LTML 02

506 64 0
                                    

Happy Reading!



Naalimpungatan ako at agad na napabangon nang marinig ang sigaw ni Mama. Kahit wala pa sa huwisyo ay iniligpit ko na lang ang kamang hinigaan ko saka bumaba na rin pagkatapos.

Anong oras na ba?

Habang pababa sa hagdan ay tumingin ako sa orasang nakasabit sa dingding. Alas siyete pa lang pala, bakit parang high blood agad si Mama ng ganito kaaga?

"Nasasanay po kasi na nandito palagi, 'yon lang naman po ang sinasabi ko." Dinig kong pahayag ni Kuya. Nang lubos na maintindihan ang puno't dulo ng sigaw ay napabuntong hininga na lang ako. Parehong rason na naman pala.

Kailan ba mawawala sa buhay namin ang tukmol na iyon?

"O, anong problema doon? Sinabi ko na di'ba? Tinutulungan ko yung tao na maka-angat sa buhay niya. Pinaliwanag ko na 'yan sa'yo, alam mo iyan, Ares."

Grabeng tulong naman po yata, mahigit isang taon nang tinutulungan e hindi pa rin umangat kahit kaunti ang pamumuhay ng lalaking 'yon. Nakakainis talaga.

"At saka, may ginawa bang masama sa inyo yung tao? Sinaktan ba kayo? Hindi naman ah!" Depensa pa ni Mama.

"Alam po ba ni Papa ang tungkol dito?" Nakita kong natigilan si Mama sa sinabi ni Kuya.

May natumbok ba, Ma?

Pagak akong natawa sa aking isip sa reaksyon niya. Obvious naman na ang sagot.

"Para ano pa? Ma-stress siya doon sa malayo? Napakaliit na bagay lang nitong hinihiling ko sa inyong magkakapatid, Ares. Intindihin niyo ang pinanggagalingan ko!" Animong naiiyak na sigaw nito bago talikuran si Kuya para pumasok sa kwarto niya.

Kung saan natutulog ang lalaking puno't dulo ng gulo.

Nasalubong pa ako ni Mama ngunit saglit lang niya akong tiningnan bago nilagpasan. Malalim akong nagpakawala ng hininga. Kailan ba maaayos ang lahat sa pamilya namin?

Sinundan ko ng tingin si Kuya Ares. Napahilamos na lang ito sa kaniyang mukha saka puno ang frustrasyong lumabas ng bahay.

Saan naman pupunta 'yon?

Ilang beses na rin nilang pinagtatalunan ang pagtulong kuno na ginagawa ni Mama para sa lalaking iyon. Ayos pa nung una e, tolerable pa hanggang sa napapansin namin na madalas na kung magpunta dito yung lalaki. May pagkakataon pa nga na dito na ito halos maghapon, at ayon dito na natutulog.

Halos tumira na sa bahay namin.

Ang talagang ikinagagalit namin, sa kwarto pa mismo nila Papa at Mama, sa iisang kama kung saan natutulog si Mama at Papa.

Ang galing di'ba? Mag-asawa ang ganap nila sa harap pa naming magkakapatid.

"Bakla 'yan, huwag kayong malisyoso at malisyosa."

Akala yata ni Mama kahapon kami pinanganak. Pero ano bang magagawa namin? Wala kaming karapatang magdesisyon o idikta ano man ang sabihin at gawin ni Mama.

Anak lang kami.

Pero di'ba ang isang pamilya hindi mabubuo kapag wala ang isang miyembro, hindi ba mahalaga ang palagay namin para sa pagpapanatili sa matatag na pamilya?

Hindi ko na rin alam ang dapat isipin sa sitwasyon namin.

-

Kasalukuyan akong kumakain sa hapag nang maramdaman ang kamay na humaplos sa balikat ko. Nagutom kasi ako bigla habang gumagawa ng activities para sa isa kong subject kaya bumaba muna ako, naghanap ako ng meryenda sa kusina.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now