LTML 44

171 10 2
                                    

Happy Reading!


"Daplis lang naman 'to, hindi ako agad nakaiwas, tsk! Kung hindi lang ako nahihilo kanina dahil sa nainom ko, hindi 'yon makakadaplis.” Nakasimangot ako habang nagpapaliwanag sa dalawa kong kapatid na kung magtanong e para bang ako yung holdaper kanina. “H'wag niyo na akong sermonan.”

I'm the one who helped the lady!

"How can you react like it's just an ant's bite? Kutsilyo ang hawak nung lalaki, paano kung hindi lang 'yan ang—"

"Pero ito lang naman, diba?" Tanong ko na pumutol sa iba pang sasabihin ni ate. E kung sabihin ko kaya na ganoon nga, parang kagat lang ng langgam panigurado kukulo ang dugo ng ate ko.

“Tch! Parang wala lang sa'yo kahit masaksak ka pa ah! Tapos ano uminom ka? may problema ka ba?" Mabibingi talaga ako sa boses niya, hindi ako nakaiwas ng kinurot ako nito sa tagiliran. Magkatabi kami sa sofa dahil katatapos lang nitong gamutin ang sugat sa kamay ko at nilagyan niya na rin ng gasa. May sugat na ako lahat nagawa pang mangurot!

Hinimas ko ang kinurot niya at sinamaan siya ng tingin. "Ate naman. Syempre mayroon akong pake! Tss! Alam ko bang may magaganap palang holdap sa ganoong oras? Tinulungan ko lang yung babae kasi may kaya akong gawin." They're still eyeing me like a hawk, I sighed. "Don't give me that look, please.” Naiinis na saad ko. I crossed my arms at lalo pang sumimangot ang mukha ko.

"Pwede ka namam sigurong humingi ng tulong sa iba. Bakit ikaw pa ang kailangang makipagbakbakan—"

Ay ewan ko na lang talaga.

"Kuya, si ate oh." Parang batang bumaling ako at nagsumbong kay Kuya na pinakikinggan lang ang usapan naming dalawa ni ate. Marahas akong napabuntong-hininga matapos mabasa ang ekspresyon ng mukha nito ngayon. "You're thinking the same thing, sana hindi na ako nagsumbong."

"Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Sarkastikong tanong nito.

"That I wanted myself to get killed or die." Direktang aniya ko kaya napaiwas sila pareho ng tingin. Tumayo ako saka humarap sa kanilang dalawa. "Wala na ang isiping ‘yan sa akin. Kayo na lang ang hindi maka-get over e. Maayos na ako, totoo 'yon." I showed them a promise sign. "Magpapahinga na ako, maaga pa ako bukas. Goodnight." Saad ko at umakyat na sa aking silid.

Did I mention that I had to take therapy sessions years ago because of depression? Well, yes, I did. That feeling na gusto mong tapusin ang lahat but even that thing scares you.

Those questions like,

If I decide to end my life, would it really set me free from the pain?

Paano ang mga taong maiiwan ko sa kagustuhang takasan ang hirap at sakit?

There's a feeling of guilt na masasaktan ko ang mga maiiwan ko. Even at my death, I swear hindi nawawala sa isip ko ang mga taong mahahalaga sa akin. Ayaw kong isipin nila na wala silang nagawa para palakasin ang loob ko sa mga panahong gusto kong sumuko. Kasi mayroon, doon pa lang sa pananatili nila sa mga panahong lugmok ako e sobra sobra na. They're my strength, I want to fight para sa kanila. I want to be with them as long as I can.

Alam ko na nangako ako Kay Lola, na susunod ako but I realized it is not that simple, i just can't leave my family yet.


"Where to go first? Hmm..." Habang hinihintay ang sasakyang nirentahan ko ay binabasa ko ang itinerary plan ko para sa trip ko sa Cebu. "First off, uy, I always dreamed of going here. Magellan's Cross."

After kong mag check-in kanina sa hotel na tutuluyan ko ay naghanda agad ako para sa paglilibot. Who said na kailangan may travel buddy ka to enjoy tourist destinations? I don't need one. Solo trips are fun too.

Letters To My Love (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя