LTML 10

199 32 0
                                    

Happy Reading!



Ace,

Hi! Pakiramdam ko ang weird na sumusulat ako ng liham para sa'yo dahil alam kong hindi mo naman ito mababasa pero gusto ko pa rin magpasalamat sa pagtulong mo para makaalis ako sa sitwasyon na 'yon. Puno ang utak ko ng tanong at kuryosidad kung sino ka talaga saka bakit mo ako tinulungan kaso panaginip lang 'yon. Hindi ka naman isa sa mga kaibigan o kakilala ko, totally, hindi kita kilala. Well, bukod sa pangalan mo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit sinusulat ko 'tong letter na 'to, baka magpakita ka ulit, e. Magpasalamat ako ulit sayo. Sana magkita tayo ulit, Ace.

Mala,

Napangiti ako pagkatapos mabasa ang unang letter na isinulat ko para kay Ace. Matapos ko siyang mapanaginipan ay hindi na ito nawala sa isip ko. At ayon, namalayan ko na lang na bawat pangyayari sa araw-araw ko ay ikinukwento ko sa pamamagitan ng sulat.

Sa tuwing sumusulat nga ako ay ini-imagine ko na nasa harap ko siya at nakikinig. Hindi na rin mahirap na isipin kung ano ang itsura niya, nakita ko na siya e. Alam ko na rin ang pangalan niya at isama pa ngayon ang boses nito.

Ace

Iyon na ba ang buo niyang pangalan? Masyadong maikli. Siguro palayaw lang niya iyon. Kasing pogi rin kaya nito ang buong pangalan niya?

Ay nako Maria Lauren!

Hindi naman masama na magkacrush ako sa kaniya di'ba? Mukhang hindi naman nalalayo ang edad namin sa isa't-isa.

Nakadapa ako sa kama habang hawak ang mga liham na isinulat ko sa kaniya. Binilang ko kung ilan na ba iyon. "Marami na rin pala." Naalala ko ang laman ng unang liham ko. Sinulat ko na hindi naman niya mababasa ang mga 'to. Wala sa sariling napangiti ako.

Babalik siya.

May chance na mabasa niya 'tong mga sulat. Okay lang naman sa akin. Wala naman akong nakakahiyang confession o ano man sa mga ito. Bahala na si Batman. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik niya.

Bukas kaya? Mamaya?

"Hindi pala mamaya, masyadong mabilis."

Masyadong mabilis.

Nawala ang ngiti ko dahil sa naisip. Tama ba itong ginagawa ko? Hindi ko pa siya lubos na kilala. Hindi ko rin alam kung saan siya nanggaling. Parang loka naman kung sa panaginip ko talaga siya galing.

Teka…

"Yung damit niya kanina."

Sigurado ako sa nakita ko, kahit na nabalot ang kalahati ng sistema ko sa gulat kanina nang makita ko siya. Hindi ko makakalimutan ang uri ng kasuotan na mayroon siya. Hindi pangkaraniwan. Wala ng gano'n na styke sa ganitong panahon. Weird.

"Tsk! Ano ba 'tong iniisip ko? Imposible." Bulong ko.

Pa'no kung galing nga siya sa sinaunang panahon?

"Hindi." Kailangan na siguruhin ko muna. "Tatanungin ko na lang siguro kapag bumalik ulit siya."

Isinantabi ko na lang ang mga konklusyon ko tungkol sa kaniya. Wala rin naman kasiguraduhan ang mga iyon. Mamaya ay mali pala ako. Pinakatitigan ko ng ilang sandali ang mga sulat ko bago ibalik sa drawer pagkatapos ay bumaba na ako sa sala.

-

Hindi ko lubos akalain na may ilalalim pa pala ang galit na pwede kong maramdaman sa sarili kong ina. Akala ko masakit na yung pinili niya ang lalaking iyon kaysa sa amin.

Kung gusto niyang magpakasaya at ienjoy ang buhay niya, tulad ng paulit-ulit na sinasabi niya sa amin nung umalis siya. Wala na akong pakialam pa. Kung ano man ang gawin niya sa buhay niya na wala man lang konsiderasyon sa mararamdaman naming mga anak niya. Sige, wala na akong magagawa pa.

Pero naiinis ako dahil kailangan pang idamay ang kapatid ko. Bakit pa? Akala ko ba gusto niyang maranasan ang pagkadalaga na inalis namin sa kaniya noon?

Ano naman ang gusto niya ngayon?

Naalala ko tuloy ang mga nangyari nung nakaraan. Ilang beses na silang bumabalik ng lalaki niya para isama si Shan.

Nunkang papayag kami.

Flashback…

"Nung ginusto niyong sumama sa lalaking iyon, kahit masakit hinayaan namin. Huwag niyo na pong idamay pa ang kapatid ko!" Humigpit ang yakap ko kay Shan. Umiiyak na ito marahil ay naguguluhan sa nangyayari.

"Sa akin sasama si Shan."

"Umalis na kayo, Ma! Hindi kami papayag sa gusto niyo." Matigas na aniya ni Kuya na nasa tabi namin.

"Ako ang ina niyo, ako ang may karapatan kay Shan kaya hayaan niyo na ako!"

Palagi niyang ginagamit ang pagiging ina niya pero hindi naman niya magampanan ng maayos ito. At akala ko ba ay ayaw niya ng kargo dahil hindi niya maeenjoy ang buhay niya kapag nariyan kami? Hindi ko siya maintindihan.

"At ano po?! Ang ipilit siya sa mga anak ng lalaking iyon? Alam niyo po ba ang magiging epekto no'n sa kaniya?"

"Mas magiging maayos ang buhay niya sa poder ko! Matutustusan niyo ba lahat ng pangangailangan niya, ha?! Hindi!"

Naisip ko si Papa. At least siya hindi kami pababayaan.

"Si Papa po nariyan para gawin iyon para sa amin!" Sarkastiko itong tumawa na lalo kong kinasama ng loob.

"Wala kang nalalaman tungkol sa magaling mong ama, Mala."

Anong ibig sabihin no'n?

"Ma, umalis na kayo." Sabad ni Kuya Ares.

Napipilitan na lumayo ang dalawa sa amin, "hindi habang panahon na maitatago ng Papa niyo ang lahat. Tandaan niyo 'yan." Bumaling siya kay Shan na umiiyak pa rin. "Babalik si Mama, anak. Hintayin mo ako ha."

End of flashback.

Lahat talaga ay gagawin niya mangyari lang ang gusto niya, masunod lang siya. Pati si Papa pinipilit niyang siraan kahit ang totoo ay siya itong nanakit. Hindi na ako maniniwala sa kaniya kahit kailan.

Kung akala niya ay papayag kami na isali niya sa bago niyang pamilya si Shan, nagkakamali siya. Hintayin niya lang na makauwi si Papa. Magiging maayos din ang lahat at pagsisisihan niyang pinili niya ang lalaking iyon.

"Walang pamilya yung tao, ni isa wala man lang bumati sa kaniya sa tuwing may okasyon. Kawawa naman yung tao, pati mga anak niya malayo ang loob sa kaniya."

Ikinuyom ko ang kamay ko dahil sa galit. Iyon pala ang plano, ang bumuo ng pamilya para sa hayop na iyon at ang kapalit ay ang sariling niyang pamilya. Grabeng pagkamatulingin naman pala ng Mama ko.

Nakakasuka.



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat