LTML 29

117 12 0
                                    

Happy Reading!



"Brian!!" Sabay kaming napalingon ni Brian dahil sa lakas ng sigaw ng isang babaeng tumatakbo papalapit sa amin. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko at tumayo ng tuwid. "Hi Brian.Good morning!" Malapad ang ngiting bumati ang babae.

Maganda ito, halos hindi na makita ang mga mata niya kapag nakangiti dahil sa pagka-singkit. Maputi ang balat at makinis. Bumagay naman ang buhok nitong mahaba na medyo wavy. Mas lamang ang tindig namin ni Brian kung titingnan kaya medyo nakatingala na siya habang nakatingin kay Brian.

Kitang-kita ang kislap sa mata niya habang nakatingin sa kasama koi. Sa palagay ko nga ay hindi nito ramdam ang presensya ko kahit katabi ko lang si Brian.

"Hey Abbi! Good morning too." Pabalik na bati ni Brian. Abbi pala ang pangalan, it's cute, suits her well.

"Sabay na tayo, hinintay kita para makasabay. Medyo nangalay nga ako sa tagal kong nakatayo kanina."

Tumingin si Brian sa akin, kaya pati si Abbi ay lumingon din at bahagyang nawala ang ngiti nito. "Ahm, Mala meet Abbigail, she's my friend, more like a little sister to me," pagpapakilala sa amin ni Brian sa isa't-isa.

"Hi, nice to meet you." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya, Nakita ko pang sinuri nito ang kabuuan ko bago tinanggap ang nakalahad kong kamay, tipid siyang ngumiti.

"Hey. I'm Abbigail, pasensya na hindi ko napansin na may kasama pala si Brian," aniya at agad binawi ang kamay. "Mauuna na ako, bye! Nice to meet you!" Halatang pilit lang ang ngiti nito pagkatapos ay tumakbo na ito palayo. Sinubukan pa siyang tawagin ni Brian pero mabilis na nawala ito sa paningin namin.

Bumuntong hininga si Brian, "Tara na, pasok na tayo." Animong walang-buhay na wika niya saka nagsimulang maglakad. Sumabay naman ako sa kaniya.

Tahimik lang kaming pareho hanggang sa maihatid ako nito sa classroom ko saka nagpaalam na siya. Naging routine na niya 'yon simula nang manligaw ito. Bakas pa rin sa mukha niya na parang nawawalan ng pag-asa.

I'm reading between the lines and I can tell kung bakit nagkaka-ganoon siya, pati si Abbi kanina. Kung paano nawala ang masayang ekspresyon niya nang makita na may kasama si Brian.

She likes him.

And so does he.

Hindi naman ako manhid at bulag para hindi makita at maramdaman ang selos sa kilos ni Abbigail. One thing confuses me though, they seem to like each other. Bakit may pa ganito itong si daga sa akin?

Bumibili ako ng lunch nang may tumabi sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko si Ryan kaya napangiti ako.

Ang distant niya sa akin nitong mga nakaraan. Hindi ko na rin siya madalas makasabay sa pag-uwi. Pag hinahanap ko siya ay nagulat na lang ako na nauna na pala siya.

Kahit tuwing break ay panay din ang alis niya sa room. Hindi na tuloy namin nakakasabay tuwing kakain. Ang dahilan niya, may gagawin pa siya para sa grades niya. Syempre hindi naman pwede na pilitin namin siyang sumabay.

Naisip ko nga na idinadahilan niya lang 'yon ng una. Pero sa kabilang banda, mukhang hindi naman. Bakit naman niya kami iiwasan diba?

Nagtaka ako dahil parang wala ito sa huwisyo. Marahan kong kinulbit ito sa balikat pero hindi man lang lumingon. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko.

May problema ba siya?

Ilang saglit pa ay dumating na rin ang order niyang kanin at ulam. Binuhat niya ang tray at walang lingon na umalis.

"Ryan." Tawag ko rito at sumabay sa lakad niya. Natigilan ito at kumurap ng ilang beses nang tumingin sa akin. "Ang lalim ng iniisip natin, ah. Hindi mo man lang ako napansin, katabi lang kita roon," sabi ko sabay turo sa gawi ng pinagbilhan namin ng pagkain.

Letters To My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now