LTML 56

227 9 0
                                    

Happy Reading:)

-

"Basa na ng mga luha ko ang manggas ng suot mo. Anak, pasensya na at naabala ko ang oras mo-"

"Hindi ka kailanman magiging abala sa akin, Ma." Yumuko ito at pinahid ang kaniyang pisngi.

"Ilang araw ng hindi umuuwi si Anton. Pinuntahan ko siya sa construction site na pinagtatrabahuan niya pero ang sabi nila ay ilang linggo na raw itong hindi pumapasok doon. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Hindi na ako makatulog dahil hinihintay ko ang pag-uwi nito. K-Kasalanan ko kung bakit nawala ang anak namin, n-napabayaan ko ang sarili ko dahil nag-aalala ako sa kaniya..."

"Wala kang kasalanan, Ma. Kasalanan lahat ng gagong-"

"Anak, asawa ko pa rin siya. H'wag mo siyang pagsasalitaan ng-"

"Hanggang ngayon ipagtatanggol mo pa rin talaga ang lalaking 'yon, ha? Ma?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito. "Ma, nawalan ka ng anak dahil sa ginawa niya! Sa palagay mo talaga na nawala lang siya bigla at hindi na lang pumasok sa trabaho para ano, Ma? Maghanap ng trabahong may mas malaking kita na hindi man lang umuuwi? Asawa niya kayo, di'ba? Pero wala kayong ideya kung saang lupalop naroon siya!"

Napahilamos ako sa aking mukha at bumuga ng marahas na hininga. That guy. I'll make sure he won't get away with this. "Ma, ganito ka na niya tratuhin..." Marahan kong hinaplos ang mga pasa niya sa braso.

"Alam ba niya?" Tanong ko, umiling ito, agad na naintindihan ang tinutukoy ko. "Tsk!" Naiiling akong tumayo at humarap sa kaniya.

"Bumalik ka na lang sa amin, Ma...." Ayaw kong makita siya sa ganitong sitwasyon, kakayanin kong kalimutan ang galit sa puso ko at aalagaan siya, bumalik lang siya sa amin.

Bumalatay ang pagdadalawang-isip sa kaniyang ekspresyon kapagkuwan ay umiling. Ayaw nitong umalis kahit na ganito na ang dinadanas niya.

Tangina ng lalaking 'yon.

Ilang ulit akong mariing napamura sa isip ko. "Ma, please naman. Kahit isang beses lang, ako naman ang pakinggan mo..."

"B-Babalik siya anak, asawa niya pa rin ako. H-Hindi ako pwedeng umalis na lang dahil nahihirapan ako, mas hindi ko kakayanin kapag wala siya-"

"Ma, ang dali noon sa'yo na gawin ang pag-alis, walang isang kisap mata mong pinili ang iwan kami, Ma..." Hindi ko lubos akalain na pagkalipas ng ilang taon na ininda ko ang sakit na dinulot niya magagawa pa rin niya akong saktan ulit ngayon.

I thought I had already escaped the past, I thought it's was phase that I'm done dealing with. But right now, it feels like the wound that I thought was healing, turns out it will just open again hearing my mother's words.

"Alam mo, Ma. Hinihiling ko na sana narinig ko 'yan mula sa'yo noon. Na sana hindi mo kami ganoon kadaling binitawan tulad ng pagkapit mo ng mahigpit sa pagmamahal mo sa lalaking 'yon ngayon."

"Anak..."

"Ma, sinasaktan mo ulit ako, gaya ng ginawa mo noon..."

Hinayaan ko lang na malaglag ang mga luha sa pisngi ko habang puno ng poot at sakit na nakatingin sa taong naaatim na paulit-ulit na pagpira-pirasuhin ang puso ko.

Mama, ano ba ang kasalanan ko para gawin mo sa akin 'to?

Nagmamalisbis ang mga luha at lumalabo na ang paningin ko ngunit hindi ko pinansin 'yon. Bago ko pa tuluyang maibuhos ang galit kay Mama ay naglakad na ako palabas ng bahay. Hindi ako lumingon kahit pa naririnig ko ang pagtawag nito sa akin.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now