LTML 11

176 28 0
                                    

Happy Reading!



Nagpupuyps ako sa galit dahil sa ginawa ni Mama. Talagang hindi ito tumigil hanggang sa makuha ang gusto niya.

"Kumalma ka muna." Binuksan niya ang bottled water at inabot iyon sa akin. Agad kong kinuha iyon at uminom. Maluha-luha ang mga mata ko pagkatapos ilapag sa mesa ang tubig.

"Paano?!" Tangina. "Kinuha niya si Shan."

Talagang hinintay niya na wala kaming pareho ni Kuya sa bahay. Wala namang nagawa si ate dahil dalawa ang kaharap niya. Ano man ang sinabi niya kay Shan para sumama ito ay gumana.

Pagkatapos niya kaming bilugin nila Kuya si Shan naman? Bakit ba ganito si Mama?

"Siguro naman ay hindi niya pababayaan ang kapatid mo doon sa poder nila."

"Dapat lang, resposibilidad niya iyon. Kung hindi niya gagawin, lahat ng paraan na alam ko gagawin ko makuha lang ulit si Shan sa kaniya."

Ang gulo niya talaga, napakahirap basahin. At hindi ako maniniwala kapag sinabi niya na nangungulila lang siya sa anak niya kaya kinuha nito si Shan. Tangina umalis nga siya e.

Pinalipas lang namin ni Raea ang oras sa pagtambay sa park. Napansin ko na patingin-tingin siya sa relo kaya nagtanong na ako. "May pupuntahan ka ba? Okay lang naman sa akin kung mauna ka."

"Oo sana e, pasensya na talaga. Sasamahan pa sana kita kaso nagtext si Nanay sa akin. Magpaoasma daw sa wet market."

"Sige na, okay lang." Saad ko.

"Sandali lang, parating na rin yung hinihintay ko bago ako umalis. Ayaw kong iwan ka mag-isa e."

"Sino?"

Sinundan ko ang tingin niya at nagulat nang makita si Ryan na kumakaway habang palapit sa amin. Siya ba ang hinihintay ni Raea?

"Ayan na siya." Tumayo si Raea at siya ang sumalubong kay Ryan. Hindi na umupo ulit si Raea, nagpaalam na ito sa amin bago nagmamadali umalis. Ilang text na pala ang nareceive niya kay Tita.

Si Ryan naman ay umupo sa katapat kong upuan. Napapagitnaan kami ng batong mesa. Ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ewan ko ba bakit ang awkward ng atmosphere namin ngayon pero kung mangulit naman ito sa school wagas.

"Buti hindi ka busy?" Napangiwi ako dahil sa patanong kong tono. Ang weird lang pakinggan.

"Hmm hindi naman." Tipid ng sagot ha.

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Ayaw niya kaya gano'n na lang din ang gagawin ko. Wala rin naman akong gustong sabihin. Mas okay na rin at tahimik. Medyo magulo pa ang isip ko e.

Iniisip ko kung kumusta na kaya si Papa. Ilang linggo na kaming walang kontak sa kaniya. Sinabi ni kuya na huwag muna naming tawagan ito pero hindi ko natagalan. Masyado akong worried sa kaniya pagkatapos ng ginawa ni Mama kaya tinawagan ko siya. Ilang beses lang na nagriting ang phone nito pero hindi sumasagot.

Sana naman okay lang siya doon.

Sigurado na sobrang sakit para sa kaniya ng ginawa ni Mama. Mahal niya iyon e, sa tuwing umuuwi siya kailangan may quality time sila ni Mama. Bukod pa ang oras na buo kami at makakasama. Paano nagawa na sikmurain ni Mama iyon sa taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.

"Mala." Umangat ang tingin ko kay Ryan. Masyado na naman yata akong nalulunod sa pag-iisip hindi ko napansin agad na tinawag niya ako.

"Ahm sorry, may iniisip lang. Bakit?"

Halata sa mukha nito na may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip ito. "Ang totoo kasi, wala akong ideya sa nangyari sa'yo o sa ano mang problema mo ngayon." Tumikim ito, "tinawagan lang ako ni Raea saka sinabi ang pangalan mo at kailangan mo ng kaibigan."

Letters To My Love (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat