso ko saka nilibot ang tingin sa paligid. Eh? Wala na kami sa silid kung saan naroon ako kanina. Ganoon na kalayo ang nilakad namin? Binalik ko ang tingin sa lalaki na nakatalikod sa akin, "sino kahaa, ha?! Kilala ba kita?"

Unti-unti itong humarap sa akin at handa na sana akong sigawan ulit ito pero para akong nahipnotismo ng kulay tsokolate nitong mga mata. Ilang segundo akong nakatitig lang sa maganda nitong mata bago pilit na inalis doon ang atensyon ko. Ibinalik ko ang mataray na awra ko kanina. "Ano na? Baka gusto mong magsalita at magpakilala." Tinaasan ko siya ng kilay, nagtataray.

Bago pa man nito masagot ang tanong ko ay narinig ko ang tinig ni Raea mula sa kung saan. Lumingon ako at nakita itong tumatakbo kasama ang mga kaibigan ko habang isinisigaw ang pangalan ko.

Awtomatikong napatakbo kami ng lalaki at kusang tinanggap ng kamay ko ang paghawak niya doon. Habang tumatakbo ay may mga nakasalubong kaming mga tao na kakaiba ang pananamit kumpara sa amin at animonv tinatawag ang lalaking kasama ko.

"Ace?"



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now