LTML 52

352 10 2
                                    

Happy Reading;:)

-

Mala

Habang idina-dial ko ang numero niya ay panay ang mariin kong paglunok. Naisip ko na ngayon na ang pagkakataon para makapag-usap na kaming dalawa at pagkatapos ay puputulin ko na ang lahat ng maaaring koneksyon ko sa kaniya.

Kahit pa ayaw kong maging malungkot ang mga maiiwang alaala niya sa akin ay hindi sang-ayon ang tadhana.

Tadhana.

Nakakatawa dahil m kahit na makabuo ka man ng sarili mong buhay na ninanais ay gagawa at gagawa pa rin ito ng paraan para guluhin ka, para muling magkaroon ng kontrol sa susunod na mangyayari sa buhay mo. Pansamantala lamang pala ako nitong pinatahimik at ngayon pati ang buhay pag-ibig ko ay hawak na nito.

Lumipas na ang mahabang segundo ay panay ring lang ang ito at walang sumasagot. Pabuntong-hininga kong ibinaba ang phone saka naisip na i-message na lang sa kaniya.

Siguro naman ay mababasa niya kapag hinid na siya busy. Sana nga lang ay hindi umabot ng isa pang araw ang paghihintay ko.

Pasakay na sana ako ng elevator nang mag-ring ang phone ko, mabilis ko naman itong sinagot sa pag-aakalang si Ace na 'yon. Bumagsak ang balikat ko dahil ibang boses ang narinig ko sa kabilang linya.

[Hello, Attorney? Are you still there?]

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Yes, napatawag ka Attorney Lidia?"

Siya ang may hawak sa dalagitang nagsampa ng kasong rape sa anak ni Governor Ramos. Paminsan-minsan ay tumatawag din ako sa kaniya para kamustahin ang lagay ng dalaga pagkatapos ng mga nangyari sa kaniya. Trauma ang inabot nito dahil sa mga walang kwentang tao na gumawa sa kaniya ng mala-demonyong kilos na 'yon.

[The station where Amiel Ramos is detained called me this morning, I was still running a case so ngayon ko lang naitawag. As per request, that boy wants to converse with you.]

I frown, pagkatapos ng ama nito ay siya naman ang gusto akong makausap? Trip ng mga 'to?

[Pwede mo namang tanggihan, it's fine. Hindi niya pwedeng ipilit na makausap ka.] Agad na idinagdag nito nang hindi ako sumagot.

"No, I mean sige kakausapin ko siya."

Nagpaalam na ito at ibinaba ko na ang tawag.

I hailed a taxi at nang makasakay ay inimporma ko ito sa destinasyon ko. I'm curious on what this boy will say to me. Hearing another shit is the worst para tapusin ang araw pero sige pagbibigyan ko siya.

Mabilis akong nakarating sa istasyon. Pagkatapos magbayad ay bumaba na ako at naglakad papasok. The surroundings is clean but the smell and the place itself will still be the worst place you don't want to be in for a long time, even for day.

I talked to some officers tungkol sa dahilan kung bakit ako naroon. And now I'm sitting in front of boy that wants me here. A transparent glass barrier is between us. Hindi ako nagsalita, I just observed his reactions.

The first thing that he did was cry in front of me while uttering 'I'm sorry' repeatedly. He looks miserable and hopeless to me. May mga sugat at pasa ito sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan na hindi natatakpan ng tela ng damit. May bandage din ito sa ulo at may kalakihan iyon.

Mukhang pati sa loob ay may kaaway ito.

"Hindi sa akin kundi sa babaeng pinilit mong makipagtalik sa'yo ka dapat humingi ng tawad." Pabuntong-hiningang saad ko. Tumango ito habang umiiyak pa rin.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now