LTML 32

122 12 0
                                    

Happy Reading!


Ano bang klaseng kamalasang taglay mayroon ako ngayong araw?

Ayaw akong kausapin ni Ryan, dahil doon naging bugnutin ako maghapon. Akala ko makakausap ko na siya bago matapos ang araw na ito pero hindi naman nangyari. Tapos naulanan pa ako habang pauwi.

Anak ng tokwa naman oh!

Pumasok ako sa bahay at agad na dumeretso sa kwarto. Basang-basa ako.

Umay talaga. Paano ba naman, kung kailan pauwi na ako saka pa umulan ng pagka-lakas. Hindi ko na talaga maintindihan kung ano bang klima ang mayroon sa Pilipinas.

Matapos magbihis ay bumaba na rin ako at naabutan sila Tita at ang nakababata kong pinsan.

"Si ate ho?" Naupo ako sa tabi ni Tita at kumuha ng popcorn na kinakain nila habang nanonood ng That Thing called Tadhana na sina Angelica Panganiban at JM de Guzman ang bida.

Ilang beses na itong pinanood dito sa loob ng isang linggo, hindi ba nagsasawa si Tita?

"Sinundo ng nobyo niya kanina." Sagot ni Tita nakatutok pa rin sa tv ang tingin.

"Nobyo po? May boyfriend na pala ulit si ate?" Gulat na tanong ko. Kailan pa?

Wala naman siyang nababanggit sa amin ni Kuya na may boyfriend na siya ulit. 'Yon ang madalas na ikinagagalit ni Mama noon na ugali ni Ate. Malalaman na lang namin kapag naghiwalay na sila nung lalaki dahil umuuwi siya na hilam sa luha ang mga mata.

Mga walang kwenta ang mga ex niya na niloko lang siya. Pero hala pa rin kung magtiwala ang lola niyo.

"Ang sabi e may date daw sila. Nagbihis naman agad ang ate mo."

"Okay po."

Nanatili muna ako sa sala para manood at tapusin ang palabas. Wala na akong mga assignments dahil, panay oral recitations ang pinagagawa ng mga teachers namin.

Habang nanonood ay may biglang pumasok sa isip ko. Medyo matagal na nang huli na halos siya lang ang laman nito pero dahil siguro sa maraming bagay na naganap sa mga nakalipas na linggo, hindi ko na siya masyadong naiisip.

At saka hindi na rin naman siya nagpakita matapos ang huling gabi ng burol ng Lola. Mabuti na siguro 'yon para hindi ako nababalot ng lungkot sa tuwing pumapasok siya sa isip ko. Dahil kahit pa bumalik siya, darating pa rin ang panahon na aalis ulit siya. Ayaw ko ng ganoon, alam ko na wala akong karapatan na magdemand na manatili siya. Pero may karapatan naman siguro ako na makaramdam ng lungkot dahil sa sitwasyong mayroon kami.

Ewan ko ba. Gusto kong makita siya pero natatakot ako na magpakita ulit ito dahil ang kasunod no'n ay ang pag-alis ulit niya.

Ang kwintas na ibinigay naman niya ay itinago ko na muna. Pinipigilan ko  nga ang sarili ko na huwag pagmasdan 'yon sa tuwing puno ng kagustuhan ang isip at puso ko na makita siya, kahit sa panaginip na lang ulit.

Huminga ako ng malalim at tumayo saka nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nagsasalin ako ng tubig sa baso nang makita ko ang isang sobre na nakapatong sa garapon ng asukal. Kuryusong kinuha ko ito para basahin kasabay ng pag-inom ko ng tubig.

Electricity bill pala para sa buwan na ito. Hindi naman ako ang nagbabayad no'n pero pakiramdam ko ay nalula ako sa halaga na dapat bayaran.

Hawak ang bill, hahakbang na sana ako pabalik sa sala pero laking gulat ko nang may humawak sa isa kong kamay at hinila ako sa kung saan.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumigaw ng malakas pero may isa pang kamay na sinelyuhan agad ang bibig ko para hindi kumawala ang sigaw ko. Pati ang hawak kong sobre ay nabitawan ko at nakita ko na nahulog sa sahig.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now