LTML 39

129 11 0
                                    

Happy Reading!



"Tama nga ako! Hindi lang 'to basta dinner para sa celebration. Tsk!" I looked at him in disbelief. Tungkol sa ate ko ba naman na isang beses palang niyang na-meet. Ni hindi nga sila nagkausap, and now he's here telling me na he likes ate!

Noong time na binisita ako ni ate dito but I'm at work kaya sa office na siya dumeretso pagkatapos kong ibigay ang location. 'Yon din ang unang beses na nakita ko itong boss ko na parang aligaga at panay ang tago kapag nati-tyempuhan na kasama ko si ate.

Akala ko may atraso siya nung una kaya ganon pero walang paligoy-ligoy niyang sinabi na gusto niya ang ate ko.

Pwede ba naman 'yon? Ang bilis ha!

Love at first sight kuno. Paano naman mahuhulog ang isang tao sa unang pagkikita pa lang? Imposible!

E ikaw kay Ace?

Aba! Bwiset na isip ha! Tapos na 'yon at wala na akong nararamdaman pa sa kaniya! Matagal ng wala!

Defensive much?

"Please just this one, Lauren." Nabalik ang atensyon ko sa boss kong pasaway nang magsalita ito at hinawakan ang dalawang kamay kong magkasiklop sa mesa. May pagsusumamo sa hitsura nito.

Binawi ko ang mga kamay ko sa kaniya at nagpakawala ng hininga, tiningnan ko siya sa mga mata para alamin kung seryoso ba talaga siya.

Baka mamaya pinagti-tripan ako ng lalaking 'to, pati ang ate ko idadamay pa.

"Boss, seryoso ka ba talaga o kulang ka lang sa pahinga kaya nagkakaganyan ka?" Sumimsim ako sa iced tea na inorder namin kanina bago muling magsalita. "You're a total womanizer so, No." I said flatly at umiling.

"I'm a changed man, you know that." Agad na depensa nito.

"Mhmm? Talaga lang ha? There's a lot of women out there, please not my sister. I don't want her to get hurt lalo na dahil sa'yo. I swear kahit ikaw pa ang boss ko and all that, lagot ka talaga sa akin." Nilakihan ko siya ng mga mata.

Ihinarang niya ang dalawang kamay sa harap ko at animong pinangsasangga yaon. "Damn! I wasn't even starting yet, you're scary. You got some trust issues?" Nakangiwing tanong nito

Mas nakakatakot magtiwala ng ganoon kadali ano. I'm never doing that thing again. Lalo pa ngayon na family ko ang nasa situation.

Nah ah.

"You can say that, hindi pa rin ako papayag na pormahan mo ang ate ko. Nakita ko kung paano siya nasaktan dahil sa mga katulad mong lalaki. Ang ginawa niya lang naman ay magmahal at magtiwala pero sa sakit lang siya dinala ng mga 'yon. Kayo talagang mga lalaki. Tsk!"

Tuwing naaalala ko ang mga 'yon, gusto ko talagang ilibing ng buhay ang lalaking nanakit kay Ate.

"Hey, miss attorney, who hurt you? Your mouth sprouts bitterness." Pinaikutan ko lang siya ng mata. Hindi naman ako bitter, just spitting facts.

"Thanks for the dinner, boss." I said and smiled before we parted ways. Sumakay na ako sa aking sasakyan at ini-start ang makina.

Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng akin at ibinaba nito ang bintana. "See you at work tomorrow."

"Yeah, salamat ulit. Ingat pauwi." Aniya ko. Tumango ito sabay kaway bago tuluyang inabante ang sasakyan.

Habang nasa daan ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Maris. She's helping me para sa firm na sinisimulan ko. Nasa Pilipinas ito dahil hindi pa ako nakakauwi kaya siya muna ang nag-aasikaso doon. Pati ang pagpapatayo ng office ko.

Letters To My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon