LTML 51

395 9 0
                                    

Happy Reading:)

-

Mala

Humihikab ako nang nagmulat at bumangon sa aking kama saka dumeretso sa banyo para maghilamos. Habang pinupunasan ang aking mukha ay napatitig ako sa salamin.

Paano ako nakauwi kagabi?

Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit iyon. Mahina kong hinilot ang sentido ko para alisin ang sakit.

Pesteng hangover.

Bumaba na rin ako agad nang matapos akong ayusin ang sarili. Naabutan ko sila Ate at Kuya sa sala at may kaniya-kaniyang mundo. Parehong tutok ang mata sa mga phone nila, si ate naman akala mong nasa cashier counter sa bilis nitong magtipa.

"Morning." Sandali silang nag-angat ng tingin sa akin at tumango lang at agad na bumalik ang atensyon sa ginagawa. Napairap na lang ako sa hangin saka pumunta sa kusina para mag-almusal.

Mukhang nauna na silang kumain. Hindi man lang ako tinawag o hinintay.

Grabe parang hindi kapatid.

Hindi na ako nagtagal sa pag a-almusal at naligo na rin pagkatapos para pumasok sa opisina. Magpapahatid na sana ako kay Kuya kaya lang wrong timing dahil may lakad pala ito. Ang lalaki, bihis na bihis.

Mukhang magpapa-impress.

Habang nasa loob ng taxi ay nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa ospital para alamin ang lagay ni Clarisse pero baka mag-suplada pa ito sa akin.

Para i-check ba talaga si Clarisse?

Kontrabida talaga 'tong isip ko. Ano pa ba? Syempre siya yung na-ospital, tss! Huminto muna ako sa isang flower shop kanina para bumili ng pumpon ng bulaklak para sa kaniya. Nakakahiya naman kung pupunta ako na wala man lang dala.

I sighed and step out of the taxi after paying the driver. Umangat ang tingin ko sa mataas na building omg ospital saka pinilit ihakbang ang mga paa ko para pumasok. Nanuot sa ilong ko ang anoy ng gamot, bumuga ako ng marahang hininga at naglakad patungo sa information desk para itanong ang numero ng kwarto ni Clarisse.

"Room 307 po, Mam."

Nagpasalamat ako pagkatapos ay tinungo na ang elevator. Habang hinihintay na huminto ito ay nag-message ako kay Ace na papunta ako. Mabilis kong nahanap ang kwarto at kumatok bago dahan-dahan na binuksan iyon.

Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pinto ay para ng may tumarak na patalim sa dibdib ko sa aking naabutan.

Clarisse smiling while holding a ring on her hand. Her eyes are glistening with emotions I don't want to name. I bit the side of my cheeks suppressing my tears not to fall.

Nakatalikod sa gawi ko si Ace kaya hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha nito pero siguradong masaya ito dahil tinanggap ni Clarisse ang singsing.

Do I need to ask for an explanation?

Sa palagay ko ay sapat na ang nakita ko para maintindihan ang ibig-sabihin no'n. Lumunok ako ng mariin at sandaling ipinikit ang mga mata ko para alisin ang sakit na bumalatay doon, kumatok ako ulit at sa pagkakataong iyon ay pareho silang lumingon sa akin na may gulat sa mukha.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang mabilis na pagtago ni Clarisse sa hawak. Bakit mukhang takot siyang makita ko 'yon, akala ko nga ay iduduldol pa nito sa akin na galing iyon kay Ace.

"Hi. Pasensya na, nakaistorbo ba ako?" Nagpanggap akong kararating lamang at walang nakita kanina. Nababasa ko sa pareho nilang mukha na sinusuri ang ekspresyon ko kaya pinanatili ko ang ngiti sa labi ko para alisin ang atensyon nila sa akin. "Para sa'yo.' Inabot ko ang bulaklak kay Clarisse.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now