LTML 08

192 36 1
                                    

Happy Reading!



"Ma…" panay ang pagmamalisbis ng nga luha ko habang nagmamakaawa kay Mama na manatili. "Huwag ka pong umalis, huwag niyo po kaming iwan. Please, Mama…" Halos mapaluhod na ako sa pagyakap sa kaniya.

Maaayos pa namin ito.

"Alisin mo 'yang kamay mo, Mala. Masasaktan ka talaga!" Hindi ko siya pinakinggan at mas hinigpitan pa ang yakap ko. "Bumitaw ka na!" Napaigik ako sa sakit ng hablutin niya ang braso ko para kalasin iyon dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak ang pang-upo sa sahig.

"Mala, hayaan mo na siya." Hindi ako makapaniwala na tiningnan si Kuya na nakamasid lang.

Hindi pwede!

"Mama…"

Nanghihina akong tumingin kay Mama, baka sakaling makinig siya at hindi umalis.

"Malalaki na naman kayo, kaya niyo na ang mga sarili niyo. Kapag umuwi na ang Papa niyo, doon kayo sumama." Malamig na aniya at binuhat ang malaking bag na nabitawan kanina.

Hindi ko alam kung ano pang mas nakakaawa bukod sa sitwasyon namin ngayon. Madaling araw na pero heto ang ginagawa naming mag-iina.

Pare-pareho kaming napalingon ng marinig ang maliit na boses ni Shan. Pababa ito sa hagdan at tumakbo papunta kay Mama. Siguro ay nagising ito dahil sa ingay dito sa baba. Yumakap siya kay Mama, "saan po kayo pupunta? Bakit po kayo aalis?"

Pakiramdam ko ay sinuntok ang buong pagkatao ko sa mga tanong ng bunso kong kapatid. Wala siyang kaide-ideya sa mga nangyayari.

Hinarap siya ni Mama at lumuhod hanggang sa magpantay ang mukha nila. "Anak, makinig ka muna sa kanila. Babalik ako para isama ka. Okay ba iyon?"

Mahinang humikbi si Shan at niyakap si Mana bago siya tumayo. Handa na siyang lumabas nang nagsalita ako. "Ma, maaayos pa po natin ito. Huwag ka lang po umalis." Pilit kong ininda ang sakit ng pagbagsak kanina, tumayo ako at lumapit sa kaniya. "P-Please Ma, huwag mo kaming iwan," nawawalan na ako ng pag-asa..

Dito na lang ba matatapos ang lahat?

"Matagal ng sira ang pamilya natin. Ilang beses na naming pilit na pinag-usapan ng walang kwenta mong ama pero walang nagbabago. Sana intindihin mo na lang."

"Kapag po ba umalis kayo, magiging maayos tayo?" Galit na tanong ko. Huminga ito ng malalim at tumingin sa mga mata ko. "Alagaan niyo ang isa't-isa." Tumalikod ito at nagsimulang maglakad.

"Hayaan mo na siya, gusto na niyang makasama ang lalaki niya." Hindi ko naramdaman ang paglapit ni ate sa tabi ko at hinawakan ang balikat ko.

Galit na bumaling si Mama sa amin. "Ano'ng sinabi mo?" Siguro ay hindi siya makapaniwala sa lumabas sa bibig ni ate. Kahit ako nagulat.

Mapait ko siyang nginitian, "mali po ba si ate?" Hidni ko na napigilan ang paghilagpos ng galit sa dibdib ko. "Pupuntahan niyo po ang kabit niyo—" hindi ko na iyon nagawang tapusin dahil dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

Sinabi ko lang ang totoo pero siya pa ang galit.

Nanatili ang matalim niyang tingin sa amin. Puno ng sakit na ibinalik ko iyon sa kaniya. Gusto kong mabasa niya sa mga mata ko kung gaano kami nasasaktan sa ginagawa niya.

"Sige Ma, kung iyan ang gusto mo. Wala naman kaming magagawa. Anak mo lang kami di'ba?"

"Ate…" Kahit si ate ay umiiyak na rin.

"Tama kayo, kaya na namin ang sarili namin kahit wala kayo. Umalis na kayo!" Sigaw niya.

"Magne." Bumalik ang tingin ko kay Mama. "Kayo ang nag-udyok sa akin na piliin ito. Masaya ako sa piling ni Anton. Napapagod rin naman ako, simula ng makasal ako sa ama niyo, wala na akong ibang ginawa kundi ang mapabuti ang pamilya natin. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya."

Letters To My Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang