LTML 18

171 19 2
                                    

Happy Reading!



Third Person


Nang makabawi mula sa pagkagulat ay umayos ng tayo si Mala, though her knees were still trembling a bit. She forced herself to stand straight in front of him.

Her eyes never left his chocolate ones. Hindi agad maproseso sa utak niya ang nakikita. Kung dapat bang paniwalaan ito o hindi. Natatakot na isa na naman itong panaginip o baka guni-guni na lagi siyang pina-aasa. Binitiwan ng kaharap ang kaniyang balikat ng naging balanse na ang kaniyang pagtayo.

Samantalang hindi naman magawang basahin ng lalaki ang reaksyon na nakapinta sa magandang mukha ng binibining kaharap. Gayunpaman ay hindi natakpan ng mga ito ang kagandahan ng mukha na lagi niyang pinagmamasdan.

Alam niyang kakastigo ang kaniyang mahal na ina dahil sa ginagawa niyang paglapit dito, paano pa kaya kapag nalaman nitong kinausap niya ang dalaga. Siguradong pagagalitan na naman sila ni Nikolaos sa pagpunta sa kabilang dako. Gusto naman niyang sundin ang ina. Noong unang ay sapat nang makita lamang niya sa malayo ang dalaga ngunit hindi na niya napigilan ang sarili nang makita ang malungkot ang ekspresyon nito kanina at may kung anong nagtulak sa kaniya na lapitan ito at aluin.

Matiim lang na nakatitig si Mala sa lalaking bigla na lamang sumulpot kung saan.

Habang nasa likuran niya ang isang kamay ay pasimple niyang kinukurot ang kaniyang tagiliran. Pinakikiramdaman ang sarili dahil baka panaginip na naman ito.

"Aray!" Mahina niyang daing, napangiwi siya ng mapalakas ang kurot niya sa sarili. Muling nanlaki ang mga mata niya ng ma-realize na nakaramdam siya ng sakit mula sa kurot na ginawa niya.

Ibig sabihin...hindi ito isang panaginip!

Walang namagitang ingay mula sa kanilang dalawa. Hindi maintindihan ni Mala ang sayang nararamdaman niya sa oras na 'yon. Hindi niya alam ang pinaka-dahilan ng kasiyahan niya. Pakiramdam niya maiiyak na siya sa sobrang tuwa.

Nang makita ng lalaki na parang luluha na ang dalagita ano mang sandali ay alam na niya sa sarili niyang signus na 'yon upang umalis siya. Natatakot pa rin siya sa akin. Alam niyang malaki ang pagkakaiba nila nito. At sa umpisa pa lang ay dapat na itigil niya kung ano man ng binubulong ng kaniyang puso.

Napabuga siya ng hangin ng marahan. Pinipigilan ang lungkot na nagbabadya sa kaniyang kalooban.

Nais ko lamang na masilayan ka sa mga nalalabing panahon na magagawa ko pa ito. Walang kasiguraduhan kung kailan sila muling magkikita. Maaaring hindi na maulit ito o baka ito na rin ang huli.

-

Mala


Awtomatikong humakbang ang mga paa ko upang pigilan siya at yumakap ang mga braso ko sa kaniya ng talikdan niya ako. Hinigpitan ko iyon at para akong maiiyak na bata habang yakap ko siya. Ayaw kong bitawan siya at hayaan na maglaho ulit sa harap ko. Ngayon lang ulit ako naluha mula noong nakaraang mga linggo. Para bang nagagawa ng lalaking yakap ko na palabasin ang mahiyain kong mga luha.

Para akong paslit na ayaw maiwanan mag-isa, aalis na naman ba siya? Maglalaho? Aalis. Babalik ba siya?

"Bakit ba ang hilig mong umalis na parang wala lang na bigla kang nagpakita sa akin?" Halos pabulong kong tanong sa kaniya. "Pwede bang manatili ka kahit ngayon lang, sandali lang. Pagkatapos mong bulabugin ang isip ko, aalis ka na parang wala lang." Para akong batang nagtatampo, napasinghot-singhot ako para pigilan na tumulo ang sipon ko.

Sa harap niya pa, nakakahiya 'yon. Ay teka, nakatalikod pala siya sa akin.

Hindi ko man maintindihan kung bakit may pangungulila akong nararamdaman sa ideyang aalis ito.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now