LTML 25

136 14 0
                                    

Happy Reading!



Nang makarecover ako sa pagkagulat ay saka ko nireplyan si Brian.

[Paandar ka ah! Ibo-block ko na sana ang number kung hindi ka pa nagpakilala.]

I hit send.

Ilang saglit lang ay may reply na kaagad ito. Kabog, fast replier.

[Sorry haha. Sinubukan ko lang if it will work on you. Lol]

Loko! Mukha ba akong mabilis maniwala sa mga ganon?

May kasunod na message agad ito.

[Uhm, can I call you?]

I started typing again.

[Oo naman.]

Wala namang problema, tawag lang naman. Pero hindi ko sinabing sasagutin ko.

Kidding.

Kinlaro ko muna ang lalamunan ko para hindi naman ito magreklamo sa boses ko. Sinagot ko ang tawag nito, tapos binaba ko agad. Charot!

[Hey.]

Minsan talaga sinusubok ako ni Kupido. Jusme ang sarap pa rin sa tainga ng boses nito kahit sa telepono. Isa 'yon sa mga nagustuhan ko sa kaniya noon.

Hep! Mala

[You still there Mala?]

"Oo, nandito pa. Sorry na-distract lang."

Nitong mga nakaraang araw, madalas akong mag space out. Nakakainis nga dahil ang dali kong ma-distract sa iniisip ko.

"Bakit pala gusto mong tumawag pa? At saka saan mo nakuha 'tong number ko?" Nakataas na kilay na tanong ko.

[Nakuha ko sa bestfriend mo, I think her name is Aurraea. And I called to say sorry about what happened earlier sa school. I know na nabigla kita.]

Ay oo nabigla mo talaga ako.

Loka din itong si Raea, ipinamimigay lang ang number ko. Siya kaya ipamigay ko, ewan ko kung matuwa siya.

"Nagso-sorry ka?" Gusto ko lang linawin.

Ang pag-amin niya ba ang sinasabi niya o ang pagkagusto niya sa akin? Sakit ah, pangit ba akong magustuhan? Sakalin ko kaya 'tong si Brian.

[Mala.] Tawag nito sa pangalan ko.

"Bakit?"

[Kaya ako nag a-apologize ay dahil sa sudden confession ko, hindi 'yang nasa isip mo.]

Mabuti na ang malinaw. Hindi ko naman siya pinilit na magkagusto sa akin. Anong malay ko.

"Ah, okay. Mind reader ka na pala Brian." Narinig ko ang mahinang pagtawa mula sa kaniya.

Music to my ears.

Mala! Itong mga malalantod na cells ang may sala hindi ako!

Hindi ko na alam ang sasabihin. Pakiramdam ko ang tagal ng pag-uusap na ito namin ni Brian kahit pa ilang minuto pa lang ang nakakalipas.

[Mala, seryoso ako sa mga sinabi ko sa'yo sa school. I like you. I want and I will court you.]

Parang may dumamping kung ano sa pisngi ko at nag-init iyon. Napasilip tuloy ako sa salamin na nasa kwarto, namumula ako.

The heck!

"Teka ano, Brian—"

[Bukas ang unang araw ng panliligaw ko sa'yo. See you in school Mala, bye!]

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now