LTML 35

165 15 0
                                    

Happy Reading!



Honey

Honey

Honey

Wala akong magawa kundi ang mapasabunot na lang sa sariling buhok at magpakawala ng marahas na hininga. Pakiramdam ko kasi ako na ang pinaka tanga dahil sa labis kong pagtitiwala sa mga tao sa buhay ko.

Walang saysay kahit pa kilalang-kilala ko na sila. Kaya pa rin nilang sirain ang tiwala na ibinigay ko.

Kailangan ko pang lumabas ng bahay kahit dis-oras na ng gabi. Baka kasi hindi ko kayanin at doon pa ako mag-break down. Makaka-distrubo pa ako sa mga natutulog. Gusto kong magsisigaw sa galit at lungkot. Gusto kong magwala para ilabas ang nga iyon.

Pati ang malamig na hangin ay sumasabay sa pakiramdam ko. Tuluyan na ako napaupo sa damuhan ng parke. Hindi ganoon kadilim sa gawi na kinaroroonan ko dahil sa mga lamp post light na narito.

Ano bang nagawa kong mali para maranasan ang mga bagay na ito?

Sa sunod-sunod na nangyari sa akin nitong mga nakaraan, akala ko ay tapos na akong magtanong ng bakit.

Pinagsawaan ko na 'yon.

"Si Mama na sumama sa Anton na 'yon, masakit na ngang tanggapin. Tapos ngayon..." Hindi ko magawang paniwalaan na pati si Papa.

May iba na rin.

Bakit sa dami ng tao sa mundo, ako pa? Bakit sa pamilya ko pa?

Ito pala ang dahilan kaya ayaw ni Kuya na kausapin ko si Papa. Akala ko hindi magagawa ni Papa ang bagay na 'yon. Simula noong magkaisip ako, siya ang pinaka-iniidolo ko.

Akala ko hanggang sa huli siya ang makakapitan ko, sa tuwing pakiramdam ko pasan ko na ang mundo noon. Pinapagaan niya iyon, hindi ako takot na gawin ang bagay na gusto ko at ikakasaya ko lalo na kapag mino-motivate ako ni Papa. Isa sa siya sa lubos kong pinagkakatiwalaan.

At noong mas pinili ni Mama ang Anton na 'yon, iniisip ko na sana ako na lang ang magdala ng sakit na mararamdaman ni Papa. Punong-puno ako ng pag-aalala.

Pero mukhang mayroon ng naroon para aluin siya.

"Ano bang klaseng buhay 'to? Nakakapagod." Naluluhang bulong ko.

Parang ewan naman e, nakakabaliw.

Hindi ko nga alam kung paanong kinakaya ko pa rin. Gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to. Gusto ko lang i-enjoy ang buhay ko pero bakit parang hindi pwede?

"Kailan kaya ulit ako makakapunta doon?" Nakakapagod sa lugar na 'to. Ang gaan ng feeling ko noong naroon ako sa lugar ni Ace. Kahit panandalian lang ay nakatulong 'yon ng malaki at nakalimutan ko ang bigat ng pakiramdam at ang problema ko.

Huminga ako ng malalim saka tinuyo ang mga luha sa aking pisngi. Para along zombie sa bagal ng mga hakbang ko. Para bang paikotI feel so empty. Sabi nila kapag hindi mo na daw kaya ang sakit, isigaw mo. As loud as you can.

I did it but it didn't even lessen the pain I feel.

Yung pakiramdam na para kang nasa isang silid na walang pintuan. Wala kang ibang mapupuntahan kundi sa isang sulok na lang. Tatanungin ng paulit-ulit ang sarili mo kung bakit nangyayari ang mga problemang iyon sa'yo.

Hindi ko na namalayan na nakabalik na ako sa bahay. Iniwasan kong makagawa ng anumang ingay sa pagpasok papunta sa likod bahay dahil baka magising sila Tita.

Binubuksan ko ang gate nang biglang may humawak sa balikat ko. Mabilis akong lumingon at gulat na tumingin sa imahe, patay na ang ilaw dito kaya hindi ko makita ang hitsura ng bulto.

Sisigaw na sana ako ng takpan nito ang bibig ko. Magpumiglas ako at pilit na inalis ang kamay nito. Nakasandal na ang likod ko sa gate at gumagawa na ito ng kaunting ingay.

Nagtagumpay akong alisin ang kamay ng estranghero at susuntukin na sana ito pero agad na hinuli nito ang isa kong kamay at inilagay ibabaw ng aking ulo.

Dumagdag lalo ang kaba ko sa dibdib dahil sa lapit nito sa akin. Iniisip ko na bigla na lang akong nitong saksakin ng patalim.

Gamit ang isa kong kamay ay buong pwersa ko itong tinulak sa dibdib. "Tita tulong-" Nalunok ko lahat ng iba ko pang isisigaw ng may kung anong malambot na bagay na lumapat sa labi ko at parang sinelyahan iyon.

Huli na bago ko pa na-realize kung ano 'yon dahil inalis na nito ng estranghero. "Ako ito, si Ace." Bulong nito dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Binitawan niya ang kamay ko, napahawak ako sa labi ko. Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako sa bulto niya. Hindi ako gulat dahil siya ang nasa harapan ko ngayon kundi ang kaniyang ginawa kani-kanina lang.

Ang first kiss ko!


A/N: Ber-months na mga vro >.< Ang bilis! Good morning! Giving Mala a break coz y not di'ba? Advance Christmas gift ko sa kaniya. :)

Btw, enjoy reading!



Kendingmaxx

Letters To My Love (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu