SPECIAL CHAPTER 01

68 3 0
                                    

Happy reading

Ace's POV

Nilakad ko ang pagitan na mayroon sa aming dalawa hanggang sa halos isang dipa na lang ang layo ko sa kaniya. Sinusubukan na basahin ang emosyon sa kaniyang mga mata, umaasa na masilayan muli doon ang pagsinta ngunit parang nais akong takasan ng loob na muling humakbang pa palapit dahil sa uri ng tingin niya sa akin. Wala ang inaasahang pagsinta kundi galit at masamang tingin ang ibinato niya sa akin. Pagkatapos ay isang butil ng luha ang pumatak mula sa kaniyang mata at nasundan ng isa pa, nagpatuloy ang sunod-sunod na patak ng luha. Hindi man lang siya kumurap at pirmi lang ang pagkakatitig sa akin.

Hindi ko kayang tagalan na makita na lumuluha siya sa aking harapan. Pinutol ko ang ilang habang na layo sa kaniya, naglakad ako palapit upang pahirin sana ang kaniyang mga luha subalit kasabay ng paghakbang ko palapit ay ang paglayo niya.

Sa kilos na iyon ay parang paulit-ulit na dinurog ang puso ko hanggang ang bawat piraso ay mapino. Dumoble ang sakit na naramdaman ko nang ngumiti ito ng mapait sa akin.

"Hindi pa ba tapos ang pesteng panaginip na 'to?"

"Mala." Hindi ko nais na saktan siya ngunit nangyari pa rin at kasalanan ko 'yon. Nangako ako at hindi ko Ito natupad. Alam kong galit na siya sa akin ngayon.

"Nakakapagod na kasi, e. Ngayon narito ka tapos bukas-makalawa o baka nga mamaya ay wala mawawala ka ulit at mas masakit kasi ako lang ang makakaalala sa tagpong 'to. Ayaw ko na ng ganito…" aniya na parang nagmamakaawa. Ang maliliit na hikbi niya ay naging matunog na pag-iyak. "Sige na, tanggap ko nang galing ka lang sa parte ng panaginip ko. Gusto ko nang matapos 'to, Gusto ko nang magising.." Kinurot niya ang kaniyang balikat at sinampal ang sariling pisngi. Lumapit ako upang pigilan siya sa pananakit sa sarili. Hinawakan ang dalawang kamay niya at niyakap upang patahanin.

"I'm sorry, Mala…"

Pilit ako nitong tinutulak at pinagbabayo ang dibdib ko. "Ano pa ba ang gusto mo?! Bakit ka pa bumalik?!"

Hinayaan ko lang siya na ibuhos ang lahat ng sakit at galit na naidulot ko sa kaniya. Handa akong saluhin ang lahat ng 'yon kaysa ang tuluyan niyang pagtataboy sa akin. Galit siya at kasalanan ko 'yon ngayon.

"Dahil ba alam mong hihintayin pa rin kita? Patatawarin pa rin kita? Kaya ba ayos lang na paulit-ulit mong gawin sa akin 'to?" Umiling ako habang yakap lang siya. Huminto na siya sa pagpupumiglas ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak niya.

"Magpapaliwanag ako kapag handa ka nang pakinggan ako."

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo." Marahas siyang kumawala sa mga braso ko at masamang tumingin sa akin. "Umalis ka na."

Huminga ako ng malalim, nag-iisip kung paano ko siya mapapapayag na pakinggan ang mga sasabihin ko. "Aalis ako kung iyan ang gusto mo pero hayaan mo muna akong linawin ang lahat bago mo ako ipagtabuyan."

Hindi na ako aalis.

Saka ko na pagpaplanuhan kung paano ako makakabawi sa kaniya. Sa ngayon gusto kong maipaliwanag sa kaniya ang side ko. Hindi para isalba ang sarili ko sa galit niya kundi para itama ang pagkakamali ko. Pagkatapos ay gagawa ako ng paraan para bumalik siya sa akin.

Wala ng hahadlang ngayon. Hindi ko na papayagan na maulit ang nakaraan at masaktan siya ng dahil sa akin. Mahal ko siya at mananatili ako.

Mukhang nakuha ko ang atensyon niya sa sinabi ko. Nakahinga ako ng maluwag.

-

"Magsalita ka." Malamig na aniya habang nakatingin sa akin. Pareho na kaming nakaupo sa couch ng condo nito. Nasa magkabilang dulo kami ng sofa.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now