LTML 49

170 8 1
                                    

Happy Reading!



"Where is she?" Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses nito na kalalabas lamang sa elevator. Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. 

Ilang araw ko man itong hindi nakita ay siya namang pananatili nito sa isip ko oras-oras.

Literal! Parang siya na lang ang laman no'n. Sinakop na talaga ng nilalang na ‘to ang pagkatao ko, e. Puso, isip, at pati ang kaluluwa ko siya ang hanap. Gaya ng deskripsyon ko noon sa kaniya, para siyang tinta ng permanent ink marker na mahirap burahin sa memorya.

A thought suddenly came into my memory. I remember myself trying so hard to get him off my mind and heart back then. Sinubukan kong ilipat ang atensyon sa iba sa pakikipag-date dahil akala ko magagawa no'n na makalimutan ko ang nararamdaman ko sa kaniya mula pa man dati.

Ang ending, epic fail.

Ni isa sa mga set-up dates ni Maris ay palpak ang kinalabasan.

Sa totoo lang wala naman sa mga ka-date ko ang problema kundi sa akin.

I don't find interest in any of them because I only have my eyes for this man that I left years ago.

At tingnan mo nga naman kung saan ako dinala nitong nararamdaman kong ito.

Sa kaniya pa rin bumalik ang mga hakbang ko.

Sa kaniya palagi bumabalik ang puso at isip ko.

"Aceion!" Umiwas ako ng tingin nang yumakap ang babaeng ang pangalan ay Clarisse sa kaniya at ngayon ay napakalambing na ng tono.

Bilis mag shift ha.

Palihim na nagbunyi ang isip ko dahil sa ginawang pagbaklas ni Ace sa nakayakap na braso ng babae. Tumikhim ito saka hinarap ang babaeng empleyado. "Where is she?" Ulit na tanong nito.

Sa pagkakataong 'yon ay hinintay ko lang na lingunin nito ang gawi ko.

"Sino po, sir?"

Oh yeah, of course. Hindi lang pala ako ang naghahanap sa kaniya. Malamang ay iyon ang nasa isip ng empleyado.

"Si Miss—"

"Aceion."

Tss! Now who's the snag?

"Clarisse, what are you doing here?"

"Are you busy?" Her voice has become hushed, as if she's about to cry. It sounds so depressing that it obscures the rudeness we witnessed earlier.

What a sweet, pretentious biàtch.

Hindi ko babawiin ang sinabi ko dahil sa pinakita nitong kabaitan kanina at ngayon na nasa harap siya ni Ace. Hear my sarcasm, please.

"Mala." Pakiramdam ko ay nanalo ako sa loto ng bigkasin nito ang pangalan ko habang ang mata ay nakatuon sa akin. "Just a second, Clarisse." Kahit pa nakatalikod na sa akin si Clarisse ay kitang-kita ko ang marahas na pagbagsak ng kaniyang balikat nang lagpasan ito ni Ace.

Hihintayin ko na lang sanang matapos silang mag-usap pero mukhang agad na binalikan ng karma ang babaeng ito dahil sa ugali niya. Ayaw siyang pagbigyan sa kagustuhang makausap si Ace.

Buti na lang malakas ako kay Lord, hehe.

Thank you po, Papa God. I'll hug you po when we meet.

As he walked towards me, I just stood there like a child waiting for a parent to come home from work all day. I gently bit the side of my cheeks to suppress my smile.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now