LTML 03

386 62 1
                                    

Happy Reading!



Dahil wala pa ang lecturer namin ay naroon lang ako sa isang sulok ng classroom, busy sa kaniya-kaniyang usapan ang mga kaklase ko kaya naman walang pupuna kahit matulala pa ako dito. Nag-iisip kasi ako, iniisip ko kung paano ko masasabotahe ang peste na nasa bahay namin.

Pwedeng habang tulog ito ay saksakin ko siya mismo kung saan ang puso niya para sure deds, o kaya dahil mahilig siyang makikain sa bahay ay lagyan ko ng lason ang pagkain niya, o kaya ay ihampas ko sa kaniya yung cleopatra na naroon sa sala namin, chos.

Biro lang ang mga iyon.

Nagbibiro nga ba talaga ako?

Hilig manlaglag ng isip ko, kainis. Wala naman akong balak na gawin ang mga 'yon. Isa pa, ayaw kong mabahiran ng dugo ng lalaking iyon ang mga kamay ko. 'Di siya worthy sa efforts ko, duh!

"Uy Mala, tulala kang mag-isa d'yan? May problema?" Bumaling ang tingin ko kay Ryan, kaklase ko. Akala ko pa naman walang iistorbo sa akin.

Pinaikutan ko ito ng mata. "Kapag ba natutulala, kailangan by group?" Puno ng sarkasmo kong tanong sa kaniya pabalik.

Sa halip na mainis sa sagot ko ay natawa lang siya saka umupo sa bakanteng silya sa tabi ko. Nakasimangot ko siyang tiningnan. "Ito naman, nagtatanong lang ako tapos ang sungit mo agad."

"Hindi kita sinungitan, sinagot lang kita. Tsk! Layo nga, baka hindi kita matantya," pagtataboy ko. Aba ang loko, tinawanan lang ako.

Pareho lang sila ni Raea e, hindi tinatablan sa pagsusungit ko. Galing 'no?

Muli ko na sana itong itataboy pero nakita kong lumamlan ang klase ng titig nito sa akin bago nagsalita. "Huwag ka na masungit, ano ba kasing problema?"

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin, "paano mo naman nasabi na may problema? Desisyon ka masyado d'yan." Pagmamaang-maangan ko. Hindi ko inalis ang taray sa mukha ko baka sakaling huminto siya sa pagtatanong.

Ayokong magkuwento baka bumigay ako ng tuluyan. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa.

"Ayan, 'yang ekspresyon na yan ang nagsasabi sa akin na may problema nga." Gusto kong batukan ang sarili matapos marinig ang sinabi niya. Masyado bang halata sa mukha ko? "Hindi kita pipilitin na magsabi pero nandito lang ako kung kailangan mo ng makikinig," sinsero nitong saad. Nag-iwas ako ng tingin. Mamaya niyan kung ano na naman ang mabasa nito sa mukha ko.

Pinilit kong ngumiti nang ibalik ang tingin sa kaniya. "Loka, hindi makikinig ang kailangan ko kundi solusyon kung may problema man ako gaya ng sabi mo."

Salamat, Ryan.

"Yieee, nagsasarili yung dalawa sa sulok." Panunukso ng isa naming kaklase na agad nasundan ng iba pa sa kanila.

Tumayo ako saka bumalik na sa sarili kong upuan, ang mga malisyoso at malisyosa ko namang mga kaklase hindi pa rin tumitigil. "Nagsasarili tapos dalawa kami? 'Yung totoo, kinulang ba kayo sa gatas nung mga sanggol pa lang kayo? Ewan ko sa inyo!" Napailing na lang ako sa mga kantyaw nila sa amin ni Ryan habang siya naman ay natatawa lang.

Ako at si Ryan? Naku, malabo 'yan.

Mabuti na lang ay dumating na ang teacher namin para sa kasunod na subject kaya tumahimik na ang lahat at bumalik sa kani-kanilang pwesto. Ang bibilis magshift ng ugali oh. Kanina lang ang liligalig tapos ngayong may teacher na akala mong mga anghel sa tahimik at bait.

Natawa na lang ako sa aking isip bago tumuon na rin sa pakikinig sa guro.

-

"Mala, tara baba tayo." Umangat ang tingin ko kay Raea at umiling. "Luh, dali na! Kain tayo, libre ko," ang babaita sinayawan pa ako ng kilay. Akala niya yata papayag ako dahil libre niya.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now