LTML 23

140 15 0
                                    

Happy Reading!



"Loko si Ryan, bakit kaya wala pa 'yon?" Napatingin ako kay Khael nang magsalita ito. "Maaga laging pumasok 'yon, e."

Narinig ko naman na umingos si Raea. "Bawal bang ma-late ng isang beses? Baka napasarap lang tulog no'n." Anito at tinuon muli ang atensiyon sa pagsusulat.

Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila at nanahimik na lang.

Pero bakit kaya wala pa si Ry? Sana hindi siya nagkasakit—

"Good morning po Miss, sorry I'm late." Lumingon kaming lahat sa pintuan nang marinig ang boses ni Ryan.

"Sabi sa inyo." Ngising saad ni Raea sa aming dalawa ni Khael.

"Mister Colton, take your seat. Try not to be late next time, okay?" Sabi ng teacher namin na natigil sa pagsusulat sa whiteboard.

Tumango naman agad si Ryan at saka naupo. Gulo pa ng kaunti ang buhok nito dahil sa pagtakbo siguro. Nang magka-tinginan ay ngumiti ito sa akin. Tipid ko itong nginitian at nagbalik sa pakikinig sa lecturer namin.


"Uy Mala, kayo na pala ni Matthew!"

"Omygod! Kailan pa? Mala magkuwento ka naman d'yan."

"Kailan pa? Sya yung sa varsity player ng basketball team dito? Igop no'n, girl! Kwento mo naman!"

"Sige na girl, paano nanligaw si Armaciga?"

"Curiosity is killing me, Mala, tell us!"

Pinasadahan ko silang lahat ng nagtatakang tingin. Ano daw?

"Teka nga, saan naman nanggaling ang balitang 'yan?" Nakakunot ang noo na tanong ko. Takang-taka sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan ko.

"Narinig namin sa mga classmates niya." Sagot sa akin ng isa sa kanila.

Tumawa si Raea na nasa tabi ko, "Hindi naman kayo chismosa sa lagay na 'yan 'no?" Wika niya na ikinairap lang ng mga kaklase ko.

"Tigilan niyo na ang pagkakalat ng ganiyang chismis, pwede ba?" Iritadong saad ko at tinalikuran sila at naglakad papalayo. "Ilang araw lang akong wala, tapos ganito? Lakas tama."

"Sa palagay mo bes, kanino galing yung mga sinasabi nila? Totoo ba? Kayo na talaga nung ex-crushie mo? Kailan pa? Akala ko ba ayaw mo sa kaniya? Saka bakit wala kaming alam ni Ryan na may boy—"

"Tigilan mo na." Seryosong wika ko na ikinahinto ni Raea sa pagsasalita.
"Wala akong alam tungkol sa mga sinasabi nila. Wala kaming relasyon ni Brian. Naghahanap lang 'yon ng mapag-uusapan. Lilipas din 'yan, hayaan mo na lang," mahabang turan ko na ilang sandali na nagpatikom sa kaniya.

"O-okay." Sagot nito at nanahimik na.

Nagpunta na kaming dalawa sa canteen at sabay bumili ng meryenda bago bumalik sa room. Kailangan kong makausap si Brian. Humanda talaga siya sa akin kapag nalaman kong may kinalaman siya sa mga chismis na 'yon.


"Bye!" tango lang ang sinagot ko kay Aurraea at Ryan hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Nang masigurong wala na sila ay saka ako tumayo at iniligpit ang mga gamit ko.

Sinabi ko sa kanila na mauna na sila na umuwi dahil may dadaanan pa ako sa isa naming subject teacher para sa na-missed kong topic pero idinahilan ko lamang 'yon para hindi na sila magtanong pa.

Ngayon ko kasi balak kausapin si Brian. Sa pagkakaalam ko ay nauuna ang dismissal ng section namin kaysa sa section niya kaya hihintayin ko na lang siguro.

Pagkababa ko ng building namin ay tinahak ko ang papunta sa classroom niya. Marami akong nakakasalubong na mga estudyante pero mukhang may kaniya-kaniyang mundo lang mga ito.

May mga magkasintahan pa nga na akala mo ay kambal-tuko at hindi mapaghiwalay.

Malamang may mga date 'tong mga 'to. Napadaan ako sa building ng mga first year students na nagsisilabasan na rin ng mga rooms. Napangiwi ako ng makita ang ilan sa kanila.

Ang pula ng labi, anong klaseng tint ang nilagay nila?

Mayroon din sa kanila na kurbang-kurba ang kilay. Taray! Baka may pa-seminar sila, join ako. Hindi ako marunong magkilay, e. Ang hirap pantayin.

Napahawak na lang ako sa sarili kong kilay. Hindi ganoon kakapal ang mga kilay ko at medyo kalat-kalat ito. Gaya ng sa papa ko.

Bago ako tuluyang umakyat ng hagdanan ay huminga muna ako ng malalim ng ilang beses. Bigla ay pumasok sa isip ko ang panaginip ko tungkol kay Brian at sa pag-uusapan kuno naming dalawa. Ang pinagkaiba lang ay hindi sapilitan ito at ako ang kusang makikipag-usap sa kaniya.

At isa pa, walang Ace na gaya ng sa panaginip ko.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang isiping 'yon. Saka lang bumalot ang hiya sa katawan ko ng naroon na ako malapit sa room niya.

Bakit naman ako mahihiya, kakausapin ko lang naman siya di'ba? Kaya ko 'to.

"See you tomorrow. Class dismissed." Dinig kong anunsiyo ng guro na nasa harap. Agad na napuno ng ingay ang loob ng silid at tumayo na ang mga estudyante.

Nakayuko lang ako at pilit na nilalabanan ang hiya at awkwardness na nararamdaman ko.

"Hi, Mala." Napa-angat ako ng tingin sa nagsalita, hindi ko ito kilala pero nakita ko siyang lumabas mula sa classroom ni Brian kaya sa tingin ko ay magkaklase sila.

"Nasa loob pa si Brian pero lalabas na rin 'yon." Nakangiting saad nito.

Tumango na lang ako dahil nahihiya akong magsalita, alangan namang itanggi ko e si Brian naman talaga ang hinihintay ko.

Pinagsisihan ko na umakyat pa ako dito dahil ngayon ay bawat estudyante na nakikita ako ay binabati ako at sinasabi na hintayin ko na lang si Brian.

Ang sarap na lang magpalamon sa lupa!

Mukhang alam nga ng buong klase ang pangalan ko. Bakit kase may mga ganitong chismis pa?

Nakakainis!

"You're Matthew's girlfriend, right? May tinatapos lang siya—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng babae na bigla na lang sumulpot sa harap ko.

Bastos na kung bastos na tinalikuran ko ito pero kasi naman, they keep on saying na boyfriend ko si Brian. Gusto kong klaruhin na mali ang iniisip nila pero nahihiya akong magsalita dahil sa dami nila.

Ngayon gusto kong sapakin kung sinoman ang nagkalat no'n!

Pahakbang na sana ako pababa nang may pumigil sa braso ko. Sa pag-aakalang ang babae ito kanina ay sasabihan ko na sana ito na bitawan ako pero nakita ko ang suot nitong relong pambisig na halatang hindi naman pambabae.

Nakangiti ito habang nakatitig sa aking mga mata at parang ayaw maghiwalay ng aming mga tingin.

"Gusto mo daw akong makausap?" Tanong nito na nakangiti pa rin at hindi inaalis ang tingin sa akin.



I won't talk na lang haha

#BriaLa



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now